Ch. 25: Voodoo Girl

139 9 1


Nathaniel Herrera


🎶I don't even like you,
Why'd you want to go and make me feel this way? (What?)
And I don't understand what's happened,I keep saying things I never say 🎶


Nagkamot ako ng ulo saka nilingon si Nikko.


"Ano na naman?" tanong niya agad.


"Paulit-ulit na lang 'yang kanta, eh. Kanina pa. Wala bang iba sa playlist mo?"


"LSS ako, eh. Wag mo nga 'ko pansinin. Doon!"


"Manghiram ka ng earphones! Hindi 'yang nakatapat sa tainga mo 'yang speaker, pati ako nabubulahaw." bulyaw ko. 


Tumalikod lang siya sa'kin pero hindi naman niya ako sinunod.


Eh sino ka nga naman ba Nathe para sundin niyang baklang yan? Parehas lang naman kayong matigas ang ulo.


Sumandal nalang ako sa upuan at pumikit. Naistress ako.


🎶 I can feel you watching even when you're nowhere to be seen,
I can feel you touching even when you're far away from me. 🎶


May tumapik ng malakas sa braso ko na dahilan para mapaayos ako ng upo.


"Ano ba?!" sigaw ko kay Josh na siyang nangtapik. "Ang lakas, ah." reklamo ko saka hinilot ang braso ko.


Balewalang umupo siya sa upuan ni Steven na wala sa upuan niya ngayon.


"Noong tuesday ka pa highblood, ah. Friday na ngayon, high blood pa rin?"


"Hindi ako high blood." kunot noo kong sagot. Saan naman niya nakuha ang idea na iyon?


"Prend, wag ako," umiling siya habang nakangisi. "Wag kami. Eh para ka nang si Caile ngayon eh, mainitin ang ulo. Tell me, hindi naman kayo ganyan dati ah. What happened? Or what's happening, rather?"


🎶Tell me where you're hiding your voodoo doll '
cause I can't control myself,
I don't wanna stay, I wanna run away but I'm trapped under your spell.
And it hurts in my head and my heart and my chest,
And I'm having trouble catching my breath.  🎶



Iritang nilingon ko uli si Nikko. "Patayin mo na nga 'yan!"


Gulat na nilingin niya ako, "Prend, lumabas ka na lang. Doon paniguradong tahimik. Hindi katulad nitong lahat kami goodvibes tapos ikaw nagsusungit sungitan diyan. Hindi ba ikaw dapat ang unang nagtatatalon sa tuwa ngayon dahil wala si miss Castro. Oh eh anong dinadrama mo diyan?"

He's Mine [Completed]Where stories live. Discover now