(18) Raxelle Clarkson

Start from the beginning
                                    

"Ms. Raxelle San Clarkson."

"Bakit po Elders?" Binuo nila ang pangalan ko. Nakakaramdam na ako ngayon ng sobrang kaba, mas higit pa to sa nararamdaman ko kanina.

"Bakit ngayon lang?"

"Po?"

"Bakit ngayon mo lang inilabas ang kapangyarihan mo?" Hindi ako makasagot, kinakabahan ako. Sigurado ako na galit sa akin ang mga Elders dahil sa ginawa ko.

"H-hindi ko po alam."

"Bakit hindi mo alam?"

"S-siguro po dahil sa hindi ko naman po gustong ilabas ang kapangyarihan ko. K-kaya po hindi ko alam kung bakit ko nagawa yun." Bumuntong hininga ang matandang Elder at tiningnan ko.

"Domino."

"Po?"

"Ayaw mong magaya sa kanya, hindi ba?" P-pano niya nalaman?

"O-opo."

"Ayaw mong magaya sa nangyari sa AMA mo."

Narinig kong ibinulong ng Exceptional learners ang pangalan ni Papa. Sigurado ako na kilala nila kung sino siya.

"Opo. Ayoko pong magaya sa kanya."

"Si Domino ang pinaka malakas na Warrior nung panahon namin. Kasa-kasama ko siya sa paglaban sa Black Army at kay Guido. Siya rin ang Superior namin. Ang kapangyarihan ng ama mo ay Rare o ni minsan hindi inisip ng kahit na sino na may gantong kapangyarihan. At kayong dalawa pa lang ang nagkaron nito." - Lalaking Elder.

"Itinago mo ang kapangyarihan mo dahil ayaw mong magaya sa kanya, nilayuan at kinatakutan siya kaya ni minsan wala siyang naging kaibigan. Nabuhay syang mag-isa dito sa Enchanted pero kahit ganun pinatunayan niya ang sarili niya na kahit mag-isa siya kaya niyang maging Warrior at maging na ring Superior. Kung hindi namatay ang ama mo nakakasiguro ako na isa rin siyang Elder katulad namin." - Matandang Elder

"Dahil sa galit mo nailabas mo ang kapangyarihan mo ng hindi sinasadya. Ang Mage Power ang pinaka rare na kapangyarihan na maaaring taglayin ng isang holder. At kagaya ng sinabi kanina, kayo pa lang ng tatay mo ang nagkaron nito. Ang Mage Power ay pinaghalong Wizardry, witchcraft at Holy Angelic Being, maraming pwedeng gawin ang holder na meron nito, spell casting, potion making, spiralization, telekinesis, electrokinesis, illusion casting, premonition, high resistance, summoning at higit sa lahat siya lang ang may Immortality." - Babaeng Holder

"Ang kapangyarihan ding ito ay binubuo ng dalawang parte ng pagkatao, ang dark side at angelic side. Sa dark side ay ang wizardry at witchcraft, sa angelic side naman ay ang holy angelic being. At naunang lumabas sayo ang dark side mo. Kapag galit ka hindi mo maiiwasang lumabas ang dark side mo pwera na lang kung kontrolado mo na ito." - Lalaking Elder

"Kaya ko pong kontrolin ang Angelic Side ko pero ang dark side, hindi po. Siguro po tama kayo, nauunawaan ko na po kung bakit ko nagawa yun pero sana hindi na lang po nangyari yun. Madaming napahamak dahil sa galit na naramdaman ko. Nagawa ko pong manakit ng kapwa ko holders dahil sa galit ko nung sinaktan nila ang Yaya ko. Pero maniwala po kayo, hindi ko po yun ginusto. Ni minsan hindi ko naisip na manakit ng kapwa ko holders."

"Naniniwala kami Raxelle, natural lang yan. Ang Dark Side ng isang Mage Possessor ay hindi agad makokontrol di kagaya ng Angelic Side. Pero sinusuguro ko na pagkatapos ng training nyo, kontrolado mo na ang parehong side mo."

"Training? Pero nagback-out na po ako." Umiling iling ang matandang Elder at tumayo saka lumapit sa akin.

"Raxelle dahil sa kapangyarihang taglay mo, hindi ka namin pwedeng tanggalin bilang susunod na warrior. Nakasulat sa propesiya ng Enchanted na ang holder na nagtataglay ng Mage Power ay magiging Warrior kahit anong mangyari. Ang Mage Power ay kasing o maaaring, mas mahalaga kesa sa Elemental Power,  sa inyong siyam ikaw ang pinakamalakas."

"Hindi po totoo yan. Kumpara po sa kanila panghuli lang ako."

"Sa ngayon yan ang tingin mo at tingin ng iba pero sa tamang panahon maiintindihan ng lahat kung bakit ikaw ang pinakamalakas. Kaya sa ayaw at sa gusto mo magiging warrior ka sunod sa yapak ng ama mong si Domino." 

"May gusto po sana akong itanong."

"Ano yun Raxelle?"

"Pano po namatay ang ama ko?" Simula pagkabata, hindi ko nakita ang  Papa ko. Sabi ni Mama, namatay daw siya bago pa man ako isilang. Pero ni minsan hindi nabanggit ni Mama kung pano namatay si Papa. Kaya hanggang ngayon hinahanap ko pa din ang kasagutan sa tanong na yun. Gusto kong malaman kung pano namatay si Papa.

"Paumanhin Raxelle pero kahit kasamahan kami ng iyong ama, hindi namin alam kung anong nangyari sa kanya. Isang napakalaking palaisipan din  ito sa amin."

"Naiintindihan ko po." Ano ba kasi talagang nangyari kay Papa? Siguro ako dapat ang makaalam.

Raxelle San Clarkson. 18years old. Ako ang anak ng Superior Mage Possessor na si Rex Clarkson o mas kilala bilang Domino. Bakit Domino ang bansag sa Papa ko? Dahil ang kapangyarihan niya ay may Domino Effect. Sa husay niya sa paggamit ng Mage Power, kaya niyang kalabanin ang higit sa 50 kalaban sa isang tirahan. Kahit na sobrang bait ng Papa ko, ni minsan hindi siya nagkaron ng kaibigan sa kadahilanang nilalayuan siya at kinatatakutan. Naging malungkot ang buhay niya dito sa Enchanted pero dahil sa kagustuhang matapos ang kasamaan ni Guido at ng Black Army, pinilit niyang maging malakas at maging Warrior para matupad ang kagustuhan niya. Ng makilala ni Papa si Mama nagbago ang buhay niya. Jerelle Min San. Isa sa pinaka magaling na manggagamot sa mundo ng mga normal. Si Mama lang ang tanging kumausap kay Papa nung sila ay lumabas ng Enchanted para tulungan ang mga tao sa iba't ibang bahagi ng mundo. Si Mama lang ang nagkaroon ng lakas ng loob na kumausap sa kinatatakutang si Papa. At dahil dun nahulog ang loob ni Papa sa kanya. Naging maganda ang pag-iibigan nila hanggang sa kailanganin na ni Papang bumalik sa Enchanted para masimulan ang labanan sa pagitan ng Warriors at ni Guido kasama ng Black Army. Sabi ni Mama, nagawang makabalik ni Papa pero panandalian lang. Tapos wala na syang naikwento matapos nito. Hindi ko alam kung bakit ni minsan hindi nabanggit ni Mama ang tungkol sa pagkamatay ni Papa at sa kung anong nangyari sa kanya pagkatapos ng huli nilang pagkikita. Minsan sinubukan kong magtanong pero hindi pa man ako nakakatapos, iniba niya ang usapan.

Sinimulan ko ng magbasa ng mga libro tungkol sa kapangyarihan ko pagkarating na pagkarating ko dito sa Enchanted. Palagi akong nagkukulong sa kwarto ko at sa Enchanted Library para basahin ang iba't ibang klase ng libro tungkol sa Power Enhancement ng kapangyarihan ko. Inaral ko kung pano bumuo ng spell, kung pano magsummon ng iba't ibang nilalang, kung pano gagamitin ang ibang kapangyarihan ko at maski ang tungkol sa Immortality ko.

Ako ang holder na kahit saktan mo ng sobra hindi ako mamamatay. Kaya kong pagalingin ang sarili ko pero sa mga nagdaang araw, hindi ko to ginamit. Hinayaan ko na gumaling ng kusa ang mga sugat na natamo ko kay Isabel at sa tatlong feminine holder sa banyo. Ayokong magtaka ang iba kung bakit ambilis kong gumaling, akala ko kasi matatago ko pa ng matagal ang kapangyarihan ko pero nagkamali ako.

Being a holder possessing this kind of power, masasabi ko na mahirap. I doubt if I am able to pursue my promise to my mom. I doubt if I can be like my father. Marami akong doubt sa buhay pero dahil nandito na,  I will take the risk. I'm just a risk neutral, I either take the risk or not. But for now proving myself matters the most.

***

Rise of the WarriorsWhere stories live. Discover now