TAL. 06.2-- The hidden story

Magsimula sa umpisa

"She was never my girlfriend. What we had was just a one night stand. Nalasing ako dahil nag away kami ng matindi ng Mama mo at sya ang kasama ko ng gabing iyon. May nangyari sa amin. At hindi ko naman inaasahan na magbubunga ang isang gabing kapusukan na iyon."

"And then what?"

"I told this to your Mom. I love her so much na hindi ko magagawang magtago ng lihim sa kanya. And I was just so thankful na dahil sa pagmamahal nya sa akin, hindi nya ako pinilit na panagutan ang dinadala ni Angeline. Hindi sya umatras sa kasal namin. Kinausap namin si Angeline na ang bata na lang ang pananagutan ko. Pumayag naman si Angeline dahil may mahal din syang iba at hindi din nya magagawang mapatali sa isang relasyon na tanging bata lang ang magbubuklod sa aming dalawa."

Napapaikit ako ng mariin. Napakagat labi ako at pinipigilan na mapaluha.

"Natuloy ang kasal namin. At ang tungkol kay Angeline ay nanatiling lihim lang sa pagitan naming tatlo. Walang ibang nakakaalam. Palihim lang kung dalawin namin ng Mama mo noon si Angeline para matingnan kung maayos ang kalagayan nya. Itinago namin sya sa isang malayong lugar na kinakailangan pa naming bumiyahe ng kung ilang oras para lang madalaw sya."

Napasulyap ako kay Chanel na umiiyak na. Sapo nya ang mukha nya at impit na humahagulgol.

"Months passed so quickly na nagtagumpay kaming hindi malaman ng kahit sino hanggang sa dumating ang araw na manganak sya....."

"Leandro, kambal ang anak nyo ni Angeline!" umiiyak na sambit ni Vivienne, ang asawa ko.

"Kambal?" namanghang tanong ko. Walang nasabi ni Angeline na kambal ang anak namin. Ilang beses naman syang nagpapatingin sa OB kaya malamang na alam nya ang bagay na ito. "Bakit hindi nya sinabi?"

"D-dahil kinausap ko sya." nakatungong sabi ni Vivienne na pinupunasan ang luha sa mga pisngi nya. "Kunin mo ang isang anak nya."

"Ano?"

"Kinausap ko sya. May kasunduan kaming dalawa, Leandro. Pumayag ako sa setup na ito dahil hindi ko maatim na maging pabayang ama ka. Pero nalaman ko ilang linggo matapos ang kasal natin--"

"Na ano? Anong ginawa mo Vivienne?"

"Hindi ako maaring magkaanak, Leandro. B-baog ako." at muli na naman syang umiyak.

Para akong natulig sa narinig ko. Baog sya? Kaya ba ilang buwan na kaming kasal pero hindi pa rin kami nakakabuo? Bakit hindi nya sinasabi sa akin?!

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" nagtitimpi sa galit na sabi ko.

"Dahil natatakot ako. Natatakot ako na kapag nalaman mo ay iwan mo ako. Hindi ko kaya, Leandro." tumunghay sya sa akin na puno ng luha ang mga mata.

Ilang sandali akong tumitig sa kanya.

"Please.. Kunin mo ang isang anak nya.." pagmamakaawa ni Vivienne.

Hindi ko namalayan na may luha na palang pumatak mula sa mga mata ko.

"Pumayag si Angeline sa kagustuhan ng Mama mo, Cassandra. Naghati kami sa anak namin ni Angeline dahil simula ng makapanganak sya, hindi na din sya tumanggap ng sustento mula sa akin. Tama na daw na inalagaan ko sya habang ipinagbubuntis kayo. Nang maibigay sa amin ang isa sa kambal, lumayo na sya. Hindi na nya sinabi kung saan na sila pupunta at hindi ko na din inalam para na din sa pagbabagong buhay na gusto namin ng Mama mo."

Hinagod-hagod ni Daryl ang likod ko at mas humihigpit ang hawak nya sa palad ko na parang doon nya ako binibigyan ng lakas sa kabila ng nararamdaman ko ngayon.

"H-hindi ko sya totoong Mama?" nanghihingi ng kompirmasyon na tanong ko.

May ilang sandali na nakatingin lang sa akin si Leandro bago marahan na tumango. At kasabay ng pagtango nya ay ang lalong pag agos ng mga luha ko.

Luha na unti-unting nauwi sa hagulgol.

Mahigpit na akong niyakap ni Daryl at doon ako umiyak ng umiyak. All these years, nabuhay lang pala talaga ako sa kasinungalingan. Pamilyang akala ko sa kabila ng lahat ng pambabalewala nila sa akin ay matatawag ko pa ring sariling pamilya ko.

Hindi naman pala.

Simula't simula, puro kasinungalingan ang lahat.

"I am sorry, Cassandra. Masyado ko lang mahal ang Mama mo kaya naman pinayagan ko ang kagustuhan nya. Nagpapasalamat na din ako na nakasama pa rin kita dahil anak naman talaga kita."

"No! Ikaw nagpapasalamat na nakasama mo ako dahil anak mo ako?" kumalas ako ng yakap kay Daryl at galit na hinarap si Leandro. "Kailan mo ba ako itinuring na anak mo ha? Paki paalala nga sa akin at baka nakakalimutan ko. Sa pagkakaalam ko kasi isang buhay na poste lang naman ako sa buhay mo. Alam mong nandon pero kahit kailan hindi mo ako binigyan ng importansya!"

"Marami kang hindi alam sa nangyari, Cassandra." napapailing na sabi ni Leandro. Namumula na din ang mga mata nya tanda ng pinipigilang emosyon. "Nang makuha ka namin, umalis kayo ng Mama mo patungo sa Amerika para doon ka palakihin at para isipin ng mga tao na doon ka nya isinilang. Noon pa pala talaga na ipinagbubuntis kayo, planado na nya ang lahat. Nalaman ko na lang ang lahat ng sabihin nya sa akin ng sumunod ako sa Amerika. Umiwas sya sa mga tao noon para palabasin na nagbubuntis na sya. Hinayaan nya din na lumusog ang pangangatawan nya at nag stay na lang sya sa bahay noon na ipinagtataka ko man dahil hindi sya ganoon, ang sinabi nya ay gusto lang nyang magpahinga sa bahay at maging ganap na house wife sa akin. Pinabayaan ko ang lahat ng gusto nya, Cassandara dahil mahal na mahal ko ang Mama mo."

Ang sakit lang marinig ng lahat ng sinasabi nya ngunit hindi ko magawang umalis dito dahil deep inside, alam kong gusto ko din malaman ang lahat ng pinagsimulan ng kasinungalingang ito.

"Sina... Lola... A-alam ba nila ang lahat ng ito?" Lola? Hah. Hindi ko naman pala sila totoong grand parents dahil magulang sila ng akala ko ay totoong ina ko.

"Wala silang alam, Cassandra dahil 'yun ang kagustuhan ng Mama mo. Ayaw nyang magmukhang katawa-tawa sa paningin ng lahat dahil hindi nya kayang makagawa ng sariling pamilya nya. Masakit para sa kanya na hindi ako mabigyan ng sarili naming anak."

"Tama na, pwede ba. Hindi ko na kaya pa ito. Puro ang asawa mo ang inalala mo, ang kalagayan ko na sinasabi mong anak mo ay hindi mo man lang inisip o inintindi." tumayo na ako at tiningnan ng matiim si Leandro. "Alam mo ba noong bata pa ako, akala ko pinakamasakit ng maramdaman na binabalewala nyo ako, pero hindi pa pala 'yun ang pinaka sa pinakamasakit. Itong nalaman ko ngayon ang pinaka masakit na pwede mong gawin sa akin. Daryl, let's go."

Nilapitan ko si Chanel at hinila patayo para isama rin sa pag alis ko. "Halika na. Hindi nababagay na makilala mo pa ang ama mong walang kwenta." Hinila ko na palayo si Chanel, palayo sa pinakasusuklaman ko.

Pero bago kami tuluyang makalabas ng opisina ko at nag iwan pa ako ng huling kataga para kay Leandro. "Sana hindi nyo na lang ako kinuha sa totoong ina ko. Baka sakali, naranasan ko naman ang mahalin ng totoong magulang ko. Sana hinayaan nyo na lang kami noon. Dahil sa totoo lang, sukang-suka ako na makilalang ikaw ang isa sa taong nagbigay buhay sa amin."

*****

Ouch lang! Sorry kung may kulang. Pangalawang ulit ko na kasi ito dahil yung unang draft ko, nawala. Kaya inulit ko na naman. Peste kasi tong laptop, biglang namatay! Wala namag auto-save dito sa Wattpad! :( Anong tingin nyo sa update na ito? May kulang pa ba? May ibang details pa ba akong nakaligtaan? Hmmm.. Medyo inaantok na kasi ako ngayon, 1:10AM na at umuulan pa kaya tinatawag na ako ng kama ko. Hahaha!

Eto na ang part two okay? Next update ay scene naman ng magkambal! Hahahahaha! Doon natin malalaman kung magkaugali ba sina Cassandra at Chanel Sydney. Maldita din kaya si Chanel? Kakampi nga ba sya o kalaban din ni Cass? We'll find out. Stay tune! LOL!

Spread this story!

--MissWitty <3 Minionssss!

#DespicableMe2 Yay!!

Taming a LionessBasahin ang storyang ito ng LIBRE!