Nang tinawagan niya naman ako kaninang umaga...

"Anong gagawin mo ngayong araw, Rosie?"

"Uhm.. Pasok sa school. Yun lang. Ikaw?"

"Pasok sa trabaho. Miss na miss na kita."

Napangiti ako, "Miss na miss na rin kita."

"Poooo?" Sigaw ni Jacob.

Mukhang may kausap siya sa kanila.

"Sandali lang. Mag uusap muna kami ni Rosie." Aniya.

Siguro yung katulong nila.

"Mamaya na. Hayaan niyo na lang- Saglit lang- Okay okay! Hindi ko na nga paghihintayin- teka... Uhm, Rosie... tawagan na lang kita mamaya, naghihintay na kasi si Jasmine."

"Okay, bye..."

"Wait! I love you!" Sabi ni Jacob.

"Sorry nagmamadali ako, I love you, too." Saka binaba ko na agad.

LECHE! Pinipigilan ko na ang mga luha ko nangpapasok akong classroom.

Kabanas. Yung wala talagang pumasok sa utak mo sa loob ng dalawang oras sa klase. Tanging naramdaman mo lang ay yung kirot sa puso mo. Naiiyak ka pa kaya imbes tumingin sa nagsasalita ay napapayuko o di kaya'y napapatingin ako sa labas.

NAIINIS NA AKO KAY JACOB! Pero hindi ko siya masumbatan dahil ako ang may pakana sa lahat ng ito! Ako ang nag encourage sa kanyang doon na mag field study! Gusto kong magreklamo pero natatakot akong iwan niya ang Alegria para sa reklamo kong sana'y wala ngang katuturan.

"Rosie, wa'g ka na masyadong OA. Mahal ka nun." Mas matatag pa ang faith ni Karl sakin.

Natutuwa naman ako tuwing naririnig ko ang mga sinasabi niya.

"My God! Nakasaksi ako sa lahat ng pinagdaanan niyo. Hindi na yun magbabago. Wala ng makakapantay pa dun. Maaring may susubok pero walang magtatagumpay."

Nakakalubag-loob ang mga sinabi ni Karl. Siguro oobserbahan ko muna ang lahat. Baka pag komprontahin ko agad si Jacob, umalis yun agad kahit talagang wala namang nangyayari. Magiging kasalanan ko pa ang lahat. Lalabas pa akong selfish sa relasyon namin.

"Alam mo kasi, Rosie... Nasa isip mo lang yan lahat. Malay mo iniisip din ni Jacob na may iba ka dito, diba?"

Oo. Inisip at natakot siya noon na magkaroon ako ng iba. Pinagdudahan niya ng husto si Brandon. Pero hindi naman kami araw-araw na magkasama ni Brandon. Maaring hindi niya ako nilulubayan pag magkasama kami pero tinatarayan ko naman. Itong si Jacob, nagpapakabait kay Jasmine. Lagi pa silang magkasama. Marami pa kaming pagkakaiba ni Jasmine.

Maganda si Jasmine at mabait. Confident siya at gaya ng sinabi ni Jacob, magaling siyang magluto. Hindi ko na alam kung hanggang saan ang pagtitimpi ko sa kanila.

Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now