"As if namang aayaw kami. Pangalan pa nga lang ng ride exciting na!" Sabi naman ni Audrey.

"Baka sakaling mahanap ko na ang forever ko dito." nangingising ani naman ni Ian.

"Baka may forever? H'wag ka ng umasa par, masasaktan ka lang." sabat naman ni Harper.

"Tss." Sabay-sabay na palatak noong tatlo.

"Tumigil nga kayo, ang dami ninyong comment sa buhay." nakita ko pang pinitik ni Victoria sa noo 'yung dalawa kaya napatawa ako. 

Hindi rin naman ako tatanggi dahil wala akong panlibre tapos ang dami pa namin. Sana lang talaga huwag akong himatayin diyan! Titingnan ko pa lang 'yung mga obstacles na dadaanan, feeling ko nahihilo na agad ako.

"Tutal by partners ang upuan sa isang cart, ang sundin na lang natin ay yung pairing kanina. Walang aangal para makarami tayo!" Sabi naman ni Beatrice na nakuha pa akong kindatan.

Hala? Ano na namang binabalak niya?

Kung by pairs ulit, ibig sabihin makakasama ko ulit si Dashiell. Hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa kinaroroonan niya.

"Jusmiyo! Hoy puso ka, tumigil ka nga diyan! Nagta-tumbling ka na naman." Saway ko sa pesteng puso na 'to. Kada kasi tumitingin ako sa kaniya, ganito palagi ang nagiging reaksyon ng puso ko. Ayokong aminin kung ano man ang ibig sabihin nito.

"Let's go!"

"Wooooh!"

Isa-isa na kaming pumwesto. Naramdaman ko pang kinurot ako ni Peter sa bewang ko bago siya lumapit kay Marcus. Siraulo talaga!

Nasa bandang dulo pa talaga kami. Dumagdag pa 'tong si Dashiell sa kabang nararamdaman ko. Sa halip na sa mataas na rides lang ako kakabahan, pati siya pinoproblema na nitong puso ko.

Settled na lahat, naka-seatbelts na kami. At talaga yatang pinaglalaruan ako ng tadhana. Bakit kailangan pang naka-handcuffs kami? Ano ba ang purpose nito?

Those sparks when our hands get closer, hit me again. Nararamdaman din kaya niya 'yun?

Unti-unti ng umaandar 'yung sinasakyan namin at lalong nadagdagan ang mga daga sa dibdib ko.

"Jusko! Sana h'wag akong mahulog dito. Huhu!" Piping dasal ko.

Naramdaman kong may humahawak sa kamay ko. Napatingin ako sa kamay naming dalawa na magkasugpong ngayon. Potek! Oxygen please! Hindi ako makahinga.

Send help!

Napatingin na lang ako sa gwapong mukha niya na diretsong nakatingin sa unahan.

"Ahmm.." naputol ang sasabihin ko nang bigla siyang magsalita.

"Hahawakan na kita, baka bigla kang umiyak diyan." Kitang-kita ko ang pag-angat ng sulok ng labi niya. "Bawal iyakin dito."

Hoy Lockridge, ang gwapo mo! Bakit ka ganiyan?

"Ano?"

"You seemed so scared." Muling bumalik sa pagka-poker face ang kaniyang mukha. "Don't worry, I'm here."

Napanganga na lang ako sa mga sinasabi niya. Si Dashiell ba talaga itong kasama ko ngayon? Halos hindi ko na marinig 'yung tili nina Sophia, ang tanging naririnig ko na lamang sa mga oras na ito ay ang malakas na tibok ng puso ko.

Natapos ang limang minutong rides, nang nakatulala lamang ako. Ayaw kasing pagpahingahin ni Dashiell 'yung puso ko! Simula noong makita ko siya, naging restless na rin 'to.

"Wooooh! Ang saya, sarap umulit." Masayang-masayang ani ni Sophia.

"Mukhang lahat tayo nag-enjoy di ba, ganda?" Baling sa akin ni Peter sabay kindat.

"H..huh? O..oo naman." Kinakabahang sagot ko.

Napatingin na lang ako sa bandang kanan ko. Hindi ko sinasadyang mapatingin kay Dashiell na nandoon din pala sa part na iyon. Nakita kong napangisi siya o sadyang namamalik-mata lang ako.

"Ano na next na plano natin?" Tanong ni Beatrice.

"Kain muna tayo, guys. Nagutom ako doon sa ride natin." Sagot ni Ian.

"Kain ka na naman. Napakatakaw mo talaga." Sabat naman ni Audrey.

"Mas matakaw ka." Ganting sagot ni Ian.

"Tama na nga 'yang bangayan ninyo. Isa pang rides tsaka tayo kumain." Suhestiyon ni Marcus na sinang-ayunan ng lahat.

"Tara-"

BAAAM!

Nagsisimula na kaming maglakad nang makarinig kami ng isang malakas na pagsabog. Nakita ko ang mga nagtatakbuhan at nagkakagulong mages.

Nagsikilos na rin kami para puntahan kung saan naganap 'yung pagsabog.

Bigla akong nakaramdam ng kaba habang nag-iisip kung ano ba ang nangyari.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!