*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Chapter 27: Love, Love, Love

Kisha’s POV

*TOK!*

Nagising ako dahil sa isang ingay na hindi ko alam kung ano. Parang nanggagaling sa labas kaya dahan-dahan akong tumayo...

*TOK!*

Mas malinaw na ngayon ‘yung tunog kaya tumingin ako sa bintana. Nakaramdam ako ng takot. Baka...baka mga bampirang ayaw sa relasyon namin ni Van at nandito sila para patayin ako! Waaaaaaaaaaaah! Pero medyo matagal na panahon ding walang nanggugulo, kung ganon, bakit ngayon na lang ulit? Tsaka madali lang sa kanilang pumasok sa bahay ko kung gugustuhin nila...

5 AM pa lang. Ano naman kaya ‘yun? O sino naman kaya ‘yun?

Binuksan ko ang ilaw at lumapit sa may bintana at habang papalapit ako ay may bato na tumama sa bintana...

Dali-dali akong lumapit sa bintana at binuksan ito. Sisigawan ko pa sana ang walanghiyang balak pa yatang basagin ang bintana ko pero nagulat ako ng makita kung sino ang nasa baba - sa labas ng gate ng bahay ko...

May hawak siyang gitara at nakangiti habang nakatingin sa akin...

Nagsimula na siyang mag-strum ng kanyang gitara...

I wanna make you smile

whenever you’re sad

Kinilabutan ako sa sa ganda ng boses niya. Hindi ko alam na maalam siyang kumanta pati na rin ang maggitara...

Carry you around when your 

arthritis is bad

All I wanna do is grow old with you

Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang sasabog sa sobrang saya at kilig ang puso ko. Yung inis ko kanina sa kaniya parang tinangay ng hangin....

Ito ‘yung kanta noong una kaming sumayaw sa Grand Ball na hindi naman talaga appropriate sa aming dalawa kasi kung sakaling hindi ako magiging bampira kagaya niya, ako lang ang tatanda at habang buhay na bata pa rin ang itsura niya...

I’ll get your medicines when your tummy aches

Build you a fire when the furnace breaks

Oh it would be so nice, growing old with you

“I want to grow old with you....

But it’s such a shame that i’m not growing old no matter how I’d like to just to be with you” ang eksaktong sinabi niya habang nagsasayaw kami noon...

I’ll miss you

Kiss you

Give you my coat when you are cold

 

“Then make me one of your kind so that we will be together forever. Van, hindi na mahlaga ang pagtanda nating dalawa, ang mahalaga ay ang magkasama pa rin tayo sa huli nating hininga...” willing na akong magbago makasama lang siya. Gusto kong maging katulad niya para hindi ko maramdamang napakalayo niya sakin...

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!