IAR [50.5] - A Blessing or A Lesson

64K 1.6K 291
                                    

Copyright © chiXnita

ILANG MINUTO na rin kaming nakaupo sa tapat ng mesa na tubig para sa'kin at iced tea sa kanya lang ang tanging nakalagay rito sa isang mumurahing restaurant. Dito niya gustong mag-usap. Dahil kanina pa ako wala sa sarili, hindi ko man lang natingnan kung ano'ng pangalan. Kung Pinoy ba ang may-ari, Chinese o Japanese.

May mga tao pero ang konti. Tahimik. Hindi rin siya nagsasalita. Nakatitig lang siya sa'kin.

Hindi ko ginagalaw ang tubig. Nakalagay sa ilalim ang nakasalikop kong mga palad na nanginginig at nagpapawis. Hindi ko maalis ang titig sa bata na nakaupo sa kandungan niya. Kumukurap ang itim at bilugan nitong mga mata. Chubby ang namumulang pisngi at medyo kulot ang buhok.

Sumikip ang aking dibdib. Napatitig ako sa iced tea. Ayokong mag-isip. Pero paano nga? Paano kung anak siya ni Grant? Alam ko kapag nalaman niya ang bagay na ito'y hindi siya magdadalawang-isip na kunin ang bata. Atat na atat na pa naman siyang magkaroon ng anak.

Pero alam ko ring hinding-hindi niya ako iiwan. At doon ako natatakot. Hindi sa desisyon niya na sigurado ako, kung hindi sa magiging desisyon ko. Kaya kong tanggapin ang bata. Ngunit ang makita siyang may kasamang iba habang may relasyon kami'y hindi ko kaya.

Ngayon ko lang napagtanto na ang laki nang ipinagbago ko. Oo, kaya kong maging mistress pero kapag naiisip ko na may batang maiipit sa sitwasyon ay napapaurong ako. Hindi ko kakayanin.

Ayokong maging dahilan ng pagkawasak ng isang pamilya. Mahal na mahal ko si Grant. Ayoko siyang saktan. Pero nakakapagod nang masaktan. God, hindi ko na alam.

"Kumusta na kayo ni Grant?" Napaanggat ako ng tingin. Hindi ko alam kung ano'ng pangalan niya at wala akong lakas ng loob para magtanong. Inaalo niya ang bata kasi napapahikbi.

Ngayon, nagsisisi na ako kung bakit ako umiinom ng pills.

"W-We're getting married!" Itinaas ko ang kanang palad. Tumikhim ako dahil sa panginginig ng boses. Ibinaba ko rin ang kamay kasi pati ito'y nangangatog.

Tumaas ang kilay niya. "Hindi pa rin kayo naikakasal? Akala ko ba ikakasal na kayo rati pa?" Ako naman ang napataas ng kilay. Ang dami niya yatang alam! "Kumusta na si Grant—"

"Excuse me, could you please get to the point already!? Why do you want to talk to me?" napataas ang boses ko kaya napatingin sa'min ang iilang tao. Napabuga ako ng hangin at tumigil saglit. Umiyak ang bata dahil nagulat. Hinalungkat niya ang kanyang bag at kinuha ang container na may lamang gatas at ipinainom dito. "I... I'm sorry, I startled him."

"Hindi sinabi sa'yo ni Grant?" maang na tanong niya. Bahagyang nakabuka ang kanyang bibig.

"T-That he has a child from you?" Nabasag ang boses ko. Damn! Ang sakit... tang—ahhh! "Of course, he doesn't know—"

"Anak ng kabayo, Miss! Hindi kami nagsëx..." Hininaan niya ang boses sa huling salita. Nalaglag ang aking panga.

Napasapo siya sa noo at minasahe ito. Hindi ako nakaimik. Pinagpawisan lang ako lalo at parang sasabog ang dibdib ko.

Ano'ng sinabi niya?

"We never had sëx. Susmaryusep na tao 'yon. Akala ko alam mo na ang totoo. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang sinasabi sa'yo?" Kinuha niya ang iced tea at uminom.

Kung nagulat siya, mas lalo naman ako. Nanginginig ang mga palad ko kaya hindi ko ito maigalaw para abutin ang baso ng tubig. Tinakasan ako ng dugo.

"B-But... I saw you." Gustong-gusto kong paniwalaan ang sinabi niya. Pero nakita ko sila. Hindi ako nananaginip ng araw na iyon. Alam ko kung ano'ng nakita ko.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon