Chapter 1

6.8K 121 0

Elaine

"Ano ba Elaine?" bulyaw sa akin si Sky "For Pete's sake, simula kinder tayo you're always chasing me like a dog!" sanay na ako sa kanya, gaya nga ng sabi niya simula kinder ganito na ako kaya ganyan na rin siya, immune na ako sa bawat sigaw niya sa akin!

"Eh bakit ba? Eh ikaw gusto kong kasama!" at gustung-gusto kita!

"Hindi mo ba naririnig ang mga tao? Ang mga classmates natin? They're calling you Nanny!" tinapon niya ang bag niya sa isang bench na nasa kaliwa namin, nasa soccer field kami!

"I don't care cause it's not true!" sagot ko sa kanya "Kahit tawagin nila akong muchacha okay lang, basta lagi kitang kasama!" dagdag ko

Sinabunutan niya ang sarili niya at halatang iritang-irita na "Ang kulit kulit mo alam mo ba iyon? You're making me crazy!" I know and I'm crazy in love with you!

"Alam ko na iyon, hindi ko na mabilang kung ilang beses mo ng sinabi sa akin yan..." sagot ko saka ako nag pout at naupo sa bench "Sky... ikaw naman kasi kung sinabi mo na sa lahat na girlfriend mo ako eh di sana wala ng gulo!"

Oo tama ang narinig niyo, simula kinder nililigawan ko na ang lalaking ito, ewan ko ba kung bakit ang lakas ng tama ko sa kanya, gwapo lang naman siya, matalino, galing sa napakayamang pamilya, captain ng soccer team, may fans club lang naman siya dito sa school at meron lang din naman siyang mangilang-ngilang commercial ng isang sikat na brand ng sapatos at clothing line.

Sky is the heir of Del Rosario's Empire. Del Rosario's Group of Companies has its own place in the field of Construction, at unti-unti na rin silang gumagawa ng pangalan sa dumarami na rin nilang chains of Hotels. Thanks to his mom, Engr. Sophie Rodriguez-Del Rosario, na sobrang nakatutok sa negosyo nila and to his cool dad Engr. Miguel Del Rosario, who has been very supportive.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang pagnanasa ko sa kanya pero ang alam ko lang nung unang beses kaming nagkita nung five years old kami mahal ko na siya! "Ikaw naman kasi, daig mo pa si Maria Clara, 10 years na akong nanliligaw sa iyo pakipot ka pa masyado!" I told him pero parang wala siyang naririnig, para ngang umuusok na ang ulo niya dahil sa akin eh!

Palangiti naman si Sky sa lahat ng 'FANS' niya lalo na ang mga mga kiri na babaeng halos iluwa na ang voice box nila kung makikita nila siya. Hindi ko naman sila masisisi, lakad palang ng lalaking ito makalaglag panty na! Minsan nga sa cafeteria may lumapit sa kanya para mag pa autograph, pinirmahan niya naman yung dala ng babae, eh sa hindi pa makuntento yung babae humiling pa na makashake hands si Sky, pinagbigayan siya ni Sky, pero ang ikinabigla naming lahat, naglupasay sa kilig yung babae, nagpatawag pa tuloy ng ambulansya!

Nakita ko ang mukha ni Sky, hindi naman lingid sa kaalaman niya na napakagwapo niya eh, pero hindi niya gaanon kaalam na ang lakas ng dating niya sa tao lalo na sa mga babae at bading.

"TUMIGIL KA NGA!" namumula na siya at nanginginig, nakakuyom na rin ang kamao niya, kinikilig na siguro siya, HAHAHA, shempre sa ganda kong ito jackpot na siya! "Kung hindi ka pa titigil sa kalokohan mo, I will talk to your Mom at ipapatapon na kita sa CHINA o kung saang lugar ka man galing!" natigil ang mga nag prapractice sa field dahil sa sigaw niya

"Grabe ka naman Sky!" tumayo ako "Ako na nga ang nag ooffer ng sarili ko, ako na nga itong nag mumukhang tangang humahabol sa iyo, simpleng pag-amin lang ng nararamdaman mo hindi mo pa magawa! Ginagawa ko na ngang madali ang lahat para sa iyo eh!" himutok ko saka kinuha ang bag pack ko

He shook his head "I can't believe you! I never asked you to be like that! Tsaka ELAINE CO, gusto mo ng pag-amin?" I wish it was ELAINE KO di ba very possessive lang ang peg? "HINDI KITA GUSTO! KAYA TUMIGAL KA NA!" natigilan ako sa sinabi niya.

B-basted na ba ako? NO! Not after 10 years!

"T-Teka lang Sky... h-hindi naman kita p-pinepressure eh... you have all the time to think..." hinawakan ko ang niya, pero winaksi niya iyon

"You're just wasting my time!" tapos non ay iniwan na niya ako sa nakatayo sa tabi ng bench, saka naman umulan...

Seriously? Umuulan? Lakas makainsulto ahhhh!!!!

Tumingala ako saka nagsisigaw "NAKAKAINIS KA!" itinaas ko ang kamay ko, grabe ang lakas ng ulan, basang basa na ako! "LAGI KA NA LANG GANYAN! AKO NA NGA ITONG PILIT NA LUMALAPIT SA IYO! AKO NA NGA ITONG NAG EEFORT NG TODO!" pinunasan ko ang mukha ko, basa na rin ang sapatos at bag ko "PERO BAKIT ANG HIRAP MONG ABUTIN? HUH SKY?" patuloy na pagdra-drama ko ng biglang may humarang ng patak ng ulan.

Payong? Teka may blue na payong!

"Sino bang may sabi sa iyong abutin mo ko?" kilala ko ang boses na iyon, bigla bumilis ang tibok ng puso ko at malapad na ngumiti "Maglakad ka na, ayokong mabasa!" Ani ni Sky ng makita ang mukha ko.

Si Sky! Uwaahh, si Sky nagbalik siya para payungan ako!

Niyakap ko siya!

"ANO BA ELAINE CO?" sana Elaine Ko yun! "Nababasa ako!" angal niya habang pilit na itinutulak palayo ang mukha ko "Oi ano ba! Tsk!"

"I love you Sky..." sagot ko sa lahat ng pagsusungit niya, doon natigil ang pagtulak niya sa akin "Hindi ko aasahan na mag I love you too ka sa akin ngayon..." bulong ko habang nakayap sa kanya "Pero alam ko maririnig ko rin sa iyo yun.." I assured saka ko hinigpitan ang yakap ko sa kanya!

Ilang minuto rin kaming nakatayo at hinahayaang yakapin ko siya, ang sarap niyang yakapin, kahit ang pawis niya nagiging cologne sa pang-amoy ko, well-built na rin ang katawan niya dahil sa pagiging athlete "Puro ka kalokohan..." rinig kong bulong niya "Tara na, kanina ka pa inaantay ni Mang Caloy, ng driver mo!"

Tumingala ako, pero nakayap parin ako sa kanya, I pouted bago nagsalita "Hindi kaba sasabay?" tanong ko

"May sarili akong sasakyan..." walang emosyong sagot niya "Kaya lakad na ELAINE CO!" saka niya ibinigay sa akin ang isa pang payong, kulay yellow yun "Baka magkasakit ka, konsensya ko pa!"wala na akong nagawa, kinuha ko na ang payong saka ginamit iyon, kainis, bitin ang yakap ERRR!

Naglakad siya papalayo sa akin habang nakabulsa ang kaliwang kamay at ang isa ay nakahawak sa payong "Ingat SKY!" sigaw ko "I love youuuuuuuu....." tinaas lang niya ang kaliwang kamay niya saka marahang kumaway, grabe kahit nakatalikod ang gwapo niya!

Ang saya-saya ko! Infairness lumevel up na! May natatanggap na akong kaway sa kanya, noon kasi parang wala siyang naririnig kung sasabihin kong I Love You! HAHAHA! Grabe... yung kilig ko ngayon... SKY is the limit!

"Mam Elaine!" salubong sa kin ni Mang Caloy "Mam magpatuyo po kayo!" saka niya ako pinupunasan ng tuyong towel

"Ano ba Mang Caloy!" kinuha ko ang towel sa kanya, matagal ko ng driver si Mang Caloy para ko na siyang tatay "WAG MONG PUNASAN! Nandyan pa yung amoy ni Sky!" halatang nagulat siya sa sinabi ko, tinap ko ang balikat niya at nagsalita "Don't worry Mang Caloy, I'm okay!" saka ako ngumiti ng pagkatamis tamis!

Nag start na ang engine at pinatakbo na niya ang sasakyan, malakas parin ang ulan, ibinaba ko ang bintana dito sa back seat "Mam, mababasa po kayo!" sigaw ni Mang Caloy pero hindi ko siya pinansin

"I LOVE YOU SKY!!!!!" sigaw ko sa labas, wala akong paki sa mga taong nakakarinig sa akin, sa mga taong naglalakad, sa mga pasahero ng jeep, nung bus, ng tricycle, ng pedicap, wala akong paki "MAHAL NA MAHAL KITAAAA!!!!" sigaw ko habang nakatingala!





You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!