Chapter 38: Beatrix

543K 17.4K 5.3K
                                    


Beatrix's point of view



"Beatrix, are you ready?"

Yes, I am ready. I am ready to face them. I'm ready for my revenge and I'm going to make sure that I will break them, one by one. Lahat silang nanloko at nanakit sakin. I will make them feel the pain they gave me.

"I'm ready Mom, I'll go down in a minute."

I put on my red lipstick. That's the last thing that will complete the new me. Hindi lang itsura ang magbabago sakin pati ugali ko magiiba na. Hindi na ako papayag na masaktan pa nila ako, hindi na ngayon.

I smiled.  This would be good. This should be good.

"Burn them down, Beatrix." I whispered.

Pagbaba ko pa lang nakita ko na si Ailee sa may sala. Literal siyang napanganga ng makita niya ako. Well, I already expected that and I'm sure everyone will have the same reaction as hers. Just the way I planned it.

"Wow.. Angel, ibang iba ka na ngayon."

Lumapit ako sakanya. "Say goodbye to that old Angel, Ailee. Wala na 'yong Angel na nakilala mo. I'm now Beatrix." Til now hindi pa din siya makapaniwala. I don't know if she likes the new me but she can't change me anymore. My decision is now final.

No one can bring me back to the old me. Kasama ng naputol kong buhok ang dating Angel na kilala nila. Binaon ko na siya sa limot na para bang nagkaroon din ako ng amnesia.

"Before you go honey," sambit ni Mom. Pinauna ko na si Ailee sa kotse. "Beatrix, I need to know if everything is okay with you. You've changed alot and it's not just about your hair and your look. I know deep inside, you've also changed. Tell me, are you okay?" She looks really concerned about me and I can't help to feel bad about it.

Ayokong idamay si Mommy at Daddy sa lahat ng nangyayari sakin ngayon pero ayoko nang bumalik sa dating ako. "Mom, I need to go. Maybe we can catch up later?" I hate to do this but I need to.

"Okay, just remember that your Dad and I are just here for you no matter what. We love you, Angel Beatrix."

Hinila ako ni Mom at niyakap niya ako ng mahigpit. "I love you too Mom."

Kung may bagay man na hindi ko kayang talikuran, 'yon ay ang mga magulang ko. Sila lang 'yong tanging tao na palaging nandyan para sakin. Sila  taong minahal ako ng sobra sobra. Kaya as much as possible ayoko silang maaapektuhan sa pagbabago ko.

Kahit anong mangyari, I will always be their baby girl.

"Angel--" natigilan siya bigla. Siguro na realized niya na nagkamali siya ng tawag sakin. "Beatrix pala, sorry hindi pa kasi ako sanay, eh." napakamot pa siya ng ulo. Kahit na mukhang boyish si Ailee, may mga cute sides pa din naman siya.

"You can call me Trix, if you want."

"Okay, Trix.." huminga muna siya ng malalim bago siya nagsalit ulit. "Masaya ako na okay ka na ngayon pero natatakot din ako sa mga pwede mong gawin, hindi sakanila kung hindi sa sarili mo. Punong puno kasi ng galit 'yong puso mo ngayon eh at baka sa huli ikaw lang din ang masaktan."

Alam kong concern lang siya sakin pero hindi niya kasi alam kung anong nararamdaman ko, eh. Hindi niya alam kung anong sakit 'yong naramdaman ko simula ng lokohin at paglaruan nila ako. Sila na pinagkakatiwalaan at pinapahalagahan ko.

"Ailee, wag kang mag-alala sakin. Alam ko kung anong ginawaga ko at hinding hindi ko na hahayaan na masaktan pa nila ulit ako." Alam kong may gusto pa siyang sabihin pero pinutol ko na agad 'yon. "Tara na, baka ma-late pa tayo."

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon