part 19

13.7K 358 26
                                    

**JERK's POV**

Nabitawan ko yung personalized cake na pinagawa ko dahil sa narinig ko.

"SHIT!" sigaw ko then tumakbo ako palabas. Naglayas si baby kasama ang gatas nya! Hindi manlang sya nagdala ng damit!

"Tignan nyo baka may bakas nang laway nya!" sigaw ni Flirt

"or baka may natapon na gatas! mas madaling sundan yun!" sigaw naman ni Perv

"Tignan nating maigi baka nag crack yung mga daan na dinaanan ni baby!" sigaw din ni bastard.

Kahit ganyan sila mag salita ay mahahalata mo sa mukha nila yung pag aalala at takot. And at the same time we were all crying.

Hindi ko kayang mawala sa akin si baby! Sya na lang ang meron ako at hindi ko hahayaang mawala sya sa akin!

"Damn! baka nakuha na sya nang meat vendor!"sigaw naman ni Maniac kaya napatigil naman kami sa pag takbo.

"What do you mean?" tanong ko.

"uhm..malay nyo, napagkamalan nilang pig si baby" paliwanag naman nya.

"OH SHIT! OO NGA!" sigaw naman ni bastard.

"Damn! Pupunta muna ako sa mga meat shop baka nanduon si baby!" sigaw naman ni Flirt.

"Titignan ko naman sa farm nang mga pig baka nakakulong sya duon!"

"Alam kong mataba si baby pero hindi sya mukhang pig kasi mas mukha syang matabang rabbit!" sigaw ko sa kanila .

"Kahit mukha syang pig or rabbit dapat na natin syang hanapin kasi baby parin sya!" sigaw nan ni bastard.

**PERVERT's POV**

3:00 A.M na nang umuwi kami. We're damn tired pero hindi parin namin nahahanap si baby. Nag report na kami sa pulis,
nakapag pa tarpoulin narin kami nang three thousand copies of pictures ni baby at nailagay na sa mga poste. Nakapag bayad narin kami nang pang broadcast para mas madaling mahanap si baby at
bibigyan na lang namin nang 30 million kung sino ang makakahanap kay baby.

Ang laking halaga nang pera na yan diba? Mayaman naman kasi kami and mas importante naman si baby kesa sa pera.

Si Jerk? Hindi pa sya umuuwi. Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin nya si baby.

Actually, sya ang nag utos na umuwi na kami at magpahinga. Ang lakas kaya nang ulan! Pinipilit namin syang umuwi kaso ayaw nya.

"Ayaw kong umupo lang dito! Hahanapin ko ulit si baby!" sigaw ni bastard

"Wala namang mapupuntahan si baby eh!" sigaw naman ni Flirt.

"Yun na nga eh! Baka kuhain sya nang mga nangunguha nang bata! Tayo? Malulungkot tayo pero makakaya natin kasi anjan pa ang pamilya natin para pasayahin tayo! Pero si Jerk? si baby na lang ang meron sa kanya! Si baby lang ang nakakapag pasaya sa kanya!" sigaw ulit ni bastard then lumabas na sya.

"He's right. And hindi naman tayo papayag na mangyari iyon. Mahal natin si baby at importante rin sya sa atin. Hanapin na natin sya" sabi ko naman.

"GO DADDIES!" sigaw ni Maniac.

"GO DADDIES! GOOD LUCK!" sigaw naming lahat then lumabas na kami.

The BabysittersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon