Caela.

Naglalakad na kami papasok sa Mystique circle at patuloy pa rin sila sa pang-aasar sa akin. Nauuna kaming mga girls sa paglalakad at nasa hulihan naman ang mga boys. Medyo malayo ang agwat namin sa kanila.

"Kinikilig ako sa inyo, ganda. Ayieh! May chemistry talaga kayo ni Dashiell. Hihihi." Kilig na kilig na saad ni Peter habang nakakawit ang kamay niya sa kanang braso ko.

"Oo nga, girl! Hindi ko alam na mag-eeffort si Dashiell para maibaba ka. Ang kilala naming Dashiell ay walang pakialam sa mundo. Pero, I just can't believe it! Really!" Isa pa itong si Beatrice. Halos lahat sila kinikilig para sa akin.

"Magkaka-lovelife ka na, sis." Masayang sabat naman ni Michie.

Oh gosh! Hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa mga pinagsasasabi nila. Hanggang ngayon kasi nararamdaman ko pa rin ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko, lalo pa't palagi nilang pinapaalala ang nangyari kanina.

"Tigilan ninyo na nga si Caela, tingnan niyo namumula na siya sa hiya." Saad naman ni Victoria. "Pero infairness, bagay talaga kayo." Dugtong pa niya. Akala ko pa naman, hindi niya ako aasarin. 

"Wow!"

Namamanghang saad ko nang makapasok kami sa gate ng Mystique circle. Sobrang makulay ang paligid. Kahit na umaga kami umalis ng academy ay madilim at parang gabi dito sa Mystique circle, pero nagiging maliwanag dahil sa mga pixies na lumilipad sa itaas. Ito ang nagpadagdag sa ganda nito.

Nakakatuwa ang mga naglalakihang rides, at tama nga sila may mga booths din at mga stall ng pagkain. Naiiyak ako sa sobrang saya dahil hindi ko naranasang pumunta sa mga amusement parks katulad nito noong nasa mortal world pa ako. Hindi ko naranasang mamasyal kasama ang mga kaibigan ko dahil kahit kailan ay hindi naman ako nagkaroon nito.

"Hindi ka pa ba nakakapunta dito?" Tanong ni Audrey.

"Hindi pa." I gave her a faint smile.

"Huh? Bakit naman? Saan ka nagpupunta dito sa mundo natin? Palagi ka lang ba sa bahay ninyo?" Tanong ni Harper. Nakalapit na pala sila sa amin.

"Huh? O..oo. Hindi kasi ako pinapayagang lumabas ng bahay." Hindi pa nga pala nila alam na sa mortal world ako galing.

Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila iyon. Naikwento kasi sa akin ni Sophia na mayroon silang issue tungkol sa mga tao. Iniisip nilang masasama ang lahat ng mga nasa mortal world.

Malungkot na ngumiti sa akin sila Michie at Sophia.

"Nakakalungkot naman. Pero wala tayo dito para magdrama nandito tayo para magsaya. Wooooooh!" Hyper na saad ni Marcus habang nakataas ang dalawang kamay.

"Oh, yeah! Tayo nang magsaya. Woooh!" Sigaw naman ni Ian.

Nakikita kong nagtitinginan sa kanila ang ibang mga tao, nakakuha na naman sila ng atensiyon dahil sa kagandahan at kagwapuhan nila pati na rin sa kaingayan nila.

"Tara na!"

Una naming pinuntahan ang mga rides. Excited na ako!

A ride to forever.

Pangalan ng ride na unang sasakyan namin. Buti pa 'tong ride na 'to may forever!

Parang train siya na pinagdugtong-dugtong para maging mahaba pero wala siyang bubong. Tapos maraming mga obstacles na dadaanan 'yung train. Basta ang hirap niya kasi i-explain. Roller coaster ang katumbas nito sa mortal world, pinasosyal lang ang pangalan dito sa Mystique. 

Napalunok na lang ako sa isiping sasakyan namin 'yan.

"Dito muna tayo sasakay, guys. Bawal tumanggi 'yung iba dahil may consequence. Ang hindi magtatry sumakay, siya ang bahala manlibre buong araw." Paliwanag ni Peter.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!