"Di! Wa'g na, may naghihintay na tricycle!" Sabi ni Auntie nang di nililingon.

"Ihahatid kayo, Precy."

"Wa'g na! Ayos lang ako! Kaya ko namang mag isa..." Napalingon ako kay Auntie Precy.

Hindi ko naman mawari kung anong ekspresyon ang ipinapakita niya dahil madilim na sa nilalakaran namin.

"Hindi naman 'to para sayo, para ito kina Rosie at Jacob." Mas malamig na sinabi ni Don Juan.

SHET! Kahit hindi naman para sakin yun, bakit nasasaktan ako? Napalingon ako kay Don Juan, ayun at nakatalikod na siya. Si Auntie Precy naman ay natigilan.

Naramdaman ko ang panginginig ng kamay niya. Tumindig ang balahibo ko. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa malamig na simoy ng hangin o dahil sa pangyayari.

"Rosie..." Tumigil ang Hummer sa tapat ng tinatayuan namin ni Auntie Precy. "Ihatid ko na kayo."

Tumango ako at bumaling kay Auntie.

"Auntie, tayo na."

Hindi siya gumalaw. Binuksan ko ang pintuan sa backseat ng Hummer at inalalayan si Auntie doon. Buti at hindi na siya nagmatigas. Hindi ko nga alam kung bumigay ba talaga siya o dahil nawalan siya ng lakas.

Tahimik kami ni Jacob sa byahe pauwi sa Bahay ni Lola. Tanging eye-to-eye contact at pagkikibit-balikat lang ang nagawa namin.

"Andito na tayo, Auntie." Sabi ko at unang lumabas para pagbuksan ulit siya ng pintuan.

"Ah!" Tumawa siya ng plastik na tawa. "Salamat sa paghatid, Jacob."

Tumango si Jacob at hinawakan ang kamay ko.

"Walang anuman po yun. Pasensya ka na kay papa-"

"Okay lang!" Aniya. "Sanay na ako." Mas mahinang sinabi niya.

Nagkatinginan kami ni Jacob.

"Sige na, Jacob. Lumalalim na ang gabi. Maaga pa byahe natin bukas."

Tumango siya at hinalikan ang noo ko, "Sayang, di tayo tabi." Bulong niya sakin.

Napangiti ako pero saglit lang ito dahil inaalala ko parin si Auntie Precy.

Kinawayan ko si Jacob nang umalis na siya. Nagmukmok agad si Auntie sa kwarto. Inisip ko tuloy ang nangyayari. Yun din ang laman ng pag-uusap namin ni Jacob sa sumunod na araw...

"Mag-ingat kayo sa biyahe! Kailan ba magsisimula ang field study niyo, Jacob?" Tanong ng daddy niya.

Suminghap si Jacob at nilingon ang daddy niya.

Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now