First Petal

33 1 0
                                          

"Drake, stop it!" Agad ko itong itinulak palayo sakin kaya naman napasandal ito sa salamin ng van.

"Tsss! Come on babe!" Singhal nito sakin na tila nagmamakaawa pa na pagbigyan ko sya.

"No!" Matigas kong sagot bago inayos ang nagusot kong blouse.

Tinignan ako nito na tila hindi makapaniwala bago umiiling na ginulo ang kanyang buhok.

"Oy, tama na yan. Malapit na tayo." Inirapan ko si Bench na masama ang pagkakatingin sakin.

Nasa dulong upuan kami ni Drake sa loob ng van. Nasa gitna naman si Bench, Hanz at Trish.
Samantalang si Yohanne ang nagdadrive habang nasa passenger seat naman ang girlfriend nitong si Henna.

"Bench, palit nga tayo ng upuan." Asar na sabi ni Drake. Ako naman ang tila hindi makapaniwala sa inasal nya.

Seriously?

"Wag na, ako na lang ang lilipat." Sabay simangot ko kay Drake.

Nakayuko akong tumayo upang hindi tumama ang ulo ko sa roof ng van. Nanatili sa akin ang mga mata ni Bench habang hirap na hirap ako sa pagdaan sa gilid ng upuan.

"Bench, ano ba? Kumilos ka n-"

"Pucha!"

Aah!" Nanatili ako dahil sa biglang pagpreno ni Yohanne. Muntik na akong mapasubsob sa pinto ng sasakyan kung Hindi ako nahila ni Bench na dahilan ng pagkakasubsob ko sa katawan nya.

Namutla ako nung makita ang pwesto ko. Nakakandong ako kay Bench habang nakayakap ang braso ko sa malalapad nyang balikat at ang mga kamay naman nya ay nasa beywang ko.

"Ehem!" Nilingon ko si Hanz na nagwiwiggle ang mga kilay. Si Trish naman ay nakairap sakin. Tinignan ko din si Henna at Yohanne ngunit tila sila parehong gulat at wala sa amin ang pansin.

"CREI!" Sigaw ni Drake at marahas na hinila ang braso ko kaya naman dumulas ako sa backrest ng upuan. Bumagsak ako sa baba at tumama ang ulo ko sa bakal ng ilalim na part ng upuan.

"Aww!" I moaned out of pain while caressing the side of my head.

Imbes na maawa sakin ay marahas akong hinila ni Drake at malakas na isinandal sa upuan.

"Landi mo talaga eh no?" He hissed at my face.

Nabigla ako at napaawang ang labi dahil sa tinuran nya.

"D-Drake.." I stammered while looking straight into his cold brown eyes.

"Dude, stop being harsh to Crei." Singit ni Bench. Palihim ko itong nilingon. Kahit na wala sa direksyon namin ang tingin nya, sa pagka-tensed pa lang ng bagang nya alam kong inis sya.

"Shut it!" Galit ko na ding sigaw ngunit patungkol kay Bench. Wag na lang syang makialam!

"Damn it Babe! I'm sorry!" Bulong sakin ni Drake. Bakas sa mukha nito ang labis na pagsisisi. Frustrated nitong ginulo ang buhok habang kagat ang pang ibabang labi.

I stared at him with unbelievingly. Umiling ako bago itinulak si Bench.

"what?" Inis nitong tanong sakin.
"Open the door, lalabas ako." Singhal ko dito.

"Wag na, may tinitingnan lang sila. Sabi ko nga baka guni guni lang nila yun."

"I don't care! Bababa ako!" Singhal ko.

"Hayaan mo nga sya Bench, nag iinarte lang yan eh!" Singhal na din ni Trish. Inirapan ko lang sya at mabilis na sinundan si Bench na walang nagawa kundi ang bumaba din.

"I also saw the kid baby. I know it's not guni guni lang!" Sambit ni Henna habang hinahaplos ang braso ni Yohanne.

"Dude, may nakita ba kayo?" Tanong ni Bench na nasa una ko.

"Ano ba kasing nangyare?" Naguguluhan kong tanong kay Henna.

Seryoso itong tumingin sa mga mata ko bago sumagot.

"There's this kid that made liban the road kanina. We made bangga but then we can't see the body. Ugh! Pareho naming na-see ni Yohanne! Promise!"

Tumango tango ako bago nagmatyag sa paligid. Nagkakapit dilim na at natatakpan na ng maiitim na ulap ang kulay kahel na kalangitan.

Inilibot ko pa ang tingin ko sa paligid at saka ko lang napansin na tila kay layo na namin sa sibilisasyon. Baku-bako ang hindi sementadong kalsada at ang paligid ay panay kagubatan lamang. Pag tumingin ka sa malayo ay may matatanaw kang mataas na gusali na tila isang lumang mansyon. Kung tatantyahin ay mga 5 minutes walk iyon mula sa pwesto namin ngayon.

"What the fuck?" Napalingon ako sa gawi nila Bench dahil sa eskandalosong sigaw ni Hanz na bumaba na din pala ng van.

Nanlaki ang mga mata ko lang mapansin na ang laki pala ng yupi sa bumper ng aming sasakyan.

"Tang ina! San galing yan?" Sabay na sigaw ni Yohanne at Bench samantalang si Henna naman ay namumutla at gulat din na nakatitig sa malaking sira sa harap ng sasakyan.

WALA YUN KANINA! KASI KUNG MAY SIRA YUN, YUN DAPAT ANG UNA NAMING MAPAPANSIN PAGBABA NAMIN!

Tila natauhan si Yohanne na mabilis sumakay sa driver's seat at sinubukang paandarin ang van.

Nakailang subok ito ngunit ayaw talaga. Pano nga naman iyon gagana kung napakalaki ng sira niyon sa una?

Impossible ito! Kung talagang nakasagasa kami ng bata, hindi iyon lilikha ng ganito malaking damage. Another thing is, nasaan iyong katawan?

Nadatnan kong nakatitig sa akin si Bench habang nakatayo na pala sa tabi ko si Drake dala dala ang knapsack ko.

"Babe, tara na. We need to look for a place to stay the night." Bulong sakin ni Drake sa malambing na boses.

Nilingon ko ang mga kasama namin sa sasakyan ngunit wala na sila doon.

"Ayun sila oh, babe. Kanina ka pa kasi nakatulala sa harap ng van. Don't worry, di naman magagalit si Daddy eh. Ako na bahala magpa repair dyan. OK? Quit worrying now." Dahan dahan akong tumango sa sinabi ni Drake at nagsimula na kaming maglakad ng sabay.

Ramdam ko ang kaonting kilabot at tensyon sa mga kasama ko. Ano ba itong nangyayari samin? Sa kabila ng pag aalala ko ay naramdaman kong tila hindi sumusunod samin si Bench kaya naman nilingon ko ito.

Nakatitig ito sakin habang tila may kinukuha sa loob ng van. Malamlam ang mga mata nito at walang emosyon ang mukha.

"Crei, please. Wag ka masyado magdidikit kay Bench. Nagseselos na kasi ako eh." Mahinang sabi ni Drake sa malungkot na tono sabay buntong hininga.

"W-Wala ka naman dapat ipagselos, aksidente yung nangyari kanina." Mabilis kong kinagat ang dila ko upang pigilan ang mga salitang nais pang lumabas sa bibig ko.

Damn, I sounded so defensive!

Pinagsalikop ni Drake ang mga kamay namin. Nilingon ko ang gwapo nitong mukha at mas hinigpitan ang hawak sa kamay nya.

I'm so sorry Drake....

Ringa Ringa RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon