Caela.

Patungo na kami sa gate ng academy dahil doon ang napagkasunduan naming meeting place. Naka-abrisyete sa aking magkabilang braso ang dalawa kong kaibigan. Kanina pa sila nagkukwento ng tungkol sa Mystique circle kaya naman lalo akong nakaramdam ng excitement. May carnival daw doon at tindahan ng iba't-ibang stuffs.

"I'm so excited, pretty. First time nating mamamasyal. Oh my! Naeexcite ako para mamaya! Hihihi." Sinugod agad kami ng yakap ni Peter.

Nandito na ang lahat ng Superiors at kami na lang pala ang hinihintay. Ngayon ko lang din sila nakitang nakasuot ng mga casual na damit at hindi uniform. Sumisigaw ng karangyaan ang kanilang postura kahit na simple lang ang kanilang mga suot.

"Ahm.. Mukha ngang mag-eenjoy ako." Nakangiting sagot ko sa kaniya. Kahit na pusong babae itong si Peter, ang higpit nitong yumakap. Yung tipong hindi ka makakahinga.

Napatingin ako sa pwesto ni Lockridge at pasimpleng pinasadahan ang kaniyang kabuuan. Kinakabahan tuloy ako sa ginagawa ko dahil baka biglang makita niya akong tinitingnan siya. Nakikipag-usap siya kay Kent at Jackson. Nagtataka ako kung paano nila napapanatili ang poker face na mukha habang nag-uusap, ako nga hindi makatagal na hindi tumawa sa loob lang ng ilang minuto e. Kahit simpleng bagay lang, tatawanan ko. Hanga na talaga ako sa kanila.

Lalo yata siyang gumwapo sa suot niyang itim na damit at puting pantalon. Na-concious tuloy ako bigla, baka mukhang basahan na pala ako dito. Gustong-gusto ko ring pagmasdan 'yung hikaw niya sa tenga. Lalong nakakadagdag sa kagwapuhan niya.

"Ready, guys?" Tanong ni Beatrice.

"Ready."

Saan nga pala kami sasakay? May jeep o taxi ba dito? Pero wala pa naman akong nakikitang ganoon kahit minsan.

"Sakay na. By pair na lang ang pagsakay ah?" Narinig kong sabi ni Ivan kaya napatingala ako.

Oh god! 'Yan ba ang sasakyan namin? Napaatras ako bigla at naramdaman ko ang paninigas ng katawan ko sa takot.

"K..kabayo?" May walong kabayong nasa harapan namin ngayon.

"Kabayong may pakpak, in short Pegasus. Ito ang sasakyan natin, ganda!" ngiting-ngiting sagot ni Zoey sa akin. Napalunok ako.

"H..huh? W..wala bang ibang way para makapunta doon bukod sa pagsakay sa kanila?" nagbabakasakali akong baka may easiest way.

"Wala na, honey ko. Nasa itaas kasi itong academy natin at bababa tayo gamit ang mga Pegasus na 'yan. Don't worry, nandito naman ako para alalayan ka." Sabi ni Ian sabay kindat sa akin.

"Umatake na naman 'yang kalandian mo." Sabay pingot ni Audrey sa kaniya at nag-peace sign naman ito sa akin.

Natatawa ako at the same time ay kinakabahan. Hindi pa ako kailanman nakakasakay sa kabayo, feeling ko kasi kapag lumapit ako sisipain niya ako at hahampasin ng buhok niya sa likod. Huhu!

"Okay ka lang ba, Caela? Ayaw mo bang sumakay sa Pegasus?" Nag-aalalang tanong ni Michie sa akin.

"Pwede naman tayong magteleport pero hindi natin mae-enjoy ang view patungo doon." Saad naman ni Marcus. Umiling ako at ngumiti sa kanila.

"Ah no! Okay lang ako. Tara na!" Nakakahiya, baka ang isipin nila ang arte ko. Pero takot talaga ako sa kabayo lalo na't may pakpak ito ngayon. Baka mahulog ako mamaya. Huhu.

Sumakay na sila sa kani-kanilang Pegasus. By pairs daw ang pagsakay ayon sa kanila. Hala? Kanino ako sasabay? Ayoko sumakay na mag-isa dahil baka ihulog ako nito.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!