Eve Vs Adam X Eve

6.1K 190 44

Eve Vs Adam X Eve

A Short Story by direk_whamba

Pasado alas dose ng hatinggabi. Kahit pa anong pag-calculate ng aking digital data analyzing software, malayong malayo pa ang inaasahan kong bukang-liwayway.

Bakit gusto ko nang sumapit ang umaga? Iyon ay upang sumagap ng solar energy mula sa araw. Iyon ang alternatibong paraan ko upang makapag-charge. Wala na sa sang-kaapat ang natitirang enerhiya ko—na hindi na sapat upang sagupain ang tinutunton kong kalaban… Ang kalaban ko, na kagaya ko ring isang Server-ROM.

Pagtuntong ng milenyo, 2000, hindi na nagpaawat sa pag-arangkada ang teknolohiya. Ang mga tao ay hindi makuntento sa nagagawa ng kanilang utak at pisikalidad. Patuloy sa pag-evolve ang mga digital at communicating devices; maging ang robotics ay hindi pahuhuli.

Paulit ulit at matagal na proseso ang paglikha ng isang teknolohiya subalit may kakaibang determinasyon ang mga tao na magpatuloy. Lumipas ang panahon, dumami nang dumami ang mga naiimbentong Android. Mula sa pagiging isang simpleng telepono, nagkaroon ito ng kakayahang mag-isip para sa sarili, nagkaroon ng iba’t ibang anyo—mula sa hayop, hanggang sa naging ka-hitsura na ng isang perpektong tao—ahh mali… kung pagbabasehan kasi ang pisikal na anyo, mas di hamak na lamang ang mga Android na mas kilala na bilang mga  ROM. Ang ROM ay isang abbreviation ng Relative Of Man. Ipinakilala kasi sila sa publiko bilang mga devices na mas pahahalagahan mo pa kaysa sa isang kaibigan.

Kapresyo ng isang ROM ang presyo ng isang rancho sa Norte, o dili kaya’y mansyon sa Silangan. Mahal ngunit wala nang kagulat gulat kung sa paglipas ng panahon ay dumami na sila at naidagdag pa nga sa demograpiya ng mundo. Minahal sila ng tao sapagkat sila ay paragon ng kagandahan, katalinuhan, at kariktan. Mayroon pang mga independent group na sinusuportahan ang pagtrato sa mga ROM bilang tunay nang tao—kabilang na ang pagbibigay sa kanila ng birth certificate at iba pang identipikasyong pang-gobyerno.

Napakarami kong bagay na alam tungkol sa mga ROM hindi dahil sa isa ako sa kanila, kundi dahil ako ang isa sa dalawang Server-ROM na may hawak sa kanila. Nabuksan ang maraming posibilidad ng kung hanggang saan ang kakayahan ng mga ROM. Di katagalan ay naglipana na ang mga hacker-type at combat-type dahil na rin sa mga talipandas na militar na gustong gamitin ang mga ROM para maging sundalo ng bansa. Kinailangan na lumikha ng Server-ROM upang may tagasaayos, tagaprotekta, at tagasagap ng mga impormasyon ng bawat ROM sa mundo. Trabaho  rin ng isang Server-ROM ang pagtugis sa mga kumalat na Hacker-type ROM.

Taong 2102 nang maperpekto ang pinakaunang Server-ROM na pinangalanang ‘Adam’. Isa siyang remodel mula sa isang hacker-type na ROM. Sikreto lamang ang existence ng isang gaya niya ngunit mabilis pa sa alas kwatro na naibalita sa media ang tungkol sa kanyang creation.

Sa buong isang taon ng pagiging Server-ROM ni Adam, wala na halos atupagin ang mundo kundi ang subaybayan ang kanyang mga ginagawa.

Si Adam ay malapit na sa pagiging isang tunay na tao—liban lamang sa kanyang mga bakal na laman-loob, at utak na daanan at pasukan ng lahat ng impormasyon ng buong mundo—ay marahil naburyong na sa kanyang eksistensya at trabaho.

Humiling siya na magkaroon ng kasama. Kung hindi niya ginawa iyon, baka isa lamang akong un-existing entity magpahanggang ngayon.

Ako si Eve. Pero hindi yung tipikal na Eve na hinugot sa tadyang ni Adam. Hinugot ako mula sa Secured Data Storage ni Adam. Samakatuwid, isa akong Special Operating System na nilikha at inaruga ni Adam sa loob niya mula nang siya ay malikha. Hinanapan lamang nila ako ng katawan na ma-aaccomodate ako.

Matagal ko nang kilala si Adam. Siya agad ang una kong nabungaran nang ako’y unang beses na magkamalay sa laboratoryo.

Naaalala ko pa, naginginig ang aking braso. Mayroong napatid na kable kaya kumalat sa bahaging yaon ang daloy ng kuryenteng nagpapagana sa akin. Pinakalma ako ni Adam noong halos magwala ang katawan kong hindi pa alam kung paano magrerespond sa nangyari.

Eve Vs Adam X EveBasahin ang storyang ito ng LIBRE!