Magbibihis muna ako bago sumunod sa kanila dahil hanggang ngayon kasi ay naka-uniform pa rin ako. Nakakalungkot lang dahil nagtatampo si Mich sa akin pero magpapaliwanag na lang ako mamaya sa kaniya.

Tumayo na ako sa kama pero napaupo din agad ako nang maramdaman ko ang pananakit ng katawan ko. Parang umiikot din ang paningin ko.

Umupo muna ako saglit at pinakiramdaman ang sarili bago nagpasyang magpalit na ng damit. Nakita ko ang maliliit na tattoo sa may palapulsuhan ko. Hindi naman ito masyadong halata pero tinakpan ko pa rin ng baller baka kasi magtaka sila kapag nakita nila ito.

Nagdecide na akong lumabas nang nakita kong okay na naman ang itsura ko - walang panis na laway o muta.

Pinilit ko na lang na maglakad pababa ng hagdan kahit pakiramdam ko ay parang kahit anong oras ay matutumba ako.

*****

Peter.

Nandito kami ngayon sa dorm ng aking twinny Caela. Nag-alala kasi kami sa kanila kanina nang magkaroon ng malakas na paglindol tapos nakita namin ang mga estudyante sa gitna ng academy pero hindi namin sila natagpuan doon.

Madali lang namin malalaman kung nasaan ang aming hinahanap kahit na gaano pa karami ang tao dahil isa ito sa special ability namin. Nakaramdam lang kami ng kaginhawaan noong pinagbuksan kami ng pinto ni Michie. At least, alam naming safe sila.

We treasured them a lot, kahit na kakakilala pa lang namin sa kanila. Lalo na si Caela, dahil ang mga taong katulad niya ay ang mga dapat pinoprotektahan at pinapahalagahan.

Hindi ko alam pero kakaiba 'yung pakiramdam ko sa kaniya – not in a romantic way. Kahit na maganda si Caela, hindi naman kami talo. That's so eew kaya!

"Nasaan si Ganda?" Tanong ni Audrey.

Oo nga nasaan siya? Si Sophia at Michie lang kasi ang nandito.

Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa pangmahabaang sofa, maliit lang ang dorm nila kumpara sa Special room namin pero kasya naman kaming lahat dito. Nakatayo nga lang 'yung ibang boys.

"Hinahanap mo ba ako, friend? Nandito lang ako sa harap mo ah?" Sabi naman ni Sophia. Napangiti ako.

"HAHAHA! Si ganda 'yung hinahanap sis, hindi si shonget." Nang-aasar na sabat ni Mich.

Nakakatuwa kasi hindi na sila nahihiya sa amin ngayon.

"Hoy, ang hard niyo kay Sophia. Pero nasaan na nga ba si honey ko?" Tanong naman ng malanding lalaki na si Ian. Nakapangalumbaba ito sa arm rest ng sofa.

"Ayan ka na naman sa honey ko, honey ko. Baka gusto mong mabatukan? Landi mo!" pabirong sinamaan ko siya ng tingin.

"Nagbibihis lang siya. Natulog kasi ng naka-uniform." Sagot ni Mich.

"Ahhh." Sabay-sabay na sabi namin siyempre maliban doon sa tatlong taong bato (referring to Dashiell, Jackson & Kent.) Wag na kayong magtaka. Masyadong mahal ang salita na galing sa kanila.

Bumalik sa pag-aasaran ang mga kaibigan kong isip-bata. Nagseseryoso lang talaga 'yang mga 'yan kapag may kaharap na ibang tao.

"Ang tagal naman ng honey ko. Miss ko na siya." Parang batang maktol ni Ian, nakanguso pa. Sarap pakainin ng bato.

Babatukan na namin sana siya, kaso...

"WAAAH! DASHIELL NAMAN PATAYIN MO 'YUNG APOY. MASUSUNOG ANG BUHOK KO!" napatayo si Ian sa upuan at hindi magkaintindihan sa pagtutupok ng apoy sa kaniyang buhok.

I want to take a video of his reaction but unfortunately, I forgot my phone. His reaction was just freaking hilarious!

Ang lalakas ng tawa naming lahat habang pinagmamasdan ang namumutlang mukha ni Ian.

Ayan kasi, ang harot! Alam naman niyang may magseselos!

Bigla namang tumahimik nang marinig namin ang mga yabag ng paa na bumababa sa hagdan. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakaramdam pero parang ang lakas ng aura na iyon.

Bigla akong kinabahan, parang ang hirap huminga dahil sa bigat ng aura na dala nito. At hindi rin ito pamilyar sa akin. May iba ba silang kasama sa dorm na ito?

Nakahinga ako ng maluwag ng si Caela ang bumungad sa amin. Sa kaniya bang aura iyon? Pero ang mas ipinagtaka ko ay noong malapit na siya sa amin ay tsaka naman nawala ang kanina lang ay naramdaman naming malakas na kapangyarihan. Baka naman hindi kaniya 'yun. Aish!

"Why so matagal, pretty?" Conyong bungad ni Zoey sa kaniya. Pagpasensiyahan ninyo na, ganyan talaga iyan minsan.

"Hello. Pasensiya na, nagbihis pa kasi ako. Bakit nga pala nandito kayo?" ngumiti siya sa aming lahat. My heart melted with that smile. Pero hindi ko pa rin keri maging lalaki!

"Chineck lang namin kung safe kayo, although wala namang pinsalang dulot 'yung lindol." Sagot naman ni Marcus. Bahagya siyang tumango.

"Okay lang naman kami. Pero alam na ba ang dahilan ng paglindol?" Tanong ni Sophia.

"Hanggang ngayon inaalam pa rin ng council ang dahilan. Pero ang sigurado lang sa ngayon ay hindi ito mula sa mga dark mages." Sagot naman ni Harper.

"Sa sobrang lakas ng lindol ay napakaimposibleng hindi ito nagdulot man lang ng kahit na anong pinsala. Pero mabuti na nga iyon at walang nasaktan." Dagdag pa ni Ivan.

"Isa pang dahilan ng pagpunta namin dito ay yayayain sana namin kayong mamasyal." Ani naman ni Beatrice.

Nakita ko ang pagliwanag ng mukha nilang tatlo.

"Saan?" sabay-sabay pang tanong nila. Cutesy!

"Mystique circle." Excited na sagot ko.

Nakatingin lang sa amin 'yung tatlong taong bato pero alam kong sasama naman ang mga 'yan. Sadyang tahimik lang sila.

"Yay! Tara na. Excited na ako!" Tuwang-tuwang sabi ni Caela. Nagniningning ang kaniyang mga mata sa saya.

Naiinggit talaga ako sa beauty ng diyosang ito, pero pansin ko na parang mas lalong gumanda yata siya ngayon. May ie-evolve pa pala ang ganda nito? Paano naman kami? Kinuha na niya lahat?

Napatawa ako ng mapatingin ako sa mga kasama ko. Amusement. Adoration. 'Yan ang mga emosyong pinapakita nilang lahat. Ngayon lang yata nakakita ng magandang dilag na parang bata na akala mo binigyan ng candy kaya tuwang-tuwa.

Ang ganda naman kasi talaga ng kambal ko.

*****

Caela.

Ngayon lang ako makakapamasyal sa Mystique world kaya naman sobrang kaligayahan ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang excited ako sa mga mangyayari mamaya.

Nauna na akong tumayo sa kanila. Papalapit na sana ako sa pinto ng maramdaman kong parang umiikot ang paningin ko tapos may mainit na likidong lumalabas sa ilong ko.

Blood.

Pinilit kong irelax ang sarili ko pero hindi ko na talaga kaya. Parang bibigay na ang katawan ko.

Narinig ko pang tinawag nila ang pangalan ko bago tuluyang magdilim ang aking paningin. Naramdaman ko rin ang mainit na bisig na sumalo sa papabagsak kong katawan.

Salamat.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!