23

100K 4K 150

Beatrice.

Nandito kaming lahat sa kwarto ni Caela ngayon. It's almost two hours since she passed out at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya gumigising.

Hindi maipagkakaila na lahat kami sa loob ng kwartong ito ay nag-aalala sa kaniya. Kahit na saglit pa lang namin siyang nakikilala ay pakiramdam ko kailangan ko siyang protektahan – kailangan namin siyang protektahan.

Pero sa kabila ng pag-aalala na nararamdaman ko ngayon ay hindi ko pa rin mapigilan na hindi kiligin dahil sa nangyari kanina.

Wanna know why?

Kanina kasi noong naglalakad na si Caela papalapit sa pinto, napansin namin na hindi siya okay. Lalo na noong natigilan siya dahil kanina naman ang sigla-sigla niya tapos ang adorable pa niyang tingnan.

Nagpapakiramdaman lang kami noong oras na 'yun at nagulat na lang kami nang makita naming dumudugo ang ilong niya. She felt stiffened and was able to fell in the ground when Dashiell caught her.

Sa sobrang bilis niya, hindi na namin namalayan na nasa tabi na pala siya ni Caela. Sasaluhin pa lang kasi siya ni Kent dahil siya ang pinakamalapit kay Caela pero naunahan na siya ni Dashiell. Ang bagal kasi o sadyang mabilis lang ang reflexes noong isa. HAHAHA!

Dashiell seemed so worried pero noong napalingon siya sa amin ay balik poker face agad. Wala bato talaga e. Pero sobrang bago talaga nang nangyari sa kanya kanina, hindi naman nagpapakita ng emosyon ang lalaking ito pero kanina, mababakas mo talaga sa mukha niya ang pag-alala.

Hmm. I smell something fishy!

Tahimik lang kami habang naghihintay na magising si Caela. Hindi ko alam pero walang nagsasalita kahit isa sa amin. Though alam naman naming okay na siya because one of us is expert in healing - Zoey.

Tiningnan niya ang kondisyon ni Caela at wala naman daw siyang sakit at over fatigue lang daw ang dahilan. Sadyang OA lang kami kung mag-alala.

Pero paano siya mapapagod? Sa pagkakaalam ko wala naman siyang ginawang mabibigat na bagay, hindi pa rin naman nagstart ang combat session. At isa pang naramdaman ko nang pumasok kami sa kwarto niya ay parang may malakas na aura na bumabalot dito.

Wala akong ideya kung kanino iyon. It's a very unfamiliar aura na naramdaman ko din kanina noong pababa ng hagdan si Caela, pero agad ding nawala nung nakalapit na siya sa amin.

"Guys, thank you talaga sa inyo ah? Talagang binantayan ninyo din si Caela." Pambasag sa katahimikan ni Sophia. Siguro napansin niya rin na sobrang tahimik namin, na tanging paghinga lang ang maririnig mo.

"Magigising rin naman siya mamaya kaya huwag na tayo masyadong mag-alala." Ani ni Zoey.

"Tama! Caela is not just gorgeous like me, she's also strong." Over confident na saad ni Peter na siyang nagpangisi sa akin.

Sa amin kasing magkakaibigan, siya talaga 'yung may pinakamalaking pagtingin sa sarili. Isama na rin pala ang kambal.

"Si Caela, gorgeous. Ikaw, gorang!" Tawang-tawang sabat ni Marcus. Napatawa na lang din kami. Kahit papaano, nabawasan ang pag-aalalang naramdaman namin.

"Kapal ng mukha mo, Marcus Adam. Ako ang magandang example ng salitang gorgeous." sagot naman ni Peter. Nakahalukipkup ito habang sinasamaan ng tingin si Marcus.

"Peter, mag-kape ka please! Para kabahan ka naman sa mga sinasabi mo." Asar naman ni Harper. Isa pa itong malakas mang-asar.

"At talagang pinagtulungan ninyo pa akong mga bakulaw kayo." Kunwaring naiinis na sagot ni Peter.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!