Tsapter Trentay-uno

37.5K 602 37
                                    

Ala?! O.O nag Update na ang magaling nyong otor! :D OmayGas Solid Liquid :D hehe!

oxa heto na di ko patatagalan pa. Dedic muna tayo :)

This Chapter is dedicated to

-RubyRoseGustilo

"Ay! Shetness !! MAGKAPATID !! Seriously -,- Putek ! nasip ko tuloy ung Bentilador sa paahan ko !! ^o^ Kashii naman ! NakakaHyperventilate !! Ang Mga revelations !! Wapkel !!! Baaha xD Nagalit Tuloy si Inay !! Sobrang Init pa Naman sa Bansang !! Pilipinasss !! Buti sana kung bampira din ako !! Edi nagtravel na ko sa North pole !!! XD Hooohh !! Update na !!"

-natawa naman ako sa comment mo, out of this world at walang relasyon sa ginawa kong chapter. dumating ka pa sa northpole xD kaya naaliw ako :D anyways, salamat parin sa pagcomment :)

 

...abamalaykosayo </3

------------------------------------------------------------------

"Dahil anak ka rin ng Ama ko Shey, magkapatid tayo sa Ama."

Hindi agad narehistro sa utak ni Shey ang sinabi ni Ellyse, pero nung lumapit si Ellyse para hawakan ang magkabilang balikat ni Shey ay may naramdaman syang nakakapasong init sa mga palad nito. Napatalon si Shey sa init na naramdaman nya.

"Naramdaman mo rin ang init?" tanong ni Ellyse

"O-oo, Anong ibig sabihin nun?"

"Yun ang ibig sabihin na napupukaw na ang tunay na kaanyuan mo dahil hinawakan kita."

"T-tunay na anyo ko?" naguguluhan parin si Shey sa sinasabe ng kaharap nya.

"Isang kang bampira Shey, ang totoong Prinsesa ng mga Bampira. Ikaw ang unang anak ng Amang Bampira natin, at ang tunay na Ina mo ay isang pureblood din na Bampira."

"Kung ganon, bakit ako napunta sa palasyo na 'to? Bakit ako ang naging Prinsesa sa kaharian na 'to kung isa akong Bampira?"

"Yun ay dahil inakala ng Hari at Reyna na ikaw ang kanilang tunay na anak pero ang totoo ay namatay na ang anak nila, pagkasilang pa lang. Dinala ka ng Ina mo sa palasyong to at pinalit sa namatay na sanggol ng Reyna, pinaniwala sila na ikaw ang tunay na anak nila gamit ang kapangyarihang taglay ng tunay na Ina mo."

"Nasaan na ang Ina ko? Ang sinasabi mong Bampira kong Ina?"

"Patay na sya."

Tumahimik ang paligid at wala ni isa sa kanila ang nagsalita. Hindi makapaniwala si Shey na isa rin pala sya sa mga nilalang na dati ay kinasusuklaman nya. Nasa dugo rin pala nya ang pagiging isang Bampira.

"Alam na ba nila Vhin at Lloyd ito?" pagtatanong ni Shey

ang BAMPIRANG ubod ng KAMANYAKANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon