Chapter 1

29.7K 1.4K 504
                                    


Chapter 1

"Ada, mali ka na naman ng hampas! FOCUS! Inaantok ka pa ba?" sigaw ni leader na si Kristal mula sa unahan kaya inirapan ko siya. Ang aga-aga naninigaw na naman. Hindi ba siya nahihirapan sa ginagawa niya?

"Huwag ka ngang sumigaw! Ginagasgas mo na naman yung boses mo. Relax! Si Sapphire yata 'tong kausap mo!" kampante kong sagot sa kanya

"Guys hindi pa ba tayo lalabas? Baka hanapin na naman tayo ng teachers. Mag f-flag ceremony na, oh," mahinang sabi ni Diana, ang lead guitarist ng banda naming Black Stone.

"Okay lang 'yan! Ang saya kaya pag nahuhuli. Nasa adventure list ko kaya 'yon," excited na sabi na bassist na si Emy kahit dapat ay naka-cross out nay un dahil ilang beses na kaming nahuhuli.

I-iling-iling akong tumambol ng tatlong beses para makuha ko ang atensyon nila. Medyo naiirita na kasi si leader dahil hindi na naman kami nakikipagcooperate. Masunurin naman ako, e. Sadyang hindi lang talaga ako morning person.

"Kris, lead na dali! Para makapagpractice na bago tayo mahuli. Sayang naman ang oras. Dapat kasi exempted na tayo sa flag ceremony, isasali-sali tayo sa battle of the bands tapos hindi nila tayo binibigyan ng time na magpractice. Unfair ng life!" Muli kong hinampas ng stick yung drums dahil sa inis.

"Okay start na! Seryoso na guys!"Pagdating talaga sa practice ay sumiseryoso na si Kris. Karaniwan kasi ay palabiro ito.

Sinumulan naming tugtugin ang 'Make-up', ang unang kantang sinulat ko para sa banda. Ang kantang 'to ay tungkol sa two-faced bitch na dating kaibigan ni Emy na kung anu-ano ang pinagsasasabi about sa kaibigan namin 'pag hindi niya ito kasama. Well, nakikipagplastikan pa rin naman kami sa kanya hanggang ngayon. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako mai-inspire na gumawa ng kanta. Thanks to her, nagkaroon na ng plano ang banda namin. Kaya nagpapasalamat kami sa mga taong katulad niya. Ipagpatuloy nila 'yan at makakabuo na kami ng album.

Nasa kalagitnaan na kami ng pangatlong kanta nang biglang bumukas ang music room. Iniluwa ng pintuan ang gwapong student council president na si, Peter. Ayos na ayos ang pagkakasuot ng uniporme nito. Unat na unat rin ito na parang pinadaanan ng isang libong plantsa. Napatingin tuloy ako sa nakapatong na uniform ko sa itim na shirt ko. Nakatuck-out kasi ito at hindi nakabutones. Hindi ko tuloy mapigilang mapangisi. Mas matino pa talaga siya kaysa sa banda namin. Samantalang puro kami babae.

"Oy pogi! Labas ka muna, nag p-practice kami," sita ni leader. Yan ang gusto ko sa kanya, e! Kahit president sinisita, walang pinapalagpas!

"Mamaya na 'yan. Bumaba na kayo at mag-uumpisa na ang flag ceremony."

"SUS!" Sabat ni Emy. "Flag ceremony pa. Hindi rin naman maririnig ang magandang boses ng bokalista namin." Nakasimangot na sabi nito. "Dia! Bababa ka pa ba? Huwag na!"

"Hala. Eh, baka magkaroon tayo ng deduction sa grades," takot na sabi ni Dia.

"Talagang magkaka deduction kayo sa ginagawa niyo. Pag 'di pa kayo bumaba, isusumbong ko kayo sa adviser niyo." Tumingin ito sa relos niya at kumunot ang noo. "Baba na dali!" Napakamot siya sa ulo niya sabay bulong, "nakalimutan ko tuloy ang gagawin ko. Napakapasaway kasi ng mga 'to"

"Sungit naman," bulong ko sa mga kabanda ko habang sinusundan namin siya pababa. "Kaya lang naman nanalo na president 'yan kasi pogi eh."

Siniko ako ni Kristal habang tumatawa. "Ano ka ba! Isa kaya tayo sa bumoto sa kanya. Tayo pa nga nag promote, eh."

"Pogi naman kasi talaga," sabat pa ni Emy.

"Uy andyan lang yung pinaguusapan niyo," saway naman ni Dia.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Black Stone: SapphireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon