"Yan din ang sinabi ko sa kanya. Pero ayaw makinig. Akala ko nga talagang wala ng pag-asa. Ngayon ikaw lang pala ang makakapagpapayag sa kanya? Thank you, Rosie!"

Umirap ulit si Jacob at padabog na nilapag ang baso ng tubig, "Uuwi ako sa Maynila, tuwing Sabado. Pumayag lang ako kasi ito ang gusto ni Rosie. Sa oras na kakailanganin niya na ako doon, sa oras na mamimiss niya ako ng sobra-sobra at di na siya makakapayag na maghiwalay kami, hindi ako magdadalawang isip na iwan ang Alegria."

Pumikit ako sa sinabi niya.

Ilang ulit nagpasalamat ang daddy niya sakin. Nang dumating ang tanghali, nagpasya kaming mamasyal kina April. Dinalhan namin siya ng pagkain at gatas para sa baby (hindi kasi kami nakabili ng damit para sa baby niya).

"Oh, J-J-Jacob? Rosie?" Nanlaki ang mga mata niya.

Mejo tumaba na siya ng konti habang nasa kandungan niya ang baby niya.

"Hi!" Ngumisi ako.

"Hello!" Nakita kong pumula ang pisngi niya.

"Ilang taon na ang baby mo?" Tanong ko.

Nakatitig siya kay Jacob nang tinanong ko siya. Kahit nung sinagot niya ako ay kay Jacob parin ang atensyon niya.

"Uhm... Kaka one year old niya lang." Aniya.

"Hello, April Jake!" Sabay alog ko sa kamay ng baby niya.

Okay... Alam ko... At naka get over na ako sa pangalan ng baby. Hindi pinanagutan si April ng papa nung baby niya. Mejo may pagka bangag din naman kasi yun. Lasenggero pa kaya mas mabuti na rin sigurong hindi niya na pinilit. Kitang-kita mo sa mukha ng baby niya ang carbon copyng mukha ng ama niya. Nung una, naweirduhan ako nang nalaman kong April 'Jake' yung pangalan.

Pinag awayan pa namin iyon ni Jacob. Inaway ko siya dahil pakiramdam ko anak niya talaga ang batang ito. Umiyak siya sagalit. Inaway niya si April. Agad akong naguilty dahil wala namang kasalanan ang bata sa nangyari. Buti nagpaliwanag si April. Kalaunan ay nakita ko rin namang kamukha niya yung ama niya kaya paniguradong di kay Jacob.

"Kailan ka ba talaga maniniwalang wala akong ibang naka-ganun kundi ikaw? Jusko, naman, Rosie! Anong akala mo sakin, si Callix?"

Yun ang laging linya niya sakin pag pinagdududahan ko siya.

"Salamat sa pagkain at sa gatas." Sabay kaway ni April nung paalis na kami sa kanila.

Kumaway rin ako at ngumiti. May mga taong nagbago na pero nandiyan parin ang pagbabakasakaling umikot at bumaliktad ang tadhana. Alam kong hanggang ngayon ay umaasa parin siya kay Jacob. Kitang kita sa kislap ng mga mata niya habang tinitignan si Jacob.

"Rosie, gusto ko rin ng baby." Aniya.

"Haaay! Magkakababy din tayo ng marami pag settled na ang lahat." Sabi ko.

Baka Sakali 2 (Published under Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!