"Dude, halika," aya niya sa bartender na agad namang lumapit sa kanya. He slid the ID towards the man.

"This is my identication card. If something bad happened to this girl, just point me," he said and the man nodded and took the ID from the counter top.

Inubos niya ang alak na nasa baso niya saka hinarap ang babae na nakaarko naman ang kilay habang nakatingin sa kanya.

"You want to sleep with me?" napamaang siya sa tanong ng babae pero agad ding nakabawi sa sandaling pagkawala sa huwisyo.

So, she was just playing hard to get. At ngayon mukhang alam na nito ang gusto niya kaya ito mismo ang nagtanong.

"Papayag ka?" tanong niya. Pinaikot ng babae ang upuan nito at iniharap sa kanya. The girl studied him for a while before got off the stool. Lumapit pa ito sa kanya nang husto.

"Matthew Del Prado. Gwapo ka. Pwede." Pamaangkit siya nitong pinagmasdan.

"Kaya mo akong dalhin sa seventh heaven?" ngumiti siya at hinapit ang baywang ng dalaga at kinabig niya ito palapit sa kanya. Napasinghap ang babae sa ginawa niya. Kapansin-pansin ang biglang pagka-tense nito. Maybe she didn't expect that he was aggressive.

"Try me," he challenged her. Marahan siya nitong itinulak at kumawala mula sa pagkakahapit niya.

"Okay. Game." Lumapad ang pagkakangiti niya sa mabilis na pagtugon ng dalaga. That was easy. Wala siyang hindi nakukuha. Kahit ano, kahit sino ay kayang-kaya niyang makuha without any effort.

"Let's go, Preyh." Naguluhan siya bigla sa biglang pag-alis nito kaya agad niyang hinawakan ito sa braso.

"Akala okay na?" naguguluhan niyang tanong.

"Pumapayag nga ako." Binawi nito ang braso mula pagkakahawak niya.

"Ligawan mo muna ako," dagdag nito.

"What?! Hindi ako nanliligaw."

"Puwes, 'wag ako, Mr. Del Prado. Pinaghihirapan ang lahat ng bagay ah. Hindi ka naman lugi sa 'kin no? Magbibigay ka lang naman ng flowers, chocolates, stuff toys, jewelries with diamond and car and I'm yours. Madali lang diba?" Wow! Mukhang high class prostitute ang natipuhan niya pero bakit hindi man lang siya na-turn-off. Tinalikuran siya ng babae pero mabilis niya uling nahawakan ang babae sa braso.

"Anong pangalan mo? Saan kita pwedeng makita? Ma-kontak?" sandali siyang tinitigan ng babae na parang nanantiya.

"Why?" nakakunot noong tanong nito.

"Liligawan kita. Ano ba miss? Ang gulo mong kausap ah!" Napaawang ang labi ng dalaga na parang ito pa ang naguguluhan.

"Regina McAllister." Pagkasabi nito ay tuloy-tuloy ng umalis. Bigla na lang tumawa nang tumawa si Mark nang umalis ang dalawang babae. Fuck! Liligawan ko! Dammit! Ano bang pinagsasabi niya. Siya si Matthew Del Prado. At siya ang nililigawan ng mga babae at hindi siya ang nanliligaw. Ano ba naman ang pumasok sa kukute niya at nasabi niya 'yon.

KUNOT noong nakatingin si Matthew kay Reghie habang tawa ito nang tawa.

"God! Seryoso ka talaga? I was just kidding you know." Tawang-tawa pa rin ito. Pinagtitinginan na nga sila ng ibang tao sa loob ng resturant.

"These are beautiful, and I love it, but I can't accept this. Binibiro lang naman kita eh." anito habang nakatingin sa isang set ng alahas na pawang diyamante ang palamuti. Sa ibang bansa pa niya ito in-order at sinigurado niyang ito ang pinakamagandang alahas sa bagong koleksiyon. Pero isang malakas na tawa lang ang makukuha sa dalaga.

Isang linggo na rin silang lumalabas ni Reghie. Natagpuan na lang niya ang sarili kinubukas pagkatapos niya itong makilala sa bar na nasa labas na siya ng eskwelahan nito at nag-aantay sa dalaga. Inalam niya ang background nito kinabukasan din. BS Management ang kurso nito at bente anyos pa lang at galing sa isang promenenteng pamilya. May dala siyang bulaklak, tsokolate at isang white stuff toy. Gusto nga niyang batukan ang sarili kung bakit ba niya ginagawa ang mga ganitong bagay sa isang prostitute pa. Okay. High class and rich prostitute. At ngayon ay isang mamahaling mga alahas ang binigay niya at pagkatapos ay sasabihin nitong nagbibiro lang ito.

My Bastard Ex  (Published Under LIB BARE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon