Caela.

Mabilis na lumipas ang araw. Hindi ko namalayang tatlong araw na pala. Tatlong araw na ang nakakalipas, simula nang mangyari ang kaguluhan sa Mystique Circle. At hanggang ngayon sariwa pa rin sa isipan ko ang mga naganap noong araw na kinalaban namin ang dalawang dragon na iyon.

Tatlong araw na ding tahimik ang grupo, noong magising ako ng araw din na 'yun ay bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala, pero hindi na sila nagtanong pa tungkol sa nangyari.

Kung sa bagay, maganda na nga rin iyon. Dahil kahit ako sa sarili ko, hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag sa kanila. Siguradong mahihirapan akong sagutin lahat ng mga katanungan nila.

Mabuti na lang talaga at medyo busy sila nitong mga nakaraang araw kaya hindi kami masyadong nagkakasama. Kung pwede lang talaga sanang sabihin na sa kanila ang lahat, ginawa ko na!

Hindi ko alam kung nakakailang buntong-hininga na ako ngayong araw. Ano ba 'yan?

"Oy ateng, ang lalim ng mga buntong-hininga mo ah? Hindi ko malangoy." Sabi ni Michie na ikinagulat ko. Mag-isa lang ako kanina dito sa loob ng classroom tapos bigla bigla siyang susulpot.

Sino ba naman ang hindi magugulat doon?

Siguro sa lalim nga ng iniisip ko, hindi ko na namalayang nandito na din pala sa loob ng classroom ang barkada. Nauna kasi akong pumasok sa kanila, natutulog pa 'yung dalawa ng umalis ako sa dorm.

"Nakakagulat ka naman, Mich."

"Sorry naman po. Kanina ka pa kasi namin tinatawag, hindi mo kami pinapansin." Sagot ni Mich at umupo na sa upuan sa tabi ko. Napakamot naman ako sa ulo dahil sa tinuran niya.

"Good morning, ganda." Lumapit sa akin si Peter at yumakap. Bineso niya rin ako.

Daily routine na niya 'to. Hindi lang siya pati na 'yung mga babaeng Superiors. Ang sweet nga nila and I am really lucky that I've met them.

"Mukhang ang laki ng eyebags mo ngayon, pretty Caela. Di ka ba nakakatulog?" Tanong ni Zoey sa akin.

"Huh? Hehe." Tanging naisagot ko, di ko naman alam kung ano sasabihin ko.

"Oo nga pala, mamaya punta kayo sa Superiors room ah? Movie marathon tayo. Hihi." nangingiting ani ni Beatrice.

"Yeah! Namiss namin kayo, girls. Sobrang busy kasi namin these past few days e." nakapout na dagdag ni Audrey.

"Yuck! Ang pangit mong magpout, pandak." nagsimula na namang asarin n i Ian si Audrey. Hindi na talaga ako magtataka kung sila din ang magkakatuluyan bandang huli.

"Tse! Ikaw ang pangit. Bakulaw!"

Napapailing na natatawa na lang kami sa kanila. Wala kasing araw na hindi sila nag-aasaran. Akala ko magulo na sila Mich at Sophia, mas magulo pala silang dalawa.

Napatigil naman ako sa pagtawa nang maramdaman kong may nakatitig sa akin. At hindi nga ako nagkamali, nakita kong nakatingin sa gawi ko si Dashiell. Ugh! Anong problema niya? Bakit ganoon siya kung makatingin? Akala mo naman may ginawa akong masama. Pero hindi nabawasan ng mga tingin niyang nakakatunaw ang mga nag-uunahang daga dito sa dibdib ko.

Napaiwas na lang ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipagsabayan ng titig sa kaniya. Pasimple kong hinawakan ang dibdib ko. Bwisit to! Ayaw kumalma! Ang sama na nga ng tingin sa akin nakukuha pang kumabog ng ganoon kalakas!

"Tumigil na nga kayo diyan. Para laging mga bata." Saway ni Peter.

Isa-isa nang nagsipasukan ang mga kaklase namin. Ilang araw na ang lumipas, simula ng malaman naming kaklase namin ang Superiors pero wala pa ring pinagbabago ang mga reaksyon ng mga kaklase namin sa tuwing makikita nila 'yung labindalawang ulo. Palaging kinikilig na ewan. HAHA!

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!