At kapag may nangyaring hindi maganda rito ay hindi niya mapapatawad ang sarili niya dahil sa kapabayaan niya. Nyayon na lang nga sila nabibigyan ng pagkakataon na magkasama, mukhang mabubulyaso pa.

Hinanap niya ito pero bigong makita. Mukang wala na siyang magagawa kundi ang ipaalam kay Jamie ang nangyari. Marahil ay alam nito kung saan pwedeng magtago ang anak.

"Ano!? Lavender naman! Pinagkatiwala ko ang anak ko tapos ganito lang ang gagawin mo? Pinabayaan mo lang?"

Galit agad ito ng ipaalam niya ang nangyari. Nang magpaliwanag siya ay saka lang ito kumalma kahit papaano.

"Nagtatampo iyon." Napailing ito at niligpit ang mga paninda saka ibinilin sa katabing tindera nila.

Hinanap nila si Mira at nate-temp na talaga siyang tumawag ng pulis para humingi ng tulong. Kung hindi lang siya pinigilan ni Jamie ay baka nagawa niya na.

"Matalino si Mira. Hindi iyon lalayo dahil alam niyang mag-aalala ako. Nagpapalipas lang iyon ng oras para makapag-isip."

Pakiramdam niya tuloy ay mas lalo pang lumaki ang kasalanan niya sa anak. Alam niya namang hanggad lang nito ang buong pamilya na hindi niya maibibigay lalo na't may asawa na siya. Hindi niya naman pwedeng sabihin kay Mira ang lahat. Malilito ito. At baka lalong lumayo ang loob nito sa kanya kapag nalaman nito ang totoo.

Napahinto lang sila ng may nakitang pinagtitinginan ng tao at nakarinig ng iyak ng bata. Nang lumapit sila ay nakumpirma nilang si Mira nga iyon.

May lalaking nakatayo sa harap nito at mukhang pinapagalitan ito.

"Nay." Tawag agad nito kay Jamie at nagmamadaling tumakbo sa ina na parang nanghihingi ng kakampi. Basa ang mukha nito gawa ng pag-iyak.

"Kayo ba ang magulang ng batang iyan?!" Sindak na taong ng lalake sa kanila.

"K-kami nga ho, bakit ho?" Tanong ni Jamie dito.

"Aba't yang batang iyan, ginasgasan lang naman ang kotse ko."

"H-hindi ko naman po sinasadya, nay." Paliwanag ng anak sa kabila ng paghikbi. "Nadapa lang po ako at tumama sa kotse."

"Hindi naman ho sinasadya ng bata." Depensa ni Jamie.

"Sinasadya o hindi, kailangan niyo pa rin bayaran ang damage!"

Rumehistro ang kaba sa mukha ni Jamie. "Wala ho kaming maipambabayad dahil wala pa ho kaming kita."

"Pakealam ko!" Sigaw nito at humakbang palapit sa dalawa.

Agad naman siyang pumagitna at itinulak ito ng mahina para lumayo sa dalawa.

"Hindi naman sinasadya ng anak ko. Kung maka pagsalita ka akala mo ay napaka mahal ng kotse mo." Sagot niya rito. His starting to get pissed because of the way he treated them.

"Aba't gago ka ah! Mas mahal pa yang kotse ko sa inyo! Mga pobre!"

His jaw clenched. Napakuyom ang kamao niya. Gustong gusto niya nang suntukin ito kung hindi lang dahil sa anak niya. Ayaw niyang mas matakot lalo sa kanya ang anak.

Tinignan niya ang pipitsuging kotse nito at kung hindi pa nadaan sa kintab ay hindi magmumukhang mamahalin. He grabbed a stone nearby and scratched the car without another word.

"Pvtang ina!" Mura nito at akmang susugurin siya nang ipihit niya ang kamao sa mukha nito pero huminto rin ang kamay niya ilang pulgada lang ang layo sa pisngi nito.

Imbis na suntukin ito ay tinapik niya lang ng malakas ang pisngi nito.

"Next time you make my daughter cry, I will surely punch you without mercy. Pasalamat ka nandito ang anak ko." Dinukot niya ang cellphone sa kanyang bulsa at tinawagan ang sekretarya niya. "Hello hazel, go buy the latest honda model and deliver it to... " nilingon niya ang lalake na may pagtataka sa mukha. "Anong pangalan mo?"

Hindi agad ito nakasagot kaya tinapik niya ang mukha nito.

"Jeremiah Cortez."

Kinausap niya ulit ang sekretarya. He instructed his secretary before hanging up the phone.

"Hoy akala mo ba maloloko mo ako?! Ikaw ibibili ako ng kotse?!"

"Sir may problema po ba dito?"

May lumapit na sa kanilang dalawang pulis na nagroronda sa buong beach. Nakatawag na kasi sila ng atensyon.

"Itong lalaking ito at ang anak niya, ginasgasan lang naman ang kotse ko." Sumbong ng lalake sa dalawa.

Binalingan siya ng dalawang pulis at bago pa may masabi ang mga ito ay naglabas na siya ng ID.

"My name is Lavender Fontanilla, My grandfather is the former owner of this beach. Pero kaibigan ko pa rin ang nagmamay-ari nito ngayon. I already asked my secretary to buy him a new car which way more expensive than his. After this I want him banned in this beach." Turo niya sa lalake na napanganga pa.

His grandpa owns this beach island before selling it to Mr. Montoya. Magkasosyo kasi ang dalawa sa maraming business. At ngayong pareho nang retired ang dalawa ay siya na ang kasosyo ni Zeke na siyang namamahala ngayon sa negosyo ng mga Montoya.

Mukhang nakilala naman ng dalawang pulis ang pangalan niya. Naalarma ang mga ito at agad na lumambot ang itsura sa kanya.

"Sir. Fontanilla, pasensya na po kayo. Sige po at kami na ang bahala." Hinatak ng dalawa ang lalake na nagrereklamo pa.

Nilapitan niya agad si Mira na nakayakap sa nanay nito at hindi tumitingin sa kanya.

"Anak, ayos ka lang ba?" Tanong niya sa bata.

Imbis na sagutin siya nito ay tinignan lang nito si Jamie at ito ang kinausap.

"Nay, pwede po umuwi na tayo? Masakit po tiyan ko."

Tumingin siya kay Jamie. Nagmamakaawa na sana tulungan siya sa anak. Napabuntong hininga ito saka binuhat ang anak na ayaw pa rin tumingin sa kanya.

"Uwi muna tayo."

Iyon lang ang sinabi nito at tinalikuran na siya ng dalawa. Habang lumalayo ang mga ito ay bumibigat naman ang pakiramdam niya. Mukhang lalayo pa ata ang loob ng anak niya sa kanya.

***

A wall in-between [QS#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon