chapter 80 - "Itigil na natin ito|Hindi tayo susuko.."

1K 25 5
                                    

HappySunday kasi Nasa Pepito Manaloto ang JhaBea :)

SadSunday kasi wala si Jake sa Sunday All Star.. :(

Kamusta na kayo?. Malapit na BDAY ni DADA! ano gift kaya gift ng Bebe Girl niya??.

Hahah!. Alam ko na.. IN A RELATIONSHIP LEVEL!. :) 

Sana yun nalang :) Sawa na kasi kami sa mga BV news..

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Phone'Convo

Kim : Babe.. nasaan ka na ba?. kanina pa ako naghihintay dito oh?. Malayo pa kaya lalakbayin natin..

Jake : Kim.. pwede bang wag mo nalang akong isama..

Kim : At bakit naman?.

Jake : May gagawin kasi ako eh..

Kim : Ano nanaman yun?. Wag mong sabihin na tatambay kananaman kela Bea?. Tapatin mo nga ako.. siguro kayo na noh!.

Jake : Kim!. kung pwede nga lang. Pagod na ako.. pagod na pagod na ako sayo.. Itigil na natin to.. (Sabay baba ng phone)

Kim : Jake.. Jake.. Babe.. Hello?. (Tinignan yung phone) Argh!. Jake bakit ngayon pa?. (Umiiyak na)

------------------

Ding Dong..Ding Dong..

Jake : (Binuksan yung door) B..Be...Bea?. 

Bea : Oh bat' parang nakakita ka ng multo?.

Jake : Nagulat lang ako.. kasi diba.. ako dapat ang pupunta sainyo?.

Bea : Okay lang yun.. Oh bat ka sad?.

Jake : Badtrip lang kasi si Kim..

Bea : Jake.. kailangan mo siya intindihin kasi GF mo siya... Mahal ka nung tao.. siguro... teka nga pala ano ba kasi yung nangyare?.

Jake : Nagpapasama siya sa Gapo.. May Jamming sila dun.. Ei.. diba may usapan tayo.. kaya pinilit ko hindi sumama ... kanina tinawagan ako... galit hinihintay na daw niya ako..

Bea : Jake.. sana sinamahan mo nalang siya.. Okay lang sakin.. Tsaka kung tutuusin mas may karapatan siya kesa saakin.. 

Jake : Pero hindi ko na siya Mahal..

Bea : Sabihin nating hindi mo na siya mahal.. pero sa mata at batas ng mga tao.. kayo parin ang mag kasintahan kasi niligawan mo siya sinagot ka niya..

Jake : Pero nakipag break na ako sakanya kanina..

Bea : Jake.. bakit ka ganyan?. Pag nakikipaghiwalay ka sa mga babaeng minahal mo.. hindi mo inaayos.. bigla ka nalang aalis.. Jake masakit para kay Kim yun.. lalo na ngayon may trabaho siya sa Gapo.. walang siyang pagkukunan ng lakas..

"When You Say Nothing At All" JhaBeaFanFic :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon