KABANATA 7

***

Nakangiti lang ako habang nakatitig pa rin sa candy'ng nasa palad ko. Kanina ko pa pinag-iisipan kung kakainin ko ba ito o itatago as a remembrance. Hindi ko mapigilang mapaisip..

Really? Ang bad boy ng Osmium nagbibigay ng candy as a thank you?

I laughed mentally. Damn, maybe he's not that bad at all. Maybe there's still a sweet side of him.



"Hoy! Kanina ka pa nakangiti ha? Simula ng chemistry natin hindi yan mabura-bura." Pagpukaw ni May.



Nag-aabang ako ngayon ng taxi habang hinihintay naman ni May ang sundo niya. Hindi niya daw kasi ako masasabay sa paghatid dahil malayo ang bahay nila pero okay lang naman sa'kin 'yun, ayoko pang maging abala sa kanya.



"Wala. Bawal na bang ngumiti ngayon?" Sabi ko na nanatiling nakangiti. Kung alam niya lang ang dahilan ng pagngiti ko, alam kong kikiligin din 'to.


"Asus, ay C andito na sundo ko. Okay ka lang ba dito?" Sabi niya ng makita niyang nakaparada na ang sundo niya.

"Oo naman. Sige mauna ka na. Kaya ko na ang sarili ko." sabi ko.

"O sige. Kung bakit kasi ang ang layo ng mga bahay natin. Hehe. Sige una na ako. Bye!" sabi niya at kumaway.


Tiningnan ko lang siya habang papalayo na. Haay, medyo madilim na ang paligid at wala pang taxi'ng dumadaan. Pano na 'to. Parang ayoko ko pang umuwi.


Nagdesisyon akong maglakad-lakad nalang muna. Malapit nalang kasi ang children's park dito. Napangiti ako habang nakatingin sa mga batang masayang naglalaro sa playground. Naalala ko tuloy ang kabataan ko. Kung buong hindi kaya naghiwalay ang mga magulang ko– maging kasaya din kaya ako katulad ng mga batang 'to?


Natawa ako ng mahina nang mapansin ko din ang ibang mga high school student na katulad ko na nakikipagsabayan din sa mga bata sa paglalaro. Sana ganya ako kasaya ngayon.


Nilibot ko ang paningin ko sa buong paligid at pumukaw agad sa pansin ko ang mga lalaking nakatambay sa may puno ng park na si ...


si Carl pero hindi siya nag-iisa.


May mga kasamahan din siyang kasama na sa tingin ko'y mga kaibigan niya.



Masayang naglalaro ang mga ito na parang mga isip bata kung kumilos. Ang isa,  pabaliktad na nakalambitin sa sangga ng puno. Ang dalawa nama'y naghahabulan na parang mga bata habang ang isa naman ay nama'y nagbabasa ng libro at naka upo din tulad ni Carl na natutulog na suot na nito ang hood niya.


Umupo ako sa may bench malayo layo sa may punong tinatambayan nila at tinitigan lang silang lima.


Nakita ko namang naalimpungatan si Carl at marahang tumingin sa dalawang kasamahan na naghahabulan at sinigawan. Napatigil naman ang dalawa sa at binatukan ang isa't-isa.

Tumawa naman ang nakalambitin sa puno at mabilis ding tumigil ng nahulog siya sa sangga.


Nagtatawanan naman ang mga ito maliban lang kay Carl na nakakunot lang ang noo. Patuloy ko lang silang tintigan habang nakangiti. Hindi naman siguro masamang tao si Carl.

Siguro nami-misunderstood lang siya ng mga estudyante sa Osmium.


"Hi Miss! Mukhang mag-isa ka ah." Napapitlag ako ng marinig ko ang isang boses ng lalaki.


The Bad Boy's ObsessionBasahin ang storyang ito ng LIBRE!