Chapter 9 - What Goes Around Must Come Back Around

125K 1.5K 68

Chapter 9: What Goes Around Must Come Back Around

THURSDAY. After morning assembly.

(Barbs' POV)

"4TH YEAR FORM! 'SA! DALAWA! TATLO! APAT! LIMA! ANIM! PITO! WALO! SIYAM! SAMPU! Handaaaaa... rap!"

This is it. Nasa quadrangle kami ngayon, formation for the CAT Officers announcement. I am so excited! May narinig kasi ako sa officer namin last year na mukhang malaki ang chance ko na maging Batallion Commander ng batch namin. Though I'm not expecting any- Crap it. I am expecting talagaaaaa! Seriously. Sana po Papa Lord ako BatCom! Pero grabe lang, kaming officers lang ang naka-fatigue ngayong Thursday. Yung mga kadete naka uniform lang. Ineeeeeeeeet!

Nakahiwalay kami ng formation sa mga hindi officers. 14 lang kaming nagtraining nung 3rd year kaya medyo okay na sakin to. After all, 61 lang naman ang population ng batch namin e. Kaya ayos na! ;)))

"Aheeem. Officers da-rap! Isahang bilang.. na!" nakakatakot na sigaw ni Rons. Sabi na nga ba, bipolar to e. Pag PE okay okay lang kami, pero pag CAT na usapan, sya na ang male counterpart ni Mrs. de Jesus. Freaky.

Oh. Did I mention na out of 14, 3 lang kaming babae? At mas matangkad pa sakin yung dalawa? So it means ako ang last count so..

Me: Labing-apat huling bilang na po pinuno!

Rons: Mag-ulat!

At since si Tuko ang pinakamatangkad sa mga lalaki..

Tuko: Pinuno may labing-apat na katao po ayon sa napag-alaman.

Rons: Carry on. *sighs* So.. simula ngayong araw na to, opisyal na magsisimula ang ating CAT para sa taong ito. At para simulan, iaannounce ko na ang mga opisyal na mamumuno sa inyo ngayon. Sila ang mga nakakumpleto sa pagsasanay na kanilang pinagdaanan nung isang taon. Mga kadete, tandaang rerespetuhin nyo dapat ang mga opisyal. Sila ang mga otoridad ninyo dito sa paaralang ito. Lalo na kapag Huwebes at pag sila ay naka-duty. Maliwanag?

4th year: Sir yes sir!

Rons: Ngayon, simulan na natin. Ang ating medical officer....

Shet lang please I am so nervous. What if BN S3 lang ako, Training Officer? Hindi naman sa ayaw ko sa training, pero.. BatCom talaga gusto ko!!!

Rons: Para naman sa BN S3, 1st Lt. Chester Sison.

OHMAAAAYGAAAAA MY BESTFRIEND! MY BESTFRIEND!!! MY BESTFRIEND'S THE TRAINING OFFICER! Di naman ako makatodo react dito, baka pagalitan ako. But I heard 9 gasped at the back. Maka-react si teh ;/

Dun ko narealize na apat na slots na lang ang available, ang BN S2 (Intel), BN S1 (Adjutant) , BN Executive Officer at ang BN Commander. Ang di na lang natatawag ay ako, dalawang taga-Soc at

si Tuko.

Leche. Nakakainis! Hanggang CAT ba naman!? Inagaw na nga nya yung Athletics sakin!!! Pusanggala!!!

Rons: BN S2.. Gerald dela Cruz.

Dammit!! Dammit!!!

Rons: BN S1...

If I FallRead this story for FREE!