Chapter 5

5.7K 124 1


Elaine

H-E-A-V-E-N! Yun ang nararamdaman ko ngayong katabi ko si Sky dito sa backseat "Are you crazy?" he whispered "And will you stop looking at me while smiling, it creeps me out!" he said and looked at the window, in no time makakarating na rin kami sa resthouse.

"Ang gandang view di ba ate Elaine?" Haley asked me, she was sitting on my lap, mas comfortable daw siya kung yayakapin ko siya while we are travelling, sweet kasi si Haley lalo na sa Dad niya!

"Oo... sobrang perfect!" sagot ko sa kanya while staring at Sky's side view, ang gwapo talaga niya!

I heard her chuckled "Sows, kako yung view hindi yung mukha ni Kuya!" she shouted, napatingin si Sky sa akin, I turned red, oo lantaran ang pagsasabi ko na mahal ko siya pero, nakakahiya parin kung kasama nag buong pamilya niya! I looked away.

"We're here!" rinig kong sabi ni Tita Sophie "Get your things at the back and sumunod na rin kayo agad sa loob..."

"Opo!" we answered simultaneously

"Ley, sunod kana kay Mommy...wait us there na lang okay?"

"Okay!" saka siya patakbong sumunod kay Tita Sophie

I walked papunta sa likod ng sasakyan para kunin ang mga gamit "Baguio pare!" I heard Sky talking over the phone "...hindi... three days lang...sure... when I came back..." and suddenly he noticed me "Sige pare, I'll call you later....sige" and he ended the call

"Toffer?" I asked him habang papalapit sa kanya, he didn't answer me "Bestfriends huh? What is he asking you this time? Going out and flirt with older girls in the club?"

"Girlfriend?" he asked me back mockingly

"SKY!" sigaw ko sa kanya "Yan si Toffer walang gagawing mabuti, he is always introducing you to different flirt girls!Paano nalang kung ma tempt ka? Paano na lang kung ma seduce ka?"

I heard him chuckled "Anong nakakatawa?" I asked him, he didn't answer me and he's busy getting all the bags

"Dati yaya ka lang, ngayon nanay na..." nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya

"You're not taking it seriously! Will you-"

"Exactly! I don't take them seriously" he smiled "Don't worry, they are not my type!" saka niya ginulo ang buhok ko at nauna ng pumasok dala ang mga bags

They're not your type? Eh ako? Type mo ba ako? Sigh

----

"We're going to roam around the place" Tito Miguel announced "Mag jo-jogging kami, anyone who wants to come?" aya niya

"I guess, kayo na lang ang pumunta" sabi ni Tita Sof "Take Elaine with you, andito naman si Nanay to help me prepare our food!"

"P-Pero Tita, I'm willing to help you!" pero gusto ko rin kasama si Sky

"No, its okay Elaine, you go out with Sky... enjoy the place... okay na kami ni Nanay dito!" saka ngumiti si Nanay sa akin at kumindat

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!