Baeby. (Chicklit story)

36 3 7
                                        

Dave's POV

Baeby, hoping you can read this.. Know this. I love you so much.. Sorry for everything.. You'll always be in my heart.. I regret that I lose you, Jeyne..

~~

Hi. I'm Dave Suarez. I met this girl named Jeyne (Jane) Zamora. Nung una talagang kita ko sa kanya, nagustuhan ko na sya. Mukha syang mabait. Ang ganda pa. Kaya binalak kong kuhain ang number nya. Sabi pa nya, "kilala ba kita?" Kaya na-challenge ako, dahil masungit pala sya. Kaya ayun, tuloy pa rin ako sa paghingi ng number nya. Kaya napasabi sya ng, "oo na sige na, eto oh.." Sabay bigay ng number nya. Ako naman na tuwang tuwa, aba syempre.

Many days and nights na magkatext kami. Lagi kong tinatanong kung kumain na ba sya. Ingat sya. Nung una sinusungitan pa nya ko pero nung katagalan na, naging close na kami. Nagsheshare na sya ng mga gusto nyang sabihin. Kaya sabi ko ito na siguro yung right time.. Ang sabi ko sa kanya, "pwede ba tayo magkita bukas pagkauwi mo?" At ang sabi nya, "sige. : )"

Kaya pinaghandaan ko yun, kasi first time kaming magkakasama.. Dumating ang araw na yun, nagkausap kami, nagtawanan, nagkainan.. At sinabi ko, "pwede ba kitang ligawan?" Napatingin sya sa akin, marahil nagulat sya. Pero sabi nya, "bakit ako? Marami namang iba? Don't get me wrong, nagulat ako." Kaya natawa ako ng kaunti. At sabi ko, "kasi ikaw ang nagustuhan ko at hindi sila." Kaya sabi nya, "sige. Pumapayag ako." Dahil sa tuwa ko. Napayakap ako sa kanya at sabi nya, "uy, nanliligaw ka pa lang." Sabi ko "sorry" with peace.

Nagdaan ang araw, linggo, at buwan.. tuloy pa rin ako sa panunuyo sa kanya. Minsan sweet kami, minsan may di pagkakaintindihan. Parang kami pero walang kami. Napag-usapan na ata namin lahat maliban lang sa kung ano ang gusto nya sa lalaki, kasi gusto ko malaman yun mismo sa kanya. Pati kung anong klase syang babae. Pero ito ako, nagpakamisteryoso sa kanya. Hindi ko sinabi lahat sa kanya kung ano ako.

Three months passed.. Wala pa rin progreso o pagbabago. Alam kong nakaramdam na sya sa panlalamig ko. At nagtext sya bigla..

"Baeby, sorry kung uminom ako, alam kong ayaw mo na umiinom ako, wala lang, nagyaya kasi sila sa bahay. Bakit ang cold mo? Sana mahintay mo pa ako. Alam kong 3-4 months ka nang nanliligaw. Unti na lang Dave : ) mahintay mo sana.. iLoveyou baeby :*"

Masakit para sa akin na bitawan sya pero kailangan. Kailangan masabi ko sa kanya. Kaya isang araw tinext ko sya..

"Pwede bang maging magkaibigan na lang tayo? : ) at least dun tatagal tayo. Salamat sa lahat. Sa lahat-lahat pati na rin sa pagiging part ng buhay ko. May mga bagay ka kasi na hindi alam tungkol sa akin. Kaya ako na lang ang lalayo.."

Pagkatext ko nun sa kanya alam ko na kagigising nya lang nun. Alam kong iiyak sya, at masakit kasi ako ang nagpaluha at nagbigay sakit sa puso nya..

At sabi nya, "bakit? May bago na ba? : )" sabi ko lang, "walang bago. Sinabi ko na. Kaya hindi mo na dapat itanong." Simula nun. Kailangan ko na syang iwasan, alam kong masasaktan sya. Pero ang tanga ko kasi nagpakilala pa ko sa kanya.

"Ang sakit naman Dave, kung kailan magpaPasko. Ang galing. :' )"

Tanging text nya sa akin. Kumirot ang puso ko. Lagi ko na syang sinasabihan ng masasakit, puro pagdadahilan. Para lang masaktan ko sya? Para lang umiwas sya..

Nagdaan na ang ilang linggo, hindi na rin sya nagparamdam, alam ko kasing masakit yun. Pero bigla syang nagtext.. "pwede ba tayong magkita ngayon? Please.." sabi ko, "para saan pa?" Sabi nya lang, "basta."

At nun nga ay sinabi nya kung saang lugar at anong oras. Nanatili akong malamig para lang alam nyang iniiwasan ko sya..

Nakita ko sya sa may duyan, naghihintay.. tinawag ko sya.. "Jeyne..", "oh, andito ka na pala.." nakita kong nangingilid ang luha nya, at ibang iba sa nakilala kong Jeyne. Maputla sya at mukhang mahina.. Pero di ko pinansin dahil ayaw ko na syang umasa. "Tara upo ka rito.." ang sabi nya. "Para saan ba ito?" Pag-uumpisa ko.. "alam mo ba, ikaw lang ang bukod tanging lalaki na akala ko ikaw na. Akala ko nga. Hay." Naluluha na sya, pero pinalitan nya ng tawa at pinahid ang luha.. "idederetso ko na, sabi ng doktor ko, baka bukas o makalawa di na raw ako dumilat.." sinabi nya yun ng nakatungo. Nagulat ako sa sinabi nya, pero di ako nagsalita.. kaya nagpatuloy sya.. "kaya gusto ko magpakita sa'yo, para ikaw ang huli kong makikita kung sakaling di na nga ko dumilat.." natawa sya ng kaunti sabay pagtulo ng luha nya.. ako naman ay naninikip na ang dibdib dahil sa sakit. "May sakit ako sa puso Dave.. namana ko sa tatay ko." Tumingin sya sa akin. "Salamat kasi nakilala kita, naging parte ka ng buhay ko. Sana di mo ko makalimutan.." sabay abot nya ng picture na magkasama kami at lumisan sya..

Sa likod ng picture sabi, "to the man I loved the most.. You are my love, my body and soul. I'll surely treasure are moments. I love you, baeby. I love you Dave.."

Love,
Jeyne Zamora

Sabay ng pagpatak ng luha ko..

Iyon ang huli naming pagkikita..

Jeyne, baeby.. kung nasaan ka man. I will never ever forget you. I love you and I miss you so much. Sorry, sorry..

END.

~~

Huhuhu. T^T sige, magalit na kayo sa akin. T^T while typing this my heart broke into pieces. HAHA. (Walang halong biro. -_-)

Hope you read this guys. Thank you. God bless.

-Anjee

#Baeby. (12-27-15)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 23, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BaebyWhere stories live. Discover now