Forget me Not

2.8K 114 7
                                    

"No! Don't leave!" Bigla akong nagising mula sa mahimbing na pagkatulog. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama. Dali ko na tinuyo ang luha na nangingilid sa aking mga mata.

"Isabella!" Si mommy Evelyn na lumapit sa kinaroroonan ko. Bakas ang mukha ni mommy ang tinding pag-alala. Dumulog siya sa kinaroroonan ko.

"W-Where is he?" Nilibot at ginala ko ang paningin sa paligid. "Where is he?"

"Sinong siya?" Blangko ang titig na pinukol ni mommy Evelyn sa akin.

"Where is he?!" Tarantang bumaba ako mula sa kama. Do'n ko rin napansin ang swero na nakaturok sa likod ng palad ko. I am in the hospital

"Where is he?" Hindi ko ininda ang sakit hinugot ko ang karayom na nakabaon sa ugat ko. Malalaki ang aking hakbang na lumabas ng silid.

"Isabella, saan ka pupunta?!" Si mommy pero tila bingi na iniwan ko siya.

Nakapaa na tinakbo ko ang pasilyo. Ini-isa isa ko na binuksan ang bawat silid. Nagbabakasakali ako na matagpuan ko siya ngunit dapit huli sawi ko rin siyang mahanap.

Hindi sumusuko ay lumapit ako sa front desk. Nagtanong tanong ako ngunit iling lamang ang nakuha ko na sagot mula sa kanila.

Tumakbo ako ng tumakbo. Hinanap ko siya ng hinanap. Paroo't parito sa buong paligid hanggang sa may namataan akong lalaki na nagtitinda ng mga lobo na hugis puso.

"Happy valentines day," saad pa nito nang may bumiling pares.

Valentines? Kinalap ko sa isip ang natira ko na ala-ala patungkol sa kanya.

Malaya ko na ginala ang mga mata sa paligid. Wala akong makitang mga ilaw na kumukutitap. Walang bakas at simoy ng pasko.

Nangahas ako na lumapit sa nagtitinda ng lobo. "M-Manong, anong araw po ngayon?"

"Ika -14 ng Pebrero, ineng."

"A-anong taon po?"

"Dalawang libo at dalawang pu't tatlo-"

"2023?"

"Oo, ineng!"

Am I dreaming? Sa naalala ko Disyembre pa ngayon. This is odd... very odd.

Kuyom ang palad ay tumakbo ako. Suot ang hospital gown ay pumara ako ng taxi. Walang pang minuto ay narating ko ang aking apartment.

Lutang ay hindi ko pinansin ang taxi drayber na nagrereklamo na wala akong pamasahe. Nagtuloy-tuloy ako sa bahay na inuukupa niya.

Walang pahintulot na pumasok ako. Tinulak ko ang pinto. Bumungad sa akin ang matandang may-ari ng bahay na si Manong Herman.

Isang gulat ang bumakas sa mukha ng matanda. "Doc, Isabella?"

"Nasaan siya?" tanong ko na ginala ang mata sa buong sala.

The place was a bit different. May mga sofa at maliit na mesa. May tv at walang bakas ng mga iba't ibang equipment sa pagsasanay.

Where did those things go? Am I dreaming? Nanaginip lang ba talaga ako?

"Doc, Isabella?" Pinaglakbay ni manong Herman ang mata sa akin.

"Manong, n-nandiyan po ba siya?"

Nagsalubong ang kilay ng matanda. "Sinong siya?" Nagugulohan siya.

Kinalap ko sa isip. Hinanap ko ang pangalan niya sa diwa ko.

"Sinong siya, Doc Isabella?"

"S-siya, di ba m-may... may lalaki po... may lalaki po dito na nakatira di ba?" Nangingilid ang luha ko.

Got Hitched By MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon