Chapter 3

5.8K 140 2



Elaine

I was busy arranging my notes and books, tapos na kasi ang last subject ko, I looked at my wristwatch "5:00 pm na, tapos na rin ang training ni Sky" bulong ko and I smiled, tinignan ko ang energy drink na binili ko para kay Sky, I'm sure pagod yun at uhaw na uhaw!

"Elaine!" tawag sa akin ni Johnny "Hatid na kita pauwi!" aya niya sa akin

"May sarili akong sasakyan at pupuntahan ko pa si Sky sa soccer field..." sagot ko sa kanya

"Haay naku..." narinig ko ang buntong hininga niya "Bakit ba lahat kayo nababaliw sa dalawang yun?" pagmamaktol niya "Kung hindi kay Sky, kay Toffer! Ano ba ang meron ang dalawang yun na wala ako?" rinig sa buong klase ang boses niya

Lumapit ako sa kanya saka tinap ang balikat "Tumingin ka minsan sa salamin Johnny, try mo, once! Baka sakaling malinawan ka at malaman mo ang kasagutan!"saka ako ngumiti at kumindat, narinig ko rin ang halakhakan ng mga classmates ko bago ako tuluyang makalabas ng room

Kanina ko pa hinahanap si Sky pero hindi ko siya mahagilap, marami na ring mga babaeng nag-aabang dito sa field, ganito naman ang eksena dito, kanya kanyang abang sa mga soccer players, yung iba naman nasa basketball court, pero hindi hamak naman na mas marami dito!

"Di ba dapat andito na sila Toffy my loves?" rinig kong sabi ng isang babae na mula sa higher year

"Magkasama naman sila ng Prince Sky ko eh... kaya antay lang tayo!" sagot ng babaeng kasama niya, nagpanting ang tenga ko, nakakakulo ng dugo ang mga babaeng ito! Psh!

Kinuha ko ang phone ko saka tinawagan si Sky "Hey Bhebhe Sky..." sinadya kong ilakas ang boses ko kaya nagtinginan ang mga tao dito na nag-aantay din

-----

Sky

"Pare, I'll go first! nag-aantay na mga chics ko sa labas eh!" Toffer said after tapping my back, I just nodded at him. Andito kami sa locker room na located lang din near the soccer field "Buti na lang hindi allowed pumasok dito ang kung sino-sino, kung hindi matagal na tayong na-rape!" sabi niya saka siya humalakhak, I just shook my head "Sige Pare!" and he totally went out of the locker room

I'm about to grab my bag ng tumunog ang phone ko

Elaine Co-Let calling...

I answered it

"Hey Bhebhe Sky..." bungad niya

"Anong Bhebhe Sky?" I yelled back at her, Kinuha ko ang bag ko and started to walk palabas ng locker room

"Di ba sabay tayong uuwi?" she asked, she's like shouting, meron nanaman itong ginagawang kalokohan!

"Wala akong naaalala...." I answered her

"Sige Bhebhe ko, aantayin na kita dito sa labas... Ingat!" and she ended the call, I just shook my head, and what is she up to this time?

After kong malakad ng mga ilang meters from the locker room, I saw Toffer and his so-called 'chics' roaming around him, mukhang nag-eenjoy ang loko!

----

Elaine

"Sige Bhebhe ko, aantayin na kita dito sa labas... Ingat!" saka ko dali-daling nag end call, naririnig ko ang bulungan sa paligid ko, kala niyo huh! Milya-milya ang lamang ko sa inyo kaya wag na kayong mangarap! Tse!

Nandito na rin si Toffer, ang striker ng soccer team, bukod kay Sky siya ang kinababaliwan ng half ng kababaihan dito, Anak ng isang sikat na fashion designer si Toffer Villaflor, sila ang nag mamay-ari ng isang sikat na clothing line ang Villaflor's Creations kung saan naging model si Sky. Gwapo. Matalino. Mayabang.Rich Kid!

Ayaw ko sa kanya para maging bestfriend ni Sky, siya kasi ang nagpapakilala sa kanya ng iba't-ibang babae. Nakakakulo ng dugo!

"Oh Co!" tawag sa akin ni Toffer habang papalapit sa akin na may dalawang babaeng nakakapit sa magkabilang arms niya "Wala pa ba siya?"

"AAAAAHHHHH SI SKY!" sigaw ng obvious namang die-hard fan niya

"Oh andyan naman na pala eh!" saka niya tinanggal ang kamay ng dalawang babae na nakakapit sa kanya, lumapit siya sa akin saka kinuha ang energy drink na hawak-hawak ko "Akin na lang ito huh!" saka siya ngumiti, sumimangot lalo ang dalawang babaeng kanina lang nakakapit sa kanya

Bubuksan na sana ni Toffer ang energy drink ng may umagaw nito mula sa kamay niya "Binili ito para sa akin..." Si Sky... ang mahal kong si Sky na napakagwapo kahit halatang basa pa ng pawis ang buhok niya!

"Grabe naman pare! Ang daming nagbibigay sa iyo!" sagot ni Toffer saka tinuro ang mga babaeng may dala din ng mga energy drink, kaya madalas maubusan ng supply ang canteen ng mga iyon tuwing ganitong oras, dito napupunta "Akin na lang yan!" sinubukang abutin ni Toffer yung hawak ni Sky pero iniwas iyon ng Bhebhe loves ko!

"Ikaw na lang kumuha nun!" walang emosyong sagot sa kanya ni Sky, tinignan ko lang ang pawis na dumadaloy mula sa basa niyang buhok pababa ng mukha niya hanggang leeg. Aaah, ang swerte ng pawis na iyon!

Natauhan lang ako ng humawak siya sa kamay ko at hinila ako papalayo sa lugar na iyon, EH-ME-GED! Sky is holding my hand! Teka... teka...naninikip ang dibdib ko! Nahihirapan akong huminga sa kilig! Hahaha, sabi sa inyo, unti na lang... unti na lang makakamit ko na ang matamis niyang oo!
----

Sky

Ever since you came into my life wala ka ng ginawa kundi pasakitin ang ulo ko! Elaine Co-Let! "Saan ba tayo pupunta?" tanong niya sa akin, I looked at her pero nakatingin lang siya sa kamay namin, I stopped walking ganun rin siya

"Why are you blushing?" I asked her, aning talaga ang babaeng ito, she didn't answer me but pointed 'OUR' hands using her pinkish lips, wala napansin ko lang pinkish yun kahit walang bakas ng lipsticks o kung ano pa man, I repeat, Napansin ko lang!

"Argh!" saka ko binitawan ang kamay niya "Parang yun lang..." saka ko siya tinalikuran, pero hinabol niya ako ang clinged on my right arm

"Sky..." bulong niya

"I told you not to stay near Toffer!" I know Toffer dahil bestfriend ko siya, I know kung paano gumagana ang bituka ng lalaking iyon!

She looked at me, nakikita ko yun sa gilid ng mata ko "Nagseselos ka?" bigla niyang tanong

"WHAT?" tinanggal ko ang kamay niya na nakakapit sa braso ko "Of c-course n-not! Its just t-that I know Toffer well and... and... Argh! I k-know him period!"

"Wag kang mag-alala!" she beamed, ngayon ko lang napansin ang pagbabago kay Elaine Co, done with the braces and slight chubby face, I must admit... She is beautiful... nasabi ko lang! "Loyal ako sa iyo! Iyong-iyo lang ako..." saka niya pinisil ang magkabilang pisngi ko

"ANO BA?" saway ko sa kanya "Puro ka kalokohan!" saka ako naglakad ulit

I'm not jealous, bakit naman ako magseselos? I just feel like being responsible for Elaine's actions...k-kasi...kasi makulit yan at very fragile, careless, hindi nag-iisip... Aning! He needs me to protect her... hanggang dun lang yun!



You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!