57"Together again?"

45.4K 617 18
                                          

57

"Together again!"

Buong byahe hindi nagsasalita si Cliff. Tahimik lang syang nagda-drive. Hindi ko din naman magawang magsalita kahit gusto kong magpasalamat sa kanya.

"Ayos ka lang ba?" mahina nyang tanong.

Tiningnan ko sya pero nakatingin lang sya sa kalsada habang nagmamaneho.

"Ayos lang naman ako." Nahihiya kong sagot sa kanya. "Ikaw ba?"

"Gusto mo dumaan muna tayo sa ospital?" tanong nya ulit. Walang karea-reaksyon yung mukha nya kaya hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa kanya.

"No need. Gusto ko na lang umuwi para makapagpahinga. Pero ikaw ba? Dapat dumaan muna tayo para matingnan ka." Tumingin ako sa labas at napansin kong malapit na kami sa bahay.

Hindi ko na hinayaang pagbuksan pa ako ni Cliff ng pinto ng kotse. Nagkusa na akong bumaba pagtigil pa lang nya sa harap ng bahay.

Pagbaba ko nakita ko agad si Tonsi na nakaupo sa harapan ng gate.

Bigla syang napatayo ng makita nya kami.

"At talagang magkasama pa kayong dalawa. Pinanindigan nyo na! Ang galing!" Papalapit sya sa'kin ng bigla syang sinuntok ni Cliff.

Nagulat ako at hindi ko alam ang gagawin. Bumagsak sa lupa si Tonsi at parang nagulat din sa ginawa ni Cliff. Nilapitan ko agad si Cliff para awatin.

"Tama na yan Cliff. Hindi na dapat pinapatulan ang katulad nya." Humarang ako sa harap ni Cliff at nakatalikod ako sa papatayong si Tonsi.

"Kayo na nanloko sa'kin kayo pa ang galit!" papasugod si Tonsi kay Cliff para suntukin 'to pero hindi sinasadyang ako ang natamaan.

Tinamaan ako sa mukha. Ang sakit. Ang daming stars. Napahawak ako sa mukha ko at nakapa ko na parang may dugo.

Natigilan silang dalawa. Hinawakan ako agad ni Cliff.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalala nyang tanong. Hindi ako nagsasalita at pinipigil ko lang ang sakit.

"Siraulo ka talaga! Ilang gagong lalaki na nga ang muntik gumawa ng masama kay Torrence tapos sasaktan mo pa sya! Anong klaseng lalaki ka?" galit na galit si Cliff.

Itinulak nya si Tonsi at binigyan nya ng isang malakas na suntok na nakapagpatumba ulit sa kanya.

Pero this time parang nawala sa sarili si Tonsi at hindi ininda ang suntok ni Cliff.

"A – anong?" naguguluhang tanong ni Tonsi.

"Cliff tama na." Mahina kong pag-awat kay Cliff.

"Dahil sa kakitiran ng utak mo, muntik ng may mangyaring masama kay Torrence. Alam mo – " nilapitan nya si Tonsi at hinawakan nya sa damit habang nakaupo sya sa kalsada.

"Alam mo kung may nangyari kay Torrence na masama – kakalimutan kong magkapatid tayo!" binitawan nya si Tonsi at tumalikod sya.

"Anong nangyayari dito? Bakit dito kayo sa labas nagsisigawan ha?" papalabas sila papa at tita ng bahay at nakita kaming tatlo sa labas. "Tonsi, anong nangyari sa mukha mo? Cliff ano ding nangyari sa'yo? Bakit ganyan ang mga itsura nyo?" pag-aalalang tanong ni tita at nilapitan agad si Tonsi.

Nakatingin lang naman si Cliff na sobrang napapaligiran ng black aura at nanlilisik ang mga mata.

"Kulang pa yan sa ginawa nya kay Torrence. Bakit hindi nyo tanungin yang magaling nyong anak." Lumapit sya sa kotse. "Tito, kung ako sa inyo, ilalayo ko na si Torrence kay Tonsi habang maaga. Muntik na kayong mawalan ng anak." Pumasok sya sa kotse.

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon