Part 26

240K 4.4K 445
                                    

"Nay?" Iyak nang iyak si Yolly sa may likod ni Leandro. Ngayon lang siya natakot ng ganoong katindi sa kanyang nanay.

"'Yung Andy bang iyon ang ama?!" pasigaw na ulit na tanong ni Aling Yolanda sa dalawa. Galit na talaga ito. As in galit na galit na. "Siya ba ang ama?! Sumagot kayo! Isa!"

Walang nagawa kundi ang tumango si Yolly at baka kung mapaano na naman ang nanay niya. Sobrang namumula na ang mukha nito at nanginginig.

"Diyos ko." Stress si Aling Yolanda na hinawi ang mga buhok sa bandang noo nito.

Mas nag-unahan naman sa pagpatak ang mga luha ni Yolly. Napasubsob na siya sa likod ni Leandro. Hirap ang kalooban niya na makita sa ganoong hitsura ang ina. Ayaw niyang saktan ang nanay niya. Ayaw niya.

"Bakit ka nagpabuntis?! Bakit?! Hindi mo na naisip ang tatay mo na nagpapakahirap sa Saudi makapag-aral ka lang!" Napatutop sa dibdib si Aling Yolanda. Parang mawawalan na naman ito ng malay-tao, hirap na naman itong huminga.

Lalong napaiyak pa si Yolly nang maalala niya ang tatay niya sa abroad. Ang nagsasakripisyong tatay niya mapag-aral lang siya sa Sanchi College.

"Nakakahiya ka!"

"Sorry, 'Nay. Sorry po," nahihiyang sabi niya. Alam naman ng Diyos na hindi niya iyon sinasadya. Hindi niya ginusto ang nangyari.

Napaupo si Aling Yolanda sa gilid ng kama at nag-iiyak na rin. Hindi nito matanggap na ganoon ang nangyari sa anak.

"Nanay, sorry. Hindi ko sinasadya." Lumabas na si Yolly sa likod ni Leandro at lakas-loob na nilapitan ang ina. Nakiramdam. At nang patuloy lang sa nanay niya sa pagluha ay naglakas-loob na siyang yakapin ito.

Mayamaya ay madamdamin na nag-iyakan na silang mag-ina.

"Nanay, sorry po talaga. Sorry," paulit-ulit niyang paghingi ng tawad

Pati si Leandro ay nadala sa iyakan ng mag-ina. Kung sana kasi ay siya na lang ang ama. Sayang.

Napatitig ang binata kay Yolly. Ano pa bang magagawa niya? Late na, eh. Nagpakaduwag siya, eh. Tama lang na masaktan siya. Deserve niya ang sakit kasi ang torpe niya.

Pumihit na si Leandro ng tayo. Tahimik at laglag ang mga balikat niyang iniwanan na ang mag-ina. Kay bigat ng mga paa niyang nilisan ang bahay na iyon.

Sana lang ay makayanan ni Yolly ang lahat. Sana maharap ni Yolly ang problema na taas-noo, dahil sa pagkakataong ito ay hindi na niya alam kung maipagtatanggol pa niya ang dalaga. At kahit masakit, sana lang din ay panagutan ni Andy si Yolly dahil kung hindi ay makakapatay siya ng tao. Kaya niyang magpaubaya o tumanggap ng kabiguan. Kakayanin niyang kalimutan si Yolly at kung hindi man ay kakayanin niyang iwasan ulit ito. Ang hindi niya kaya ay makita ulit na masaktan o mas masaktan pa ang dalaga.

"Anong ayaw mong sabihin kay Andy?!" Shock na shock si Aling Yolanda nang sinabi ulit ni Yolly na wala siyang balak sabihin kay Andy ang sitwasyon niya.

Nahimasmasan na sila at nag-uusap na silang mag-ina nang masinsinan. Parehas na silang medyo kalmado.

Napatawad na rin ni Aling Yolanda ang anak dahil wala na rin naman na itong magagawa. Buntis na si Yolly. Tanggapin na lang.

Ang problema na lang nila ay kung paano nila sasabihin sa tatay ni Yolly na nasa Saudi ang nangyari. At kay Andy na ama ng dinadala ni Yolly.

"'Nay, tingnan mo kasi ako. Tingnan mo ang hitsura ko at isipin mo 'yung hitsura ni Andy. Ang layo, 'di ba? Ang layo-layo. Kaya kahit gusto ko man na ipapanagot sa kanya ito, eh, parang unfair po yata para sa kanya."

"Nasisiraan ka na ba ng ulo?! Eh, di sana bago ka niya ginalaw, eh, tiningnan niya muna ang mukha mo!" bulyaw ni Aling Yolanda.

Napangiwi si Yolly sa ina. Ano 'yon joke joke joke? Malay ba niya baka madilim noong gabing iyon sa kuwarto niya kaya hindi nakita ni Andy ang pangit niyang pagmumukha noong ginalaw siya. Isa pa lasing nga sila, 'di ba? Tss!

"Basta! Sasabihin natin 'yan sa kanya!" Napatayo si Aling Yolanda. "Pupunta tayo sa school niyo at kakausapin ko ang lalaking 'yon!"

"Huwag na po kasi, 'Nay. Nakakahiya po," pakiusap pa rin niya.

"Ay, hindi pwede 'yan! Saka ano na lang ang sasabihin ng tatay mo sa 'kin pag-uwi niya?! Na pinabayaan lang kitang maging single mother?! Hindi pwede 'yon dahil siguradong madu-double ang galit niyon sa 'tin! Kaya halika ka! Magbihis ka! Pupunta tayo sa school niyo ngayon din!"

"Ayoko nga, 'Nay." Ayaw niyang tumayo. Ayaw niya talaga.

"Magbihis ka na sabi! Huwag matigas ang ulo mo!" Hinila ng nanay niya ang isang kamay niya.

"Ayoko nga po!"

Naghilaan na silang mag-ina. Nasa ganoon pa rin silang eksena nang dumating si Cristine.

"Tita? Yolly?" Humagulhol agad ng dalaga na lumapit sa kanila.

Natigilan tuloy ang mag-ina. Takang-taka sila lalo na nang yumakap sa kanila si Cristine.

"Anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Yolly sa pinsan. Katatapos lang nilang mag-drama ng nanay niya tapos heto na naman. Ay sus!

"Yolly, Tita, patayin niyo naman ako, oh?"

Napangiwi ang mag-inang nagkatinginan. Ano raw?

"Sige na. Patayin niyo na ako. Papatayin din naman ako ni Mama, eh," atungal pa ni Cristine.

Nagkatinginan sa isa't isa sina Yolly at Aling Yolanda. Juskolord!

"Halika. Umupo ka muna." Pinaupo ni Aling Yolanda ang pamangkin.

"Ano bang problema mo, ha?" umpisa naman ni Yolly na tanong. Hinagud-hagod naman niya ang likod ng pinsan.

"Yolly, buntis ako," humagulhol na pag-amin ni Cristine sa sitwasyon nito.

Halos sabay na lumuwa ang mga mata nina Yolly at Aling Yolanda sa sinabing iyon ni Cristine. Hindi sila makapaniwala. Nakisabay pa talaga, hah?!

Mayamaya ay natampal ni Aling Yolanda ang sariling noo. Para na naman siyang mahihimatay. Ano ba ang mga kabataan ngayon? Uso na ba talaga ang buntis muna bago graduate? Patawarin!

Iyong iyak ni Cristine mas grumabe pa, na sinabayan na rin ni Yolly. Kaya pala. Kaya pala laging absent si Cristine sa school dahil juntis din ito. Woahhh!

.

.

.

NANG UMAGA ring iyon ay nagising naman si Andy na butlig-butlig ang pawis sa kanyang noo. Binangungot siya. Matinding bangungot. Buti na lang at nagising siya agad.

Hingal na hingal siya. Ano bang panaginip 'yon? Ang sama!

"Oh, bakit para kang nakakita ng multo?" bungad ni Yaya Chadeng sa pinto. Gigisingin sana siya nito pero gising na pala siya. "Mag-almusal ka ba? Late ka na sa klase niyo."

Pinunas niya mga pawis sa noo. "Ang sama po ng panaginip ko, Yaya."

"Ano bang napanaginipan mo?"

"May asawa na raw po ako, eh."

"Ay, normal lang 'yon. Darating ka naman talaga sa buhay na ganoon."

"But, Yaya, ang dami ko raw anak."

"Gano'n? Ilan?"

"Isang dosena raw po."

"Ang dami naman?!"

"Kaya nga po at ang masama ay si Yolly po... si Yolly raw ang ina ng aking mga anak, 'Ya."

"Sinong Yolly?"

"'Yung panget ko pong kaklase pero mabait naman po."

Napa-sign of the cross si Yaya Chadeng. "Ay, Diyos ko! Ba't naman doon pa sa panget?!"

Kamot-ulo si Andy. Hindi niya alam ang sagot.

"Ah, sige sige! Itulog mo ulit!"

"Bakit po?"

"Para makontra!"

Napangiwi na si Andy sa yaya niya. Komedyante, ano?

Saglit ay nahulog siya malalim na pag-iisip. Ano kayang ibig sabihin ng panaginip niyang iyon? Siya at si Yolly may madaming anak? Like seriously?

Kinabahan na siya ulit nang bumalik sa ala-ala niya ang problema nila ng dalaga. Iyong nangyari sa kanila noong isang gabi.

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon