CHAPTER 27

1.6M 33.5K 5.2K
                                    

CHAPTER 27

Hindi alam ni Valerian kung bakit natagpuan na naman niya ang sariling nakaparada hindi kalayuan sa clinic ni Grace. He kept on telling himself that he was mad at her, pero pabalik-balik din naman siya roon. After the hot kiss they shared last night, everything in him burned to have her and owned her again.

Fuck!

That fucking kiss made him so crazy last night. Hindi niya 'yon makalimutan. Dapat makalimutan na niya si Grace, nakuha na niya ang paliwanag na hinahangad mula nang umalis ito nang walang paalam. Pero bakit parang nakatatak pa rin sa isip niya si Grace?

Why?!

Natigilan siya sa pag-iisip nang may lumabas na babae mula sa clinic at kasabay ng paglabas nito ay ang pagpuslit ng aso ni Grace na kapangalan niya palabas.

Shit!

Mabilis siyang lumabas ng sasakyan nang makitang tatawid sa kalsada ang aso. Fuck shit! That fucking dog will die! Tumakbo siya palapit sa aso, saka mabilis na kinarga ito.

"You, fucker, will fucking die—fuck!" Mabilis niyang nilagyan ng distansiya ang katawan niya at ng aso. He glared at the brainless animal. "Fuck you! Don't fucking lick me!"

Inilabas lang ng walanghiya ang dila, saka huminga nang mabilis. Napailing-iling si Valerian. Dapat na itong ibalik sa may-ari.

Akmang hahakbang siya patungo sa clinic ni Grace nang tumunog ang cell phone niya. Gamit ang isang kamay, sinagot niya 'yon.

"Yes?" sabi niya.

"This is Lester, Boss. May emergency meeting po. May isa tayong eroplano na nadisgrasya sa Baguio," mabilis nitong sabi na parang nagpa-panic.

Fuck! "I'll be there!"

Malalaki ang hakbang na bumalik si Valerian sa kotse, pinaupo ang aso sa passenger seat, saka pinaharurot ang sasakyan niya patungo sa AirJem Airlines.

Fuck! Fuck! Sana walang nasaktan o namatay. Fuck!

Nang makarating sa AirJem Airlines, karga-karga niya ang pesteng aso habang naglalakad papasok. Pinagtitinginan siya ng mga empleyado niya pero wala siyang pakialam. Deretso siyang sumakay sa elevator at nagpahatid sa top floor kung nasaan ang opisina niya.

"Boss, kanina ka pa hinihintay ng board," salubong sa kanya ni Lester nang makalabas siya ng elevator.

Valerian gave the dog to him. "Alagaan mo nang mabuti. Kapag may nangyaring masama sa kanya, sesante ka," pananakot niya.

"Yes, Boss."

"Good."

Malalaki ang hakbang ni Valerian patungo sa conference room. Malaking problema na naman 'to sigurado. Kapag may nangyaring masama sa mga pasahero ng eroplano, marami na namang makikialam, lalo na ang gobyerno.

Mga walanghiya! Mga epal naman silang lahat.

Valerian kicked the conference room door open and stepped in. Agad siyang umupo sa swivel chair niya, saka tumingin sa mga miyembro ng board.

"Kasalanan ko na naman?" she asked in a bored tone.

Huminga nang malalim si Mr. Gonzallo na para bang nagtitimpi ito. "No, but we want you to troubleshoot this problem—"

"Palagi naman, 'di ba? What's the fucking use of this meeting para sabihin sa 'kin 'yon?" Mahina siyang tumawa nang walang buhay. "I know my fucking responsibilities and obligations, fuckers. You don't need to tell me every time a problem arises." Tumayo siya, saka matalim ang mga matang tiningnan isa-isa ang naroon sa conference room. "'Yon lang ba? Kasi may gagawin pa akong importante kaysa ang makipag-usap sa inyo."

POSSESSIVE 11: Valerian VolkzkiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon