Ch. 29: Been Haunted

138 11 0


Nathaniel Herrera


Umuwi akong pagod. 5 pm pa lang pero gusto ko nang matulog. Iniwan ko na si Caile doon sa bahay nina Aimee. Bahala na sila sa gusto nilang gawin, parehas naman silang malapit na mag-17, kung ano mang gawin nila, siguro naman may proteksyon sila... CHOS! Kung minsan ang dumi ng isip mo Nathaniel, tutuhugin ka ni Caile ng buhay kapag nalaman niya yung nasa loob ng madumi mong utak.


Humiga ako sa kama, nagkaroon ng sandaling pressure sa likod ko nang lumapat ito sa kama pero unti-unting nagrelax iyon. Hoooh. Ni hindi nga ako humahawak ng walis dito sa bahay tapos si Aimee napaglinis ako?


Pumikit ako at hindi namalayang nakatulog. 2am na sa digital clock nang magising ako. Pipikit pa sana ako pero naramdaman ko ang panlalagkit ng buong katawan ko. Doon ako tuluyang nagising. Nakatulog ako dahil sa pagod, ni hindi ako nakapagpalit ng damit at hindi ko nabuksan ang aircon kaya para akong suman na sinawsaw sa suka ngayon.


Nagdecide nalang akong bumangon at pumuntang CR para maligo. Hindi ko alam kung anong katangahan ang naisip ko at nagcold shower ako. Kamuntik na akong mapatili sa lamig ng tubig nang bumuhos iyon sa akin. Pagkatapos maligo ay hindi na ako nakatulog, well sino bang makakatulog agad pagkatapos ng isang pagkalamig lamig na paliligo.


Bumaba muna ako sa kusina para humanap ng makakain. Ang nanay ko talaga oh, hindi man lang ako ginising kanina para magdinner. 


Nag-akyat ako ng pagkain sa kwarto saka binuksan ang laptop ko. Gising na gising kasi ang diwa ko at parang nakapaimposible para sa'king makatulog pa uli. Magpifacebook na lang muna ako. Buong araw din akong hindi nakapag-online dahil sa pinaggagagawa namin kanina... kahapon rather.


Nagbrowse ako. Naglike ng mga posts and new change DPs ng mga kakilala. Vinisit ko ang wall ni Rainbow. Walang bagong picture, walang new post. Bumalik na lang ako sa home ko. May new post na lumabas.


Ishii's post. Sinilip ko bigla ang chatlist ko, online nga siya, may green dot sa gilid ng name niya eh, at nasa top chatlist ko siya dahil noong magkaibigan pa kami lagi kaming magkachat, pero tungkol lang sa plano namin kay Nathalie at Rainbow 'yon. Simula noong makita ko siyang akbay ni Rainbow, hindi na ako nakipagchat sa kanya. Ang sama talaga ng loob ko no'n, at sumasama pa rin ang loob ko hanggang ngayon kapag naaalala ko. 


Binalikan ko ang post niya.


Can't sleep cause there's someone who's pestering my mind. It might be YOU? =))


Ang daming alam. Napaismid ako. Pero maya-maya lang namalayan ko na lang na nasa wall na niya ako at nagtitingin tingin ng posts niya. Simula sa recent hanggang sa tahimik na akong nangalkal ng pictures niya 3 years ago. Walang pinagkaiba ang itsura niya noon at ngayon maliban na lang na mas weird ang itsura niya noon compare naman ngayon.


Hindi siya mahilig magpost ng status pero mahilig siyang magchange ng dp. Wala namang likers, hindi rin naman siya maganda sa pictures so bakit pa niya dinidisplay?


Bakit ka ba nangingielam?


May isang picture na matino-tino siyang tignan. Nakaladlad ng natural ang buhok niya at wala ring suot na eyeglasses. Ang suot niyang uniform ay hindi ko kilala. Imbis na nakangiti ay inosente lang siyang nakatingin sa camera, hindi mo masabi kung sinasadya niya ang ganoong look o sadyang napilitan lang siyang tumingin dahil kukuhanan siya. 


Unconsciously ay napatitig ako roon ng mas matagal kaysa sa dapat. Unlike her other pictures na pinagmumukha niyang katawa-tawa ang sarili, dito ay ang normal niyang tignan, kahit ako ay hindi sanay na ganoon siya ka-normal tignan. 


Sa picture hindi lang siya mukhang si Ishii, mukha siyang si Mishiela. Gets? Magkaiba kasi si Ishii at Mishiela. Si Ishii iyong babaeng assorted colors na madalas mong mahuhuling nakatanghod kay Rainbow. Siya iyong laging nakangiti na parang baliw o hindi kaya'y nagsasalita sa hallway mag-isa, kausap ang sarili. Siya iyong parang hindi mo maseseryoso.


Meanwhile, si Mishiela iyong mas matino. Siya iyong mas seryoso, hindi nakangiti o lapat na lapat ang labi. Siya iyong kapag tumitingin sa'yo ay parang inaarok ang pagkatao mo. Siya iyong inosenteng side ni Ishii. Siya rin iyong personality niya na, katulad ng buong pangalan niya na miminsan mo lang marinig, miminsan mo lang makita.


Huminga uli ako ng malalim saka iniwan ang picture at nagpatuloy sa pangangalkal hanggang sa marating ko ang dulo. Matapos ay para akong napagod sa ginawa ko kaya humiga ako saglit sa kama at tumitig sa kisame. Biglang pumasok sa isip ko ang unang araw na nakita ko si Ishii. Sa harap iyon ng Thelistine gate, kaharap niya si Rainbow at mukha siyang tanga no'n. Wala namang pagbabago, hanggang ngayon mukha pa rin siyang tanga pero kung noon ramdam ko na ang inis marinig ko pa lang ang pangalan niya, ngayon wala na. Makita ko man siya o marinig ang pangalan niya, hindi na ako nakakaramdam ng inis.


Siguro nasanay na ako sa presence niya. Kulang kulang dalawang buwan lang kaming naging close pero nasanay ako agad sa presence niya. Hanep.


Midnight thoughts... bakit ba siya ang iniisip mo Nathe? Dami daming pwedeng isipin, drop her off your mind. Inis na inis ka sa mga kaibigan mo dahil panay banggit nila kay Ishii pero ngayong mag-isa ka, siya rin naman ang iniisip mo.


Sinara ko na ang laptop saka humiga sa kama at tumitig sa kisame. Inimagine ko na may rainbow doon, kailangan ko magrelax, parang stressed ako mentally kahit wala namang reason. Sembreak nga oh, anong ikakastress ko?


Mishiela.


Damn! Siya na naman! Dumapa ako saka nanggigigil na kinagat ang unan ko, releasing my stress that way. Nang hindi ako makuntento ay sumigaw na ako sa ilalim ng unan.


Thump. Thump. Thump. Thump. Thump.


Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Kung dahil ba 'yon sa ginawa ko o dahil sa iniisip ko, hindi ko alam.


Ano bang nangyayari? Parang nawawalan na ako ng kontrol sa bagay-bagay. Parang may mahirap intindihan na hindi ko alam kung ano. Parang may dumating na bago na hindi ko alam kung ano. Parang akong stupid.


Life, why so complicated?

______________________________

He's Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon