Chapter 28: Clue Hunt

Cross' POV

"WHAT THE FUCK?! WHERE'S THE BOOK?!" I shouted. I came here to read the whole book because today is my free time but what the hell is this?! The book is missing!

"Imposibleng mawala na lang basta dyan 'yun Cross. Sino ang pwedeng kumuha?" sabi ni Ivan. Walang ibang tao dito sa bahay ko, hindi rin ako kumukuha ng maid o kaya butler. Hindi pwedeng may ibang makakakuha ng libro. Napakaraming laman na impormasyon doon...

"This is bullshit!" I kicked the table in anger. Who's that freaking bastard that stole the book?

"Hayaan na natin ang libro Cross. Sigurado akong nasa mabuti 'yung kamay"

Napatahimik ako sa sinabi niya. Ayokong magduda. Ayoko siyang paghinalaan. Pero siya lang ang kaisa-isang tao na nakakaalam sa libro. Tss. Hindi naman niya siguro magagawa sakin 'to. Matagal ko ng kaibigan si Ivan at hindi niya ako matatraydor. Para saan? Alam din naman niyang magdadala ng gulo ang libro dahil halos lahat ng impormasyon tungkol sa mga bampira ay nandoon na...

"No. I can't stay here knowing that the book is gone. I should find it. Pinaghirapan iyon ni Dad at hindi ako papayag na mapunta lang 'yun sa iba..."

"Saan natin 'yun hahanapin?"

"Ako na ang bahalang maghanap sa libro"

"Pero----"

Umiling ako... "I said I can do it by myself"

Tumango na lamang siya... "Sige. Mauna na ako. Ikaw na ang bahala, sana ay mahanap mo pa ang libro" pinanood ko lang siyang umalis at agad naman akong pumunta sa kwarto ko. May CCTV ang bawat sulok ng bahay ko kaya maaaring makita doon kung sino ang kumuha...

Agad akong humarap sa monitor at tiningnan ang mga video simula kaninang umaga...

Tiningnan ko nung mga bandang tanghali...

"Bingo" pinanood ko ang lalakeng nakasumbrerong itim at may mask. Walang pag-aalinlangang kinuha niya ang libro. I examined his face. I'm pretty sure that thing is a guy. And his arm caught my attention. May tattoo siya at ng i-zoom ko ay tattoo na rosas...

Pamilyar ang tattoo na 'yun pero hindi ko maisip kung saan ko nga ba nakita...

This is fucking frustrating. Who the hell stole the book?

***

Kisha's POV

Normal naman ang kalagayan ng District ngayon. Or so I thought. Ilang buwan na din ang nakaraan simula nung kumalat yung chemical sa katawan ng tao at naging mga Insanes. Wala namang masamang nangyayari ngayon pero kinaumagahan nung nagdate kami ni Van, may nabalitaan kaming hindi maganda...

"Anong nangyari?"

"Van, may balitang dumating galing sa iba't-ibang panig ng mundo tungkol sa mga kalahi natin" - Farrah

Agad kaming umupo katapat nila. Pakiramdam ko ay isa iyong hindi magandang balita...

 "Bawat angkan ay may namamatay at base sa kanilang obserbasyon ay kinukuhanan daw ito ng dugo" - Zick

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!