Chapter 27 (August 08, 2011)

1M 11.9K 1.7K
                                    

DATE POSTED: August 08, 2011


Chapter 27

"Si Phoebe ba yan tska si Harley?"

"Huh? Eh di ba kasasabi pa lang ni Kent na girlfriend niya si Phoebe?"

"Ay anu ba yan bakit naman yan ang naka-flash?"

Iba-iba ang pinagbubulungan ng mga imbitado sa debut. Halos lahat nakatingin na kay Phoebe at kina Kent at Harley. 

Gusto ng lumubog ni Phoebe sa kinatatayuan.

"Close that!!!!" sigaw ng tatay ni Phoebe sa nagmamamange ng projection.

Si Kent naman ay nakatikom lang ang bibig. Hindi mabasa ni Phoebe ang reaksyon nito.

Hawak na ngayon ni Kent ang braso niya, mahigpit na mahigpit.

"Kent..." naiiyak na si Phoebe. She doesn't know how to start explaining. Alam niya kasing siya ang may mali.

Umiiling –iling lang si Kent at humuhugot ng malalim na hininga.

"Doon muna kayo sa loob ng kwarto... Kent... please" sabi ng tatay ni Kent.

"Look how flirt that girl is! She wants to have both Kent! And Harley!" sigaw ni Elisa mula sa kabilang dulo.

Mas dumami ang nagbulung –bulungan.

"Phoebe... Kent... doon muna kayo sa service room. Sige na!" sabi ulit ni tito James sa kanilang dalawa.

Lumapit si Harley.

"Isabelle, I'm sorry I didn't know..."

Pero gumalaw na si Kent. Sobrang higpit ng hawak ni Kent sa kanya habang papunta sila ng service room. Hindi umaangal si Phoebe dahil alam niyang siyan naman ang may kasalanan ng lahat.

Naiwan si Harley sa gitna.

Ang huling nakita niya sa hall ay pinipilit pauwiin ng mga ushers and usherettes ang mga bisita ng maayos. Kasama din ang mga tatay nila sa kumakausap sa ibang guest.

Ng nasa service room na silang dalawa ni Kent, sapilitan siyang pinaupo nito sa isang stool. Para siyang hinagis dahil sa lakas ng pagkakaupo niya.

"Kent..." panimula na naman ni Phoebe.

Isang kamay ni Kent ang sumusuklay sa buhok nito. Pero hindi pa din ito nagsasalita.

"Kent... please..."

Naglalakad lakad ito. Parang gusto ng burahin ni Kent ang mukha niya sa kahahaplos dito.

Alam ni Phoebe na gigil na gigil ito.

"How could you do this?!"

Nagsalita din si kent.

" Diba? I TOLD YOU TO WAIT??!!!! Sabi ko Phoebe... hintayin mo lang ako!!"

"Kent hindi ko--"

"Napaka-eager ka na bang magkkaroon ng lover ha Phoebe? I asked you before! Kung gusto mo nang maghiwalay, SANA SINABI MO NA LANG! hindi yung... hindi yung, kung kelan parang alam ko na kung ano na ang nararamdaman ko, kung kelan ready na akong harapin kahit masira ang career ko, tska ganito? You are so cruel!"

Mas lalong naguilty si Phoebe sa mga sinasabi ni Kent. Alam niyang nasasktan ito ng sobra, at napahiya pa sa lahat ng tao.

"I don't know Kent... It's not what you think!"

"It's not what I think? Napakalinaw ng picture Phoebe. You were kissing! At hwag mong ipipilit na he forced you, your hand was on his head Phoebe, you willingly kissed him. Ilang lalaki na ba ang nahalikan mo? Bakit kailangan ka pang magkunwari na ako pa lang?"

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon