Sunod naman ng sunod si Brandon sakin.

"Okay, that's good. Sana nga lang wala talaga. Kita kasi sa mukha mong may problema ka."

Napatingin ako sa kanya.

Ngumisi siya, "See? Kahit na hindi mo naman talaga ako nakakasama, kilala na kita agad. Pag araw-araw siguro tayong magkasama, mas lalo kitang maiintindihan." Kinindatan niya ako.

"Wala akong problema. You're just weird." Sabi ko.

Tumawa siya, "Bakit naman? Dahil ba nandito parin ako kahit na pinagtabuyan mo na ako?"

Ngumuso ako at nagkibit-balikat.

Dahil determinado siyang makuha ang atensyon ko.

"9PM tayo aalis, guys! 6PM ang ramp kaya around 7PM, dinner tayo saka night swimming. Okay?" Sigaw ni Kira samin. "Diretso na sa backstage. Naghihintay na ang make up artists tsaka yung mga gowns."

Napansin kong maraming bigating mga tao ang nakaaligid dito sa Sortee. Siguro dahil sa launching ni Ms. Bubbles. Ibang klase talaga ang hatak niya sa mga mayayaman. Siyempre, international designer kaya hindi na nakakapagtataka.

"Uy, Rosie, magsu-swimming ka?" Tanong ng isang model sakin. "Sumama ka nga samin. Masyado kang tahimik, eh. Ako nga pala si Jamie."

Ngumiti ako, "Uhmmm... Sure... Hindi nga lang siguro ako mag su-swimming. Wala ako sa mood mag swimming."

Siguro dapat akong makihalubilo nang di ko gaanong maisip si Jacob.

"O sige, mamaya ah?" Ngumisi siya at naglakad papuntang backstage.

Sumunod din naman ako. Habang naglalakad kami papuntang backstage nakita kong nilapitan ni Brandon ang mga kasama ni Jamie.

Nag-usap sila. Sumulyap yung ibang kasama ni Jamie sakin at bahagya silang tumango sa isa't-isa. Si Brandon naman ang sumulyap sakin ngayon at ngumiti.

"Ano na naman ba?" Bulong ko sa sarili ko.

Nilapitan ako ni Brandon nang nakangisi parin.

"Ayan, makipagkaibigan ka. Mas lalo kang malulungkot kung mag isa ka lang." Ngumisi siya. "Tsaka papangit ka pa... kahit lagi ka namang maganda."

Sinimangutan ko ulit siya.

Mas lalong lumaki ang ngisi niya, "Kahit nakasimangot, ganda parin."

Ngumuso ako para pigilan ang pagngiti ko. Umiling din ako para maiwasan ang pagngiti ko sa kanya.

"Let it go, Rosie... Aminin mo... Natutuwa ka sakin." Tumawa siya.

Mas lalo na lang akong umiling. Ibang klase din talaga itong si Brandon. Masyadong determinadong makipagkaibigan. Well, kung makikipagkaibigan lang naman siya, wala naman sigurong kaso sakin iyon.

Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon