PROLOGUE

7.2K 141 2



"Bakit siya ang gusto mo?" tanong niya

"Kulang ang isang araw kung iisa-isahin ang rason..." sagot ko

"Masyado siyang mataas para sa iyo" sabi niya

"Gagawin ko ang lahat maabot ko lang siya..." sagot ko

"Hindi ka ba nangangalay sa pagtingala?" tanong niya

"Tulad ng pagsunod niya kung saan man ako pumunta? Hindi... hindi kailanman..." sagot ko, saka niya inabot sa akin ang isang larawan at umiling

"Mapapagod ka rin..." lahad niya, ngumiti lang ako at hinawakan ang litrato

"Napaka gwapo mo parin..." saad ko

"Kaya hindi kayo bagay!" aniya saka tinalikuran ako, ngumiti lang ako at bumulong

Hanggang titig na lang ba ako? Hanggang tanaw na lang ba ako mula sa malayo? Maaalala mo pa kaya ako? Saka sumilay ang mapait kong ngiti...

Hinalikan ko ang litrato at saka bumulong "You're my friend, my life, my love...You're my Sky..."


You're My Sky (Complete)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!