Ch. 26: London bridge is...

135 10 1


Nathaniel Herrera


3rd week ng October na ngayon, isang linggo na lang break na namin mula sa school dahil sa Halloween. Ngayon pa lang busy-busyhan na ang teachers dahil papalapit na school event kaya I doubt kung pumasok pa ang iba mamaya para magturo.


Pagpasok ko ng gate ng Thelistine ay nakita ko kaagad ang students na nagkalat sa grounds. Unconsciously ay napatingin ako sa wrist watch ko, it's already 6:58 am. Today's Monday at iyong mga ito siguro ay galing sa taas na pinababa na dahil sa flag ceremony. Imbis na umakyat, sa multi-purpose hall na ako dumiretso. Nandoon na ang section namin, nandoon na rin ang mga bakla, si Caile lang ang nawawala. Oh di'ba, ruma-rhyme.


Si Steven ang unang nakapansin sa'kin. "Nandiyan na si Nathe." Nilingon ako ng iba.


"Malapit na magstart, pumwesto ka na Nathe." ani Josh. 


Agad naman akong pumunta sa dulo since lahat sila nakapila na. Maya-maya pa ay may umakyat na sa stage para maglead sa prayer. Tapos national anthem, panatang makabayan, ang hymn namin at exercise ang next, last umakyat si Caile sa stage para inannounce ang mga announcement na gustong iparating ng teachers sa'min.


Good news para sa section namin, wala kaming stats at physics, iyon pa naman ang last two subjects namin. So vacant na agad namin after lunch. Pero gustuhin man naming makauwi na agad, kailangan pa naming hintayin ang dismissal time.


After announcements ay isa-isa nang umakyat ang sections sa kanya kanya nilang room. Lumapit naman sa'kin sina Nikko, si Josh ay dinamba pa ako.


"Prend, pumasok na si Ishii."


Sandali lang akong natigilan sa sinabi niya at agad na nagkibit balikat.


"So?"


"Prend, hindi mo na siya mamimiss." sawsaw ni Nikko.


"At hindi ka na maha-high blood. Marirecharge ka na rin dahil nandyan na ang charger mo." pakikisali pa ni Steven.


Binilisan ko na lang ang lakad kaysa masira pa nila ang umaga ko. 


Hindi ko sila maintindihan. Hindi ko alam kung inaasar lang nila ako kay Ishii o sadyang may pinapatunayan sila kaya nila ako tinutulak sa babaeng 'yon. 


Humiwalay ako sa kanila nang makaakyat kami sa fourth floor. Sa room sila dumiretso, ako sa CR. Ang bag ko pinadala ko na kay Millie. Nagpee ako at naghugas ng kamay pagkatapos. Nang mag-angat ako ng tingin sa salamin, nagulat pa ako sa itsura ko. Umaga palang haggard na ako. Oily na ang mukha, ang sticky tignan ng buhok ko, medyo sumisilip ang eyebags at may pimple sa gilid ng ilong.


Biglang nanlaki ang mga mata ko saka inilapit pang lalo ang mukha ko sa salamin para sipatin ang bahagi kung nasaan ang pimple!


What the? Bakit may pimple? Saan galing 'to?!


He's Mine [Completed]Where stories live. Discover now