CHP51: Bahay-Bahayan

3.5K 98 2
                                    

*KAISURI JOKE*

DASURI: I need space.

KAI: *umusod ng kaunti*

DASURI: I mean maghiwalay na tayo!

KAI: Okay! Dyan ka dumaan sa kaliwa at dito ako sa kanan.

-_-

DASURI: Ano ba!

KAI: Anong ano ba?

DASURI: Ayaw ng mama ko sa'yo.

KAI: Hell no! Mas lalo namang ayaw ko sa mama mo! Hindi ako pumapatol sa matatanda.... Loko ka talaga wifey!

DASURI: BREAK NA NGA KASI TAYO!

KAI: Sige, gutom na din ako eh. Coke at sandwich gusto mo?

DASURI: Letche! Wag na nga lang! >..<

*walks out*

©Hugot pa more!! (Wattpad)

**

DASURI POV

Pagkatapos ang madramang moment namin ni Kai. Pinagpasyahan kong maligo muna. Grabe kasi 'yung saliva na ibinahagi sa'kin nung tatlong aso. Akala mo naman wala nang bukas, tss.

Pagkababa ko ng hagdan, natuon agad ang atensyon ko sa asawa kong nakaupo sa sofa at masayang nakikipaglaro sa mga aso nya. Psh. Bitter padin ako sa mga asong 'yan. Bukod kasi sa pangit ang pagkikita namin, mukhang makakaagaw ko pa sila sa atensyon ng asawa ko. Hindi ako papayag! ANDWAE!!!!

Hindi ako lumapit sa kanya. Hinayaan kong sya mismo ang makapansin sa'kin. Limang minuto na ang nakakalipas pero hindi parin nya ko napapansin. Anak ng! Hinahalikan pa nya 'yung aso, nang-aasar ba sya?!

Umubo ko ng malakas para makuha ang atensyon nya, "Ehemp," Napalingon naman sya sa'kin.

"Nandyan kana pala. Come here." Tinapik-tapik pa nya 'yung puwesto sa tabi nya. Hindi naman ako sumunod.

"Ayoko nga." Pag-iinarte ko. Gusto ko ako lang katabi nya. Kapag umalis na 'yung mga aso saka lang ako tatabi sa kanya. Hmp.

"Sigurado ka?" tanong nya pa ulit.

"Oo." Pagmamatigas ko.

"Okay," hindi na nya ko pinansin pang muli at nakipaglandian na lang sa mga aso nya. Arrgh! Halos umusok naman ang dalawang butas ng ilong ko. Diba bawal ang makipaglandian? Tapos sa harap ko pa? Foul 'yon eh!! Grrrr.

Ilang sandali pa't hindi na ko nakatiis. Lumapit na ko kay Kai at tumabi sa kanya. Nakakarami na 'yung mga aso nya eh. Umangkla agad ako sa braso nya habang pinanlalakihan ng mata ang aso nyang mukhang chocolate ang balat. Tunawin ko sya dyan eh. Ang lakas ng loob nyang humiga sa lap ni hubby. Ako nga hindi ko pa nata-try 'yon eh. Kaasar 'to.

"Hubby~" panlalambing ko sa kanya. Nilingon naman nya ko.

"Bakit wifey?"

"Hug mo naman ako." Sabi ko habang nakapout. Tinignan nya lang ako ng hindi makapaniwala bago tumawa. Problema nito? Sumimangot nga ko.

"Tinatawanan mo na naman ako. Nakakainis kana." Tinanggal ko ang pagkakahawak ko sa kanya sabay cross-armed.

"Sige, magsama-sama kayo ng aso mo. Tutal feel na feel mo naman eh." reklamo ko. Nilalandi na nga eh. Ayaw pang makicooperate. Wala syang teamwork grabe!

Naramdaman ko naman ang pagbaba nya sa aso nyang mukhang chocolate. Akala ko yayakapin na nya ko kaya palihim na kong napapangiti. Kaso si Jjanggah naman 'yung kinuha nya at inilagay sa lap nya. Talagang 'yung babaeng aso pa 'yung pinalit nya ah.

BOOK I: Secretly Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon