Now Playing: So Close [personal favorite ko ito XD]

18.3K 482 33
                                    

 Now Playing: So Close

Masaya akong nakilala ko siya. Actually medyo matagal na kaming magkakilala. Katulad naman ng iba nag-umpisa din kami sa simpleng ngiti, sa simpleng “hi” at “hello”, sa simpleng “musta ka na?” Katulad din kami nung iba na nag-umpisa sa pagiging Strangers. At katulad ng iba, nag-umpisa sa MALIIT na pagtingin ang lahat.

            Hindi ko na maalala kung paano kami naging malapit sa isa’t-isa. Ang tangi ko nalang natatandaan ay parati na kaming nag-uusap at nagtatawanan. Corny man pero aaminin kong natutuwa ako sakanya. Madalas akong magsabi ng nararamdaman ko sakanya. Siguro kasi ang gaan ng pakiramdam ko sakanya o siguro kasi hindi ko alam na matagal na pala akong nahulog sakanya.

            Friendzoned kung tawagin, heto yata ako noon. Ang lapit ko sakanya pero parang ang layo ko naman. Yung tipong kausap ko nga siya pero may limitasyon naman. Yung feeling na umiiyak nalang ako tuwing gabi kasi di ko siya kayang abutin. Yung feeling na masaya ako pero biglang mapapawi ang lahat ng kasiyahang yun kasi nga hindi ko alam kung may pagtingin ba siya saakin. Pero dumating yung puntong umamin siya saakin. Mahal niya daw ako. Natameme ako. Natulala ako. IMAGINE? YUNG KAIBIGAN KO UMAMIN SAAKIN! YUNG TAONG MAHAL KO UMAMIN SAAKIN! Yung feeling na nasa HEAVEN KA! CLOUD9 SA PAKIRAMDAM ika nga ng iba! Siguro naman lahat aamin hindi ba? Mahal ko naman siya so what’s the point kung pahihirapan ko pa siya?

            Masaya yung feeling na kami na nung taong mahal ko. Kasi nga mahal din niya ako. Ewan ko pero yung feeling na yung MUSIC parang kami lang yung nakakarinig. Yung feeling na madaming tao pero kami lang yung nandun? Yun yung feeling. Masaya. Nakakakilig. Parang gusto ko parati ko siyang kasama. Yung sabi niya gusto niya din ako parating kasama. Mas lalo kaming naging malapit sa isa’t-isa. Mas madami akong nalaman tungkol sakanya. Gustong-gusto ko yung lagi siyang nagkukwento saakin. Wala lang, ang sarap kasi sa pakiramdam. Yung hindi namin namamalayan yung oras kasi nag-eenjoy kaming dalawa.

            Pero “LIFE GOES BY and THIS ROMANTIC DREAM MUST DIE”. Lahat ng pinangarap naming dalawa ay namatay. Kahit pa sabihin na kasama ako sa mga pangarap niya at kasama din siya sa mga pangarap ko wala pa ding kasiguraduhan. Lagi kasing may tinatawag na kinabukasan. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, hindi natin malaman kung ano ang tumatakbo sa isipan ng mga tao. Every person is indeed unpredictable. May mga padalos-dalos lang siguro talaga tayong mga desisyon. Dito ko napagtanto na wala yung famous happy endings sa disney. Dito ko nalaman na sinungaling ang mga pinapanuod ko noong bata ako. Hindi totoo yung sapat na kung mahal mo siya. Dapat pala mas mahal mo yung sarili mo, dapat nandun yung trust na tinatawag. Yung communication. Naghiwalay kami.

            Ang lapit lang niya, gusto ko siyang hawakan at yakapin. Ang lapit niya pero hindi ko magawa. Ang lapit lang niya kaya gusto kong lumayo. Masakit kasi. Pero kahit gusto kong lumayo, mahirap. Kasi mahal na mahal ko siya. At masakit mang isipin, pero siya kayang-kaya niya. Sino ba naman kasi ako? Ako LANG naman yung taong sinama niya sa mga pangarap niya. Yung taong sinabihan niya ng I LOVE YOU. Yung taong minamahal pa din siya. Yun lang naman ako sakanya. NOON. Sana pati ngayon, pero malabo. Ako lang naman kasi yung taong hindi basta-basta nagbibitiw ng mga sagradong salita tulad ng mahal kita.

            Siguro ang tanging magagawa ko nalang ngayon ay magpanggap. Magpanggap na walang nangyaring “ganun”. Magpanggap sa kadahilanang ang lapit lang niya at ayaw kong masaktan ulit. Pero sa ginagawa kong ito baka mas lalo niya akong layuan at mas lalo kong masaktan ang sarili ko. Napaisip tuloy ako “should I lose you now?” feeling ko ang layo naman na ng narating natin. O baka ako lang? Palibhasa ako lang yata ang nagseryoso maski hindi halata. Palibhasa ngayon lang ako nagkaganito at hindi ko alam ang mga ginagawa ko.

            Future, yan nalang ang naiisip ko ngayon. Ano kaya ako sa hinaharap? Kasama kaya kita doon? O may kasama ka ng iba? Siguro mangangarap nalang muna ako dahil alam kong MALAPIT ka lang pero MALAYO pa din. Back to zero siguro pero hindi pa din talaga kasi may nararamdaman pa din ako. Basta ang alam ko mahal kita at hindi ko alam kung ramdam mo pa ‘to. Siguro katulad nung umpisa, sa MALIIT nalang din siguro matatapos ang lahat. Kasi naman You’re SO CLOSE and yet SO FAR.

Playlist [One Shot Stories]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon