BANAT- 6th Batch (2015)

265 2 0


Sorry! Hindi ko talaga mahagilap ang iba!!! And gusto ko siyang maihabol before the year ends! Thank you so much! Pang ilang Christmas at New Year na natin ito? Ako na ang mahaba ang hair! hahahahaha!

BATCH 6

August 13, 2015

Banat # 183

Maagang nagising

Inabangan meteor na parating

Nagbabakasakali

mapagbigyan aking hiling

Makasama ka, makapiling

Hindi naman ako naniniwala sa ganito

Pero sadyang nagmamahal kaya kahit ano

Sinusunod dikta ng aking puso

Nagbabakasali malay mo magkatotoo...

August 13, 2015

Banat # 184

Wala man akong nakita

Hindi yan ang magdidikta

Mas makapangyarihan naman aking nadarama

Mas nagniningning pa rin ang iyong tala

September 7, 2015

Text

Banat # 185

Mahal kita.

Yung sayad mo, kahit paulit-ulit,

iintindihin din kita ng paulit-ulit.

Ang tunay kasi na pagmamahal

hindi nagsasawang umunawa

September 7, 2015

Twitter

Banat # 186

Mahal na mahal kita.

Kahit saan magpunta

at kahit ano ang ginagawa

naiisip kita.

Kahalintulad mo

ay biyaya na sa araw-araw

sa akin nagpapasaya.

Masungit ka man

pero ito ay bale-wala

kase mahal kita.

September 7, 2015

Facebook

Banat # 187

Sa pinagdadaanan mo

handa akong dumamay.

Wala man ako sa tabi mo

pero kapain mo lang yung puso mo,

nandun ako at mananatili.

Hindi mang-iiwan kase mahal ka ng puso ko.

October 26, 2015

Banat # 188

Habang tulog ka

At ako'y gising pa

Gumagawa ng banat

Sa paggising mo mabasa

Pinapangarap

Kahit lang saglit na yakap

O kaya'y halik na kay sarap

Aling malalasap

Siguro parang nasa alapaap

October 26, 2015

Banat # 189

Aking nadarama

Di maipaliwanag ng siyensiya

O kahit na pinakadalubhasa

Sadyang napakahiwaga

Sa 'yo lang nadama

Pag-ibig na kakaiba

Minamahal kita

Sa kabila ng di magkasama

Sapat na panghawakan

Pangako na hanggang sa kailanman

Pagmamahal walang katapusan.

>7U%




BanatBasahin ang storyang ito ng LIBRE!