Chapter 36 (August 18, 2011)

1M 11.8K 2K
                                    

DATE POSTED: August 18, 2011


Chapter 36

Nakabalik na sila Kent at Phoebe ng bahay pero hindi pa din nagsasalita si Kent.

"HOY Kent ano ba!! Sino ba kasi yun?!! Ano bang problema. May pasok pa--" Sigaw ni Phoebe. Di man lang siya kasi siya pinagbuksan ng pinto ng sasakyan ni Kent. Nauna na itong pumasok ng bahay. Nagmamadali.

"TEKA LANG KASI!!!" sigaw ni Kent kay Phoebe bago pumasok sa loob ng bahay.

ABA!! Sinigawan ako! Ang sungit na naman niya!!! Tae siya!!! Naisip ni Phoebe.

Susunod na sana siya kay Kent sa loob ng bahay ng magring ang cellphone niya.

Si Harley, tumatawag.

Bakit naman kaya... Naintriga na rin ba ulit siya dahil sa pagsagip niya sa akin sa mga press kahapon?Anu ba yan ako na naman kasi ang may kasalanan eh. Tsk

Sinagot niya ang cellphone.

"Harley?" di muna pumasok sa loob ng bahay si Phoebe. Nasa labas lang siya habang sinagot niya ang tawag

"Isabelle?" medyo malungkot ang boses nito.

"Huh? Bakit? Okay ka lang?"

"M-mahal mo na ba talaga si Kent?"

Huh? Anong tanong to? Waah. Akala ko naman kung ano... pero... nakakahiya naman sagutin yung tanong niya...

"Harley ano bang pinagsa—"

"Mahal kita Isabelle..."

Naguluhan si Phoebe.  Alam niyang gusto siya ni Harley. Halos gusto na nga niyang sumama dito dati, kapag nahihirapan siya kay Kent. Pero hindi niya ineexpect na madali nitong masasabi ang salitang pagmamahal.

"What are you--"

"I like you since... since the first time we've met. Everday...  I always wonder kung makakasama ulit kita sa elevator na yun kung saan mahimbing ka lang natutulog. Nagsasalita ka pa nga eh..."

"Harley—"

"I always wanted to see your interesting expressions... the way the sides of your lips curl upwards makes me uneasy and happy... Pag masaya ka feeling ko ang gaan gaan. Pero... It hurts me when your hurt. Kaya nga gusto kitang agawin kay Kent eh..."

"Harley please..."

"I can't believe I care for you so much that I'm suffering now na naiipit ka sa gulo ng showbiz dahil sa gabing yun na kasama mo ako. How stupid I am na hindi ko alam na may paparazzi palang nakasunod sa akin."

"Harley..." di alam ni Phoebe ang sasabihin. She felt the pain in Harley's words na naluluha siya sa kalungkutan ng boses ni Harley. "It's all my fault. It's me who kissed you. Don't blame yourself."

"Why did you.... kissed me? Is it that you have the same feelings for me? Or you just wanted to soothe your own?"

Naguilty lalo si Phoebe.  Kahit hanggang doon lang ang natatandaan niya ng gabing yun, alam niyang she just wanted to get even with Kent sa paghalik nito ng maraming beses kay Elisa. At si Harley lang ang nakita niya noong karamay. Isang katangahan ang naisip niya naa si Harley ang solusyon sa kalungkutan niya ng gabing yun.

"Harley naman..." she just can't find the right words to say. Hindi niya alam na nasasaktan din siya sa mga sinasabi nito.

"Just answer me... How much do love Kent?"

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon