- Third Person -

Tapos na ang klase ni Alyssa, pabalik na sya ng Dorm pero yung utak nya nandon pa din nakatuon sa pangyayari kanina.

"Tama lang naman siguro yung ginawa ko, guilty lang yon si Den kaya nag-aalala." Sabi ni Alyssa sa sarili nya.

"Hello!"

"Ay palaka!" Gulat na sabi ni Alyssa sa taong gumulat sa kanya.

"Mukha ba akong palaka? *pout*" Sabi ni...

"L-laura?"

"Yep, Nalaman ko kasing Varsity player ka pala dito and same school din pala tayo kaya naisip ko na abangan nalang kita dito sa harap ng Dorm nyo. Hahaha. Gusto ko nga pala mag-Thank you nung sa nangyari kagabi." Nakangiting bati nito. "Here, take this." Sabay abot ng Med.Kits and isang Lunchbox.

"Sus, dapat hindi kana nag-abala. Mejo magaling na naman kasi yung sugat---"

"Anong magaling ka jan. Eh yan nga oh! Violet na violet pa yang gilid ng lips mo. Tsaka alam kong kakatapos lang ng klase mo at gutom ka kaya may dala akong Pasta! Alam mo favorite ko kasi to eh wala naman ako ibang lutuin kundi eto lang pero promise! Masarap yan."

"Hahaha. Thank you. Tara pasok ka muna sa Dorm papakilala kita kay Ate Dzi at sa Team."

"Talaga!? Sige."

.
.
.
.
.
.

@Lady Eagles Dorm

Sakto namang nasa loob ang buong team. Free day kasi nung karamihan sa kanila kaya Movie Marathon all day long sila.

"Hi guys!"

"Hi Ate/Ly/Bruh!" Sabay sabay nilang bati.

"Bakit ang saya mo ata---- Alam ko na. Sino sya? Chicks mo?!" Pabirong sabi ni A.

"Hindi ah." Tanggi ni Ly. "Tara Lau. Uhmmm .. Eto pala si Laura guys, sya yung babaeng sinasabi ko na tinulungan ko nung nakaraang araw."

Why don't you Love me?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!