TAL. 06.1 - Secret Revealed

Yuan's POV

"Danna?" gulat na tanong ko na sya ang mapagbuksan ko ng pinto.

"Yuan..." bakas sa mukha nya na kinakabahan sya kaya napakunot noo ako.

"Anong ginagawa mo dito?" malamig na tanong ko. Hindi ko din niluwagan ang pagkakabukas ng pinto dahil wala naman akong planong papasukin sya.

"I need to talk to you. Please, let me in." may namumuong luha sa sulok ng mga mata nya. Gusto ko mang maawas sa kanya, pero hindi ko na maramdaman. Natauhan na ako eh. I've already had too much of her. Masyado na akong nasaktan. At simula ng huli kaming nag usap, ipinangako ko na sa sarili ko na hindi na ako magpapakatanga sa kanya......

Flashback... (Nangyari ito ay UMPP pa. Chapter 35 yata I think. Kasabayan ito ng mapanood ni Cass sa balita yung about kay Daryl at Jewel)

"Is it true?" nagtatangis ang bagang na sabi ko.

"About what?" takang tanong ni Danna. Nandito kami sa bahay ko dahil sabi nya ayaw nyang lumabas kami. Ibinaba nya ang hawak nyang magazine at itinuon na sa akin ang pansin nya.

"About the news." nakatingin ako sa kanya ng deretso pero sya biglang umiwas ng tingin sa akin. And I know right at that moment na totoo nga.

Dumaan ang mahabang katahimikan. Wala akong planong maunang bumasag ng katahimikan dahil hindi ko alam ang masasabi ko sa kanya. Baka masabihan ko lang sya ng mga masasakit na salita.

Hanggang sa nakarinig na lang ako ng impit nyang hagulgol. Napahinga ako ng malalim. Gustuhin ko man na lapitan sya at aluin, hindi ko magawa. Galit na galit ako sa kanya ngayon. From the second time, pinagmukha na naman nya akong tanga.

"I'm sorry..." tangi nyang nasabi.

"Why him, Danna? And why me? Bakit ako na naman ang nasasaktan ngayon?" bakas na bakas ang hinanakit sa boses ko.

"I'm sorry, Yuan." tumunghay sya sa akin na puno ng luha ang mga mata. "I had no choice. My parents want me to marry Bryan, Yuan. Please, understand this. Hindi ko naman ginusto ito." tangkang hahawakan nya ang kamay ko pero mabilis kong naiiwas ito.

"Kailan mo sasabihin sakin? Halos araw-araw tayong magkasama!" malakas na sabi ko at tumayo ako. Nanlilisik ang mga mata kong tumingin sa kanya. Kaya mas nagagalit ako dahil harap-harapan na syang manggago ngayon. Kung noon, talikuran lang, ngayon nag improve na sya! "Akala ko nagbago ka na. Pero hindi pa pala." mapait na sabi ko. Lasang lasa sa bibig ko ang pait ng sinabi ko.

"Nagbago na ako, Yuan, please maniwala ka." mas dumami ang luha nya ng sabihin ang mga salitang 'yan.

"Nagbago?! Put@ng*nang pagbabago naman 'yan!!" sigaw ko sa kanya. "Ako na lang yata ang hindi nakakaalam na ipapakasal ka sa iba, Danna!"

Taming a LionessBasahin ang storyang ito ng LIBRE!