Nagulat si Phoebe. Akala niya hindi susunod si Kent sa kanya pero nandito ito ngayon at nanuntok pa.

 “Ano ka ba naman!!!” sigaw ni Phoebe 

Lumapit si Phoebe kay Alex. “Okay ka lang??” 

Pero nakatingin lang din si Alex kay Kent.

“Ano bang problema pare?” sabi nito. Pinunasan ang konting dugo sa labi at lumapit. “Teka… si Kent Fuentabella ka ha!”

Sabi nito. Parang nagulat naman si Kent. 

“Halika na nga engot!!!” sigaw nito kay Phoebe.

“Teka!!! Diba si Kent ka?!” ulit pa ni Alex

“HINDI ako yun?!” Naglakad na ito palayo. “TARA NA PHOEBE”

Naglakad na ito.

“Naku sorry ah!!! Katok kasi yung isang yun? Masakit ba?”

 “Phoebe ba pangalan mo? Diba si Kent yun?”

“Ahhh. Ehh..”

“May TFC kasi kami. Minsan nanunuod mga magulang ko. Kamukha siya ni Kent eh."

“Ah ganun ba?”

“ENGOT TARA NA!!”

Nasa malayo si Kent pero sumisigaw na naman ito.

“Nakuuu Alex sorry ha. Next time na lang… Kaya lang uuwi na kami. Akin na yang bag.”

“Ahhh ganun ba? Kamukha niya talaga si Kent. Favorite siya ng mga magulan ko tska kapatid ko. Pero imposible ang alam ko may movie siya na ginagawa ngayon eh.”

“Ahh oo oo!” Hinila na ni Phoebe yung bag niya. “Pasensya ka na autistic kasi yung lalaking yun. Bye bye!!!”

“Sana magkita tayo!! Magbabakasyon kami sa Pilipinas eh!”

“Ahhh sige na!!! Bye!!! Sorry!!!”

Tumakbo na si Phoebe papunta kay Kent. Nakatingin ito pero nung malapit na siya, nauna na naman ito maglakad.

Ang lakas ng topak mo!!!! Anong problema ng lahi mong masungit ka!!!!

 

“KENT!!!!”

Sigaw ni Phoebe pero di pa rin siya nito pinapansin.

Tinatahak na ni Kent ang daan pauwi.

Nang makarating sila sa bahay. Pagod na pagod na naman si Phoebe kahahabol kay Kent. Masyado ito mabilis maglakad.

“SUSI?!” singhal pa ni Kent ng makarating sila sa may pinto

“Ayan!” hinagis ni Phoebe yung susi kay Kent.

Secretly Married .ƒĢ. (Completed and Published in English and Indonesian)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!