Epilogue

14.2K 217 68
                                    

The same epilogue as it was before, ha? Walang edit 'to. Ini-upload ko lang ulit kasi dinelete ko siya before.

--------------------------------------------------------------------------------------------

Ace**

It's been weeks since the Festival. Since the day that I sacrifice my life for the person I love.

Oh God! I'm alive. Sabi na nga ba masamang damo ako.

Pero after ng pangyayaring yun, wala na akong balita kay Nathan :( Hindi man lang niya ako dinalaw dito sa ospital. Hindi ko pa siya nakikita hanggang ngayon, sila ni Angelique.

Siguro nga nagpakasaya na silang dalawa. Ganun nalang ba niya ako agad nalimutan? :(

Tama nga talaga ang naging desisyon ko. Kasi kung si Angelique yung nabaril, baka hindi ko kayanin kung makikita kong sobrang lungkot ni Nathan dahil mahal na mahal niya si Angelique.

Nagalit sakin sila kuya, sila Rae, sila Iya. Bakit ko raw ginawa yun? Siguro kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, hindi mo man aaminin ngayon, pero ganun din ang gagawin mo :(

Sila mommy at daddy, umuwi sila dito sa Pilipinas. Masyado silang nag-alala. Hindi ko naman ginustong mag-alala sila. Ang gusto ko lang, manatiling masaya yung mahal ko.

"Darylle! Okay ka na?"
"Yes, best friend."

Si Mico. Yes, umuwi rin ang best friend kong si Mico. Ang saya ko nung nakita ko siya. Bumalik sakin yung mga tanong na 'Paano kung siya nalang yung minahal ko?' - 'Paano kung tinanggap ko yung pagmamahal niya dati, magiging magulo ba? Masasaktan ba ako ng ganito?' Pero hindi ko na rin inisip. Kasi ngayon, kasal na siya. Masaya na siya. Katherine ang pangalan ng asawa niya. Nalaman kong kaya siya umalis para magpakasal. Sinubukan niyang humindi dahil sakin pero ako raw mismo, ayaw ko. Kaya itinuloy na niya ang pagpapakasal. Masaya ako para sa best friend ko. Kasi alam kong masaya siya at nahanap na niya yung taong magmamahal sa kanya at makakasama niya habang buhay. Siguro nga kaya hindi ko siya tinanggap dati dahil may ibang tao talagang nakalaan para sa kanya.

...

Iniwan man ako nung taong mahal ko, alam kong marami pa rin ang nagmamahal sakin.

"Dada, let's go."
"Yes mom."

Aalis na kami. Sa ibang bansa na kami titira. Isasama na ko nila mommy sa kanila. Sila kuya at sila Mico, maiiwan dito.

Parang gusto ko na ayaw kong umalis. Pero kailangan. Bukod sa gusto ko ng bagong buhay, sila mommy hindi na rin papayag na maiwan ako dito sa Pilipinas.

Siguro nga eto talaga yung nakalaan sakin. Eto talaga yung nakatadhana.

Pero, may tadhana ba talaga?

Parang dati lang, isa akong babaeng walang puso. Matapang, at kinatatakutan ng lahat.

Isang babaeng ayaw ng commitment pero may listahan ng imposibleng signs para sa isang taong mamahalin niya.

Isang listahan ng signs kung saan hindi niya akalaing natupad lahat ng nag-iisang tao.

Ang nag-iisang taong minahal ng babaeng bully. Ang taong madalas akong inisin dati. Ang taong nagpalambot sa matigas kong puso. Ang taong minsa'y natakbuhan ko sa oras na may problema ako. Ang taong minsang na-appreciate ang isang walang kwentang taong tulad ko. Ang minsang tumanggap sakin sa kabila ng imperfections ko. Ang pilit na umintindi sa ugali kong hindi maintindihan. Ang taong madalas magnakaw ng halik. Yung taong seloso. Yung taong hindi na niya kayang mawala sa kanya. Yung taong pinipilit basahin yung iniisip niya. Yung taong kumukumpleto ng araw niya. Yung taong kumumpleto ng buhay niya. Yung taong nagpapasaya sa kanya. Yung taong nangako na mamahalin siya habang buhay. Yung taong mahal na mahal niya. At yung taong iniwan siya :'(

Akala ko, siya na yung nakalaan para sa akin.

Siya na yung nakatadhanang mahalin ko habang buhay.

'Paano kung makilala ko siya, mamahalin din kaya niya ako?'

Yan ang tanong ko dati sa sarili ko.

At ngayon alam ko na yung sagot.

Hindi ako mamahalin ng taong mahal ko :(

--

Nathan**

"Hindi mo na makikita ang anak namin kahit kailan."

Yan ang mga katagang sinabi sa akin ng magulang ni Acey. Ilang linggo na rin ang lumipas. Ilang beses akong sumubok na makita siya pero hindi ako nagtagumpay.

Hindi ko akalain na magagawa niyang iligtas si Angelique. Hindi ko akalain na kaya niyang isakripisyo ang buhay niya para sa inaakala niyang kasiyahan ko :(

"Nathan, I'm sorry."

Si Angelique. Namulat na siya sa katotohanan. Bakit ngayon lang? Akala niya kasi kaya niyang iligtas ang sarili niya. Pero nagkamali siya. Yung taong tinanggalan niya ng karapatang sumaya ang nagligtas sa kanya. Acey :'(

..

"Pare, magiging ayos din ang lahat."

"Alam mo na ba Nathan?"

"Ang alin?"

"Umalis na sila Ace, sinama na siya ng magulang niya sa ibang bansa."

"Nagulat din kami Nathan nung nalaman namin, nung isang araw pa daw. Tapos hindi pa namin alam kung saan."

Lalong tumindi yung sakit na nararamdaman ko. Pero kasalanan ko, kasalanan ko ang lahat di'ba? Hindi ko naipaglaban ang nag-iisang babaeng minahal ko.

Ang babaeng bumuo ng buhay ko. Yung babaeng ang tindi magbitiw ng masasamang salita, pero para sa akin naging matamis na yung mga salitang yun lalo na kapag sa kanya nanggaling. Yung babaeng matapang pero isip bata. Yung babaeng matakaw, mababa ang kaligayahan. Yung babaeng humihilik. Yung astig pero inosente. Yung babaeng walang tiwala sa sarili niya. Yung babaeng minamahal ako nang tunay. Yung babaeng mahal ko, pero hindi ko napatunayan sa kanya.

Acey..

Babalik ka pa ba?

Hindi ko pa nasasabing ako yung kababata mo. Tatanggapin mo pa rin kaya ako?

Hindi pa kita naikukuha ng stuff toy sa catcher.

Handa akong marinig kang kumanta nang kumanta.

Hindi ko pa ganun nababasa ang mga iniisip mo.

Kahit gaano katagal, handa akong hintayin ka.

Acey, bumalik ka..

Handa akong alagaan ka.

Handa akong ipaglaban ka.

Hindi ko man ganun naipakita sayo kung gaano ka kahalaga sa akin.

Ikaw yung taong ayaw kong mawala sa buhay ko.

Kung alam mo lang..

Mahal na mahal kita :(

--------------

"Love is a temporary madness. It erupts like an earthquake and then subsides. And when it subsides you have to make a decision. You have to work out whether your roots have become so entwined together that it is inconceivable that you should ever part. Because this is what love is. Love is not breathlessness, it is not excitement, it is not the promulgation of promises of eternal passion. That is just being "in love" which any of us can convince ourselves we are. Love itself is what is left over when being in love has burned away, and this is both an art and a fortunate accident. It can be the brightest flame that leaves the deepest scar, but still, it's the one that lighten you up the brightest."



🎉 Tapos mo nang basahin ang Meet the J.E.R.K. (TO BE PUBLISHED WITH REVISED ENDING) 🎉
Meet the J.E.R.K. (TO BE PUBLISHED WITH REVISED ENDING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon