Chapter 2

6.8K 152 4


Elaine

"Mam teka lang!" habol sa akin ni Mang Caloy habang pinapayungan ako, pero sobrang excited ko ng makapasok sa loob ng bahay kaya di ko na siya pinansin, tumawag kasi si Mommy Elise kanina, dumating na raw si Daddy galing Singapore.

I'm Elaine Co, 15 years old, half Chinese, my father is Richard Co, nasa Shipping Industry ang business namin, my real Mommy, Janice Co died the day I was born. Mommy Elise was my real mom's bestfriend and now my stepmother. Matagal na rin akong nag-aantay ng kapatid from Mommy Elise pero until now wala parin, excited rin akong magkaroon ng baby dito sa bahay ilang beses ko silang kinukulit tungkol doon pero wala talaga eh.

Since nag-iisa akong anak, I'll do whatever my father says, I do ballet and painting. Kaya ko rin magplay ng piano at violin, kahit theater act ginagawa ko rin. Iyon ang gusto ni Daddy eh, ang maging magaling ako in all field. Okay lang lang sa akin lahat yun, isa lang naman ang gusto ko eh... Si SKY... HAHAHA!

May chef ding binabayaran si Daddy para maturuan akong magluto, mag bake, garnish at kung anu-ano pa. Nag-aattend din ako sa fencing class ko every Sunday pero hanggang 3 hours lang yun, hiniling ko kasi kay Daddy na mas gusto kong magpahinga during Sundays... pumayag naman siya kaya instead na half day ang ina-signed niyang time sa akin nabawasan yun at naging three hours na lang.

Sumasama rin ako sa foundation nila Tita Sophie, mommy ni Sky, future mommy ko, every time na may events sila. Hmm, minsan nga lang sumama si Sky sa mga ganung event, busy kasi masyado sa buhay, kaya naiintindihan ko siya kung mas pipiliin niyang magpahinga during free time niya.

"Elaine..." harang sa akin ni Mommy Elise

"Bakit po Mommy Elise?" tanong ko sa kanya "Pupuntahan ko po si Daddy sa office niya..." dugtong ko

"A-Ah eh, bukas mo na lang siya kausapin..." pigil niya sa akin, tinignan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko, medyo mahigpit iyon "P-Pagod kasi siya..." saka niya lang binitawan ang braso ko

"Ahh... Daddy told me na he missed me so much... I want to see him now..." magalang kong paalam sa kanya pero bago pa ako makahakbang, hinawakan na niya ako sa magkabilang balikat

"Elaine, please understand... I know you miss your daddy so much pero let him rest muna okay?" mahinahon niyang sabi sa akin

"M-Mom-"

"ELAINE!" medyo tumaas ang boses niya kaya napaatras ako at napayuko "A-Ah... sige na kasi.. go to your room..." utos niya sa akin, nakakatakot talaga si Mommy Elise kahit kunting taas lang ng boses tapos lalaki pa ang mga mata niyang nakatitig sa iyo!

Hindi na lang ako sumagot matapos niya akong sigawan, sumunod na lang ako s autos niya "Elaine..." tawag ulit sa akin ni Mommy Elise bago pa ako makahakbang sa hagdan "Manood ka muna sa cartoon channels huh... wag mo munang ilipat sa ibang channel...at maligo ka na agad, baka magkasakit ka!" sabi niya, tumango na lang ako at naglakad na paitaas.

I took a shower for almost 30 minutes saka kinuha ang blower sa bedside cabinet ko, pinapatuyo ko ang mahaba kong buhok ng maya-maya may kumatok na sa may pinto "Pasok!"

"Elaine..." si Yaya Silva pala, yaya ko siya noon pa, 35 years old lang siya, napakabait niya at close na close rin daw sila ni Mommy noon, anak kasi siya ng Yaya ni Mommy Janice...

"Ya!" sagot ko saka ngumiti sa kanya

"Ito na paborito mong meryenda..." saka niya inilapag sa ibabaw ng kama ko ang tuna sandwich at 100% orange juice drink

You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!