Caela.

BAAAMM!

Isang malakas na pagsabog ang gumulat sa aming lahat. Nagmamadali naman kaming nagtungo sa pinanggagalingan nito . Abot-abot na ang kabang nararamdaman ko sa oras na ito.

Patungo kami sa gubat na nasa dulong parte ng Mystique circle, dito namin naramdaman ang malakas na aura na nanggugulo ngayon. Nakasalubong pa namin ang mga nagtatakbuhang batang mages kasama ang mga magulang nila. Mas binilisan namin ang pagtakbo, baka wala na kaming maabutan doon kundi sira at magulong paligid.

Nahigit ko ang aking hininga nang tumambad sa harapan namin ang hindi pangkaraniwang itsura ng nilalang na may dulot ng gulong ito. Narinig ko rin ang mahihinang pagsinghap ng mga babae. Dalawang malalaking double-headed dragon ang bumungad sa aming lahat.

Nakaramdam agad ako ng kaba, ngayon lang ako nakakita ng ganitong uri ng creature. And swear, nakakatakot ang mga ito. Tig-dalawa ang ulo nila at tig-iisa lamang ang mata ng bawat ulo. Sa sobrang laki nito, kayang-kaya kaming tapakan o ihagis ng walang kahirap-hirap.

Mas nakakatakot pa ito sa mga dragons ko, though mas malaki ang mga dragons ko kaysa dito pero at least harmless naman ang mga iyon. Tsaka cute ang mga dragons ko! Hindi tulad ng kaharap namin ngayon.

"Shit." Narinig kong mura ni Peter. 

"W..hat was that?" nanginginig ang mga kamay na nakahawak sa akin si Sophia.

Nagbuga ng apoy 'yung isang dragon at lightning naman doon sa isa. Buti na lang at nakaiwas agad kami sa ginawang pag-atake ng dalawang dragon. Wala man lang babala, bigla na lang sumugod.

Mukhang mahihirapan kami nito. Pero ang ipinagtataka ko, paanong may ganitong creatures na nakapasok sa Mystique world? Akala ko ba well-protected ang mundong ito at imposibleng mapasok ito ng mga kalaban?

At ang isa ko pang tanong ay paano ko lalabanan ang mga dragon na ito kung hindi nila pwedeng malaman kung ano ang kapangyarihan ko? Bahala na nga!

*****

Isa-isang nagpalabas ng mga espada ang Superiors gamit ang kanilang mga elemento. Nagpalabas din sila ng kani-kanilang pakpak ayon sa kapangyarihan taglay nila. Ganoon din sila Michie na nagtransform bilang isang malaking agila at nagsummon naman si Sophia ng isang malaking golem atsaka sumakay doon.

Sunod-sunod nilang sinugod ang dalawang dragon. Samantalang si Caela naman ay nagdadalawang-isip kung magpapalabas ba ng kapangyarihan o hindi.

"Hindi siya tinatablahan ng mga espada. Aaargh!" Naiinis na sabi ni Victoria habang lumilipad-lipad palayo sa dragon.

"This is so frustrating!" ani naman ni Beatrice.

Nasusugatan nila ang mga dragon pero bumabalik sa dati ang katawan nito na parang walang nangyari.

Nag-summon si Harper ng bow and arrow at pinatamaan ang mata ng isang ulo ng dragon. Nagwala na naman ito at nagbuga ng malalakas na apoy. Mas mainit sa naunang apoy kanina.

Nagpalabas naman ng water tornado si Jackson at ice tornado ang magkapatid na Farrell - Kent at Beatrice. Isang malakas na pagsabog ang naganap na nagresulta sa lalong pagwawala ng dalawang dragon.

Gumawa ng isang malaking double black fireball si Dashiell at inatake ang isang dragon. Narinig nila ang malakas na pag-ungol nito, tanda na nasaktan ito. Makikita mo sa mga seryosong mukha nila ang pagod.

Isa-isang nagpalabas ang Superiors ng energy  balls ayon sa kapangyarihan nila at sabay-sabay na inatake ang dalawang dragon. Ngunit mas lalo itong naging agresibo. Hinampas ng buntot nito si Zoey na nagdulot ng pagtilapon ng huli sa kabilang banda. Agad namang nilapitan ito ni Caela.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!