Second Petal

51 2 0
                                    

"Guys bilisan nyo, mukhang uulan pa oh, baka abutin tayo sa daan!" Sigaw ni Yohanne.

Nasa unahan ito. Kahawak kamay nito si Henna samantalang kasunod naman nila si Hanz at Trish. Tapos ako at si Drake. Nasa pinakahuli naman si Bench.

Dapat ay papunta kami sa Barrio Alhencio para sa proyekto namin sa Humanities. Required kaming mag interview ng mga taong hindi pa naaabot ng sibilisasyon.
Si Drake ang nagsuggest ng lugar na iyon dahil dati na daw nagmedical mission doon ang yumao nitong ina.

"Babe, lagi kang natitigilan. Look at the sky. The rain is about to fall. We better hurry." Bulong sakin ni Drake habang nakaakbay ang braso sa balikat ko.

Tumigil kami sa tapat ng isang maliit na dampa na tila sampung metro ang layo sa lumang cathedral.

"Where are you going?" Maarteng tanong ni Trish kay Yohanne nang naglakad ito palapit sa dampa.

"He's gonna ask for a little help." Mataray na sagot ni Henna kay Trish.

Bigla akong napapikit dahil biglang sumakit ang ulo na walang limang segundo ay nawala din agad.

There's nothing extraordinary sa dampa na iyon. Ang naka-caught ng attention ko ay ang makapal na tanim ng rosas na nakapalibot sa bahay. Malalaki ang mga bulalak. At ang ganda niyon sa paningin dahil sobrang namumukadkad ang bawat isa.

"Weird. Those roses are weird." Rinig kong komento ni Bench sa likod ko. Bigla ang pagbigat ng braso ni Drake sa balikat ko.

Kumatok si Yohanne sa pinto ng maliit na dampa. Hindi pa sya nakakatagal sa pagkatok ay Agad bumukas ang pinto at lumabas duon ang isang matandang babae.

"Damn, I expected a hot chick in a little dress barely covering her rack. I thought this is going to be a night full of sexcapades!" Umugong sa tenga ko ang bulong at halakhak ni Hanz.

That jerk.

"Magandang hapon po. Uhhm, nasiraan po kasi kami ng sasakyan." Paliwanag ni Yohanne sa ale na tila na mid 50's na nito.

Tumango ang matanda at tumingin sa langit.

Napatili kaming mga babae nang biglang kumulog na malakas kasabay ng pagguhit ng liwanag sa kalangitan.

"Maliit lang ang aking dampa kaya hindi ko kayo mapapatuloy." Sabi ng ale na nagpalungkot sa mukha ni Henna at Yohanne.

"Tsss! It's not like gusto naming magstay dyan sa nakakasuka mong bahay?" Bulong ni Trisha na agad sinaway ni Hanz.

Way to go Hanz. Rendahan mo ang bitch na yan. Kainis!

"Ganun po ba--" naputol ang iba pang sasabihin ni Yohanne nang ituro ang ale ang lumang cathedral. Napalunok ako.

"Ngunit maaari kayong magpalipas ng gabi sa mansyon na iyon. Huwag kayong mag alala dahil ako ang katiwala sa gusali na iyon."

Nagkatinginan kaming magkakaibigan.

"Ito ang tatlong banig, kumot at unan. Magtabi tabi na lang kayo at magsalo sa unan at kumot." Nginitian namin si Manang Elsa. Nagpakilala ito sa amin kanina at ganun din kami sa kanya.

Agad naming inilatag ang banig sa marmol na sahig at nagsiupo kami sa isang banig.

"Salamat po." Halos sabay sabay naming sabi.

"Basta kabilin bilinan ko ha? Wag mag iingay at wala kayong gagalawin na kahit ano dito."

"Naku, makakaasa po kayo. Masunurin po kaming mga bata." Tatawa tawang sagot ni Hanz. Siniko ito ni Bench sa tagiliran kaya naman tumigil ito sa pagtawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ringa Ringa RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon